*Dingdong*
"SAGLEETTT!!!" Sigaw ko habang nagshoshower mula sa kwarto ko. Aba! Madaling araw pa lang may nambubulabog na agad? Dapat tulog pa lahat ng tao dito sa boung village.
*Dingdong*
"SABING SAGLEEETTT!! NALILIGO PA YUNG TAO EH!" Ang unli naman yata. d>.<b
*Dingdong*
"HETO NA BABABA NA! MAKADOORBELL KA D'YAN 'KALA MO NAMAN IKAW NAGBABAYAD NG KURYENTE KO!" Agad kong tinapos ang pagligo at nagbihis na upang mapuntahan 'yung taong unlimited sa pagdoorbell ko.
Nang buksan ko ang pinto ng pagkalaki-laki ay agad na bumungad sa akin si Airene alyas 'Air' suot ang neon na jacket at puting short na super duper iksi habang nakapamaywang sa dilim. Okay lang makinis naman balat niya.
"Jusmeyo naman Air 'kala ko kung sino nang nambubulabog ikaw lang pala. Teka alas tres pa lang ah! May problema ba? Pinasok ka ba ng magnanakaw? May nastroke ba sa inyo? O baka naman inatake sa puso." Nag-aalala kong tanong sa kaniya.
"It's jogging time!" Patili niyang sinabi habang malapad na nakangiti. Jogging? Baliw ba siya?
"Nahihibang ka ba? Magjojogging ka ng gabi? Eh kung nakidnap ka sa daan?" Pangaral ko sa kaniya.
"Kaya nga I want you to come with me since ako lang mag-isa so that no one will kidnap me hihihi." Tugon niya.
"Ako? Sasama sa'yo? Aba ayoko gabi pa kaya!"
"Sige na please! Marami namang guards sa paligid eh. Let's go jogging in the dark pleaaasseee!!! Sige ka 'pag di mo ako sinamahan magpapakidnap ako." Pananakot niya sa'kin. My guards naman pala ba't kelangan ko pang sumama? Gulo din nito.
"Oh siya! Sige na! Sasamahan na kita pasok ka muna dito." Ika ko at agad naman siyang pumasok sabay patalong umupo sa couch.
"Kape ka muna at magbibihis lang ako sa itaas." Dagdag ko at akmang pupunta na sa kusina ngunit agad niya akong pinigil.
"No need na Kitch! Dalian mo nalang 'coz I don't want to be inip-inip." Pagtanggi niya. Hmp! Konyo ka talaga.
Matapos akong magbihis ng makapal na jacket at jogging pants na dati kong P. E. Uniform ay agad kong kinuha ang rubber shoes ko na nike at bumaba na upang puntahan si Air sa sala.
"Goossshhh!!! What's that? dO_Ob" Gulat na gulat niyang tanong nang makababa ako at tinitigan ako mula ulo hanggang paa. May mali ba?
"Bakit?" Tanong ko. Agad naman siyang lumapit at umikot sa'kin na animo'y may mali sa ayos ko.
"Ghurl what kind of ayos is that?" Nakangiwi niyang tanong.
"Jogging attire." Tipid kong sagot habang pinagmamasdan pa din niya ako.
"Oh..my..G.. as in oh my G! Kitch! Wala ka bang ibang pwedeng panjogging d'yan?" Tanong niyang muli.
"Marami naman kaso puro na masikip eh. Hehehe. Di na kasya."
"Bakit di ka bumili?" Tanong niya at itinaas ang kaliwang kilay.
"Ah.. eh.. ano kasi.. wala pa akong pambili..." Nahihiya kong sagot.
"Whatever. Let's go at baka lumabas na si haring araw! Di tayo pwedeng maexpose sa sun." Aniya sabay hila sa'kin palabas. Agad ko namang nilock ang pinto at gate ng maayos. Baka manakaw pa 'yung mga dala kong kaldero't kaserola d'yan 'noh.
"C'mon! Bilis maglalakbay pa tayo sa far." Aya niya.
"Saang far? Baka maligaw ako huh!" Ani ko.
"Naku naman Kitch! Far as in malayo." Maikli niyang paliwanag at nag-umpisa na kaming magjogging sa kalagitnaan ng dilim hanggang sa makarating nga kami sa highway.
"Wait! I'm so pagod na Kitch! Pahinga muna tayo." Aniya at hinihingal na umupo sa bench nang makarating kami sa isang lugar na parang plaza.
"Ba't ba kanina ka pa Kitch ng Kitch eh hindi naman 'yun ang name ko. I'm Keziah Angela okay?" Reklamo ko.
"Wala lang. Cute eh." Tugon niya.
"Kunsabagay, cute nga siyang pakinggan." Pagsang-ayon ko.
"So ano na? Palabas na si haring araw uwi na tayo?" Tanong ko dito.
"Nope! We're going to wait until 10 am. AND! Since 5 am pa lang let's go jogging jogging again!" Aniya.
'WHAT?! 10 AM? Akala ko ba ayaw mong maexpose kay haring araw? Gulo mo talaga. Kung di ka lang talaga maganda sinapok na kita.'
"T... Ten? So you mean 5 hours pa tayong magjajogging gan'on?" Di ko pa naman kabisado 'tong lugar na 'toh.
"Chill! Until 6 am lang. After that we're going to the café and wait until 10 am." Tugon niya.
"Teka akala ko ba jogging lang? Ba't tayo pupuntang café? Naku! Di ko pa naman dala yung pera ko.. tapos bakit naman tayo maghihintay ng gano'n katagal?" Tanong ko.
"You'll know it later." Tipid niyang sagot at nagsimula na muling magjogging kaya't sumunod na lamang ako sa kaniya. No choice dahil hindi ko naman alam 'tong lugar na 'toh. d–_–b
YOU ARE READING
Bad Liar (Ongoing Mga Bebe)
RomansaIsang babaeng nagmula sa tahimik at napakasimpleng buhay na nabago mula ng tumira sa lugar ng mga mayamang tao.
