Chapter 1: Mahiwagang Daga

5 0 0
                                        


"Keziah Angela Almonte do you take @#_$&(/#/ to be your husband?" Tanong ng paring nasa harapan namin.



"I do" Tanging sambit ko habang nakatingin sa taong napakalabo ng mukha.



"@#_$&(/#/ do you take Keziah Angel Almonte as your wife?" Baling ng pari sa matipunong lalake na nasa harap ko suot ang makintab at kulay itim na tuxido.



"I do father." Sagot niya.



"Now you may kiss the bride." Utos ng pari bago iangat ng lalaking nasa harap ko ang puting belo na nakalagay sa ulo ko at...





*Blag!!*

Agaran akong napabangon nang magising ako sa isang malakas na kalabog mula sa labas ng kwarto ko. Nang makarating ako sa sala ay nakita kong nasa sahig na ang karton na naglalaman ng iba kong gamit.



"Meow! Meow!" Rinig ko sa pusa kong si Kaneki mula sa couch kaya sinilip ko ang ilalim nito upang alamin kung ano na naman ang pinaggagagawa ng pusa ko.



"KYAAAHH!! Eewww! Kaneki bitawan mo yan!!" Sigaw ko nang bigla siyang lumabas mula sa ilalim ng sofa kagat-kagat ang isang maliit na dagang nag-aagaw-buhay.


"Kadiri ka! Bitawan mo yan!" Sigaw ko at kinuha ang tambo sa likod ng pinto dahilan upang mapatakbo siya at maiwan ang maliit na daga.



"Ggrrhhhh!! Di pa ako nagliligpit ng gamit ko kalat na naman!" Inis kong wika sa sarili at binuksan ang main door upang ilabas ang daga na kanina pang nag-aagaw-buhay. Malamang pinaglaruan na naman ni Kaneki ang dagang 'toh.



Matapos kong mabuksan ang pinto ay sinundot-sundot ko ang daga ng stick upang alamin kung makakalakad pa ba ito pero mukhang wala na talagang pag-asa dahil sa kagagawan ni Kaneki kaya't winalis ko nalang ito. Hayst.. Kawawang nilalang. d–_–b


Nang madala ko ito sa main door ay naisip kong dalhin ito sa basurahan pero paano dahil tingin ko ay 3-4 meters pa ang layo nito mula sa main door? Wala rin naman akong dustpan dahil di pa ako nakakabili ng iba pang gamit dito sa bahay na nilipatan ko.



"Aish! Saan ko ba itatapon 'toh?" Naiirita kong tanong sa sarili.



"EEEWW!!" Napasigaw akong muli nang tumalsik ito sa paanan ko dahil sa pagkasagi ng walis tambo ngunit di sinasadyang nahampas ko palabas ng bahay gamit ang hawak kong tambo.



At sa di inaasahang pagkakataon ay tumalsik ito sa kalsada habang may isang lalaking nagjojogging at...


BOOM!!


THREE POINTS!!!


KAPUL SA BALIKAT!!





Dahil sa di inaasahang pangyayari ay lumingon yung taong tinamaan ng tumalsik na daga na nagpakaba sa akin ng to the highest level kaya't agad akong nagtago sa loob at isinara ang main door.


'Okay self chill ka lang. Wala lang 'yun.'



'Inhale..'



'Exhale..'



'Inhale.....'




*Dingdong*

Bad Liar (Ongoing Mga Bebe)Where stories live. Discover now