Nang tumigil ang sasakyan sa mismong tapat ng sinasabing restaurant ay agad kong in-unbotton ang unang butones ng coat ko ngunit nahirapan akong buksan ang butones dahil sa sobrang liit ng butas nito at sa hindi sinasadyang pangyayari...
"AAYYY!!!!" Gulat kong sigaw nang tumalsik ang unang dalawang butones ng coat ko dahilan upang maexpose ang cleavage ko.
"Shit! I told you na isa lang!" Inis na saad ni Mr. Liam at biglang tumalikod sa'kin.
"Masyado kasing maliit 'yung butas sorry I accidentally pulled it."
"Get some pin." Utos niya.
"Eh 'diba nga naiwan ko 'yung bag ko sa table kaya wala akong dalang gamit." Irap ko dito.
"Ow shit! What a careless rat hitter." Inis nitong sabi at akmang lalabas na. Aba kanina pa siya sa rat hitter niyang yan ah!
"Oy! Teka sandali! Where are you going." Pigil ko dito at hinawakan ang manggas ng polo niya.
"Don't touch me! Fix yourself rat hitter! Sumunod ka nalang mamaya sa taas." Pagalit niyang sabi at nagpatuloy na sa loob ng restaurant.
"ABA! ANG MADAPA KA SANANG UNGGOY KA!" Singhal ko nang maisara ang pinto ng sasakyan.
"Ma'am maiwan ko muna kayo. Magaalmusal lang po ako." Paalam ng driver na si Mang Rex at iniwan akong mag-isa sa loob ng sasakyan.
"Grrrr!!! Kanina pa ako nanggigigil sa Liam Avery na yaaannnn!!!!" Gigil kong sigaw habang pinaghahampas ang upuan ng sasakyan.
"Anong nang gagawin ko dito? Gosh! dT_Tb" Naiiyak kong sambit sa sarili.
Habang nakatunganga sa loob ay nakaisip ako ng isang kalokohan.
"Hehehe wala namang nakakakilala sa'kin dito so why not?" Muli kong sambit mag-isa at mula sa passenger's seat ay lumipat ako patungong driver's seat upang makita ang sarili ko sa salamin. Agad kong tinanggal ang tali ng aking buhok at hinayaang bumagsak ang long straight hair ko sa likod, mas lalo ko ring inexpose ang cleavage ko. Oh 'diba! Bongga!
Nang makalabas ako ay mas lalo kong itinaas ang pencil skirt ko upang mas maexpose ang hita ko. Oh! Ha! Taray ng peg ni atiihhh!!!
"You can do this Angge." Sambit ko at taas noong naglakad papasok ng restaurant. Yep I'm Angge. Nickname ko 'yun sa province namin. Cute 'diba? Pero mas cute ko. d–_–b
"Ma'am excuse me." Salubong sa'kin ng guard.
"Why?" Taas kilay na tanong ko.
"Do you have reservation here ma'am?" Tanong ng guard. Kelangan pa pala 'nun? Patay! How can I get inside?
"May I know if where's the table of Franko and Liam Avery? I'm Avery's assistant." Agad kong naisip na tanong at itinuro naman ni kuyang guard kaya't nagpatuloy na ako sa pag-akyat habang nakatingin ang lahat ng tao sa'kin.
'Masyado bang revealing? Mukha pa yatang revealing 'yung pinasuot ni Air sa'kin sa mall kahapon eh.'
Nang makaakyat ako sa second floor ay agad kong natanaw si Mr. Sungit kaharap ang matandang nakita ko sa picture kanina, siya na yata si Mr. Franko. Agad akong naglakad ng parang modelo patungo sa gawi nila.
"Good morning my boss. I'm sorry for being late may inasakaso lang." Wika ko ngunit nakatunganga lang siyang nakatingin sa'kin pati si Mr. Franko kasama ang kanyang apat na ewan ko kung alalay o buddy guard.
'Problema ng mga 'toh?'
"Mr. Liam?" Kuha ko sa atensyon niya ngunit napatampal ito sa kanyang noo.
"Sorry. Ahm.. M..Mr. Franko this is my assistant, Keziah by the way. And Keziah this is Mr. Franko a great and successful business man." Pagpapakilala ni Mr. Liam.
"My pleasure to meet you Mr." Malambing kong sabi at kinamayan siya.
"Oh! What a beautiful assistant you have Liam. Hindi mo naman agad sinabing napakagaganda ng mga employers mo. Nice meeting you Ms. Keziah." Baling nito sa'kin habang nakangiting aso. Ahehehe.
"Keziah have a sit." Pagkuha ni Mr. Liam ng atensyon at hinila paatras ang upuan sa tabi niya.
"So Ms. Keziah, when did you start working as an assistant of Liam?" Tanong ni Mr. Franko habang hindi pa din maalis ang tingin sa'kin.
"Since last year." Pagsingit ni Mr. Liam tanging ngiti nalang ang tugon ko.
"Bakit hindi man lang kita nasilayan?" Tanong muli ni Mr. Franko.
"You know Mr. Handsome– I mean Mr. Franko being an assistant is not too easy that's why lagi lang akong nasa loob and busy sa mga gawain. Hindi din ako masyadong sumasama sa mga meeting ni Mr. Liam kasi you know, if he can't finish his work dahil sa mga meetings I'm the one who need to finish it in his office." Malambing na tugon ko dito with matching haplos sa kamay niya ngunit sinamaan lang ako ng tingin ni Mr. Liam. Ayan, nagiging Mr. Sungit na naman siya.
"Keziah give me the papers." Utos ni Mr. Sungit habang nakatingin pa din ng masama sa'kin. Problema 'nun?
"Convince him to sign." Bulong pa niya sa'kin at agad ko namang sinunod.
"Uhm.. Mr. Handsome– oh I mean Mr.Franko. Sorry I forgot your name sometimes because of your handsome look." Saad ko at naglipbite habang mapungay na nakatingin sa kanya.
"No no no.. It was really fine kung ganyan lang naman kagandang dilag ang tatawag sa'kin." Tugon niya.
"I have a favor Mr. Franko but please promise me first that you'll agree." Dagdag ko pa habang patuloy pa din sa kalandiang ginagawa ko.
"Ofcourse! Anything for you beautiful lady." Nakangiti nitong sagot at agad naman akong lumapit sa kanya payuko upang mas makita niya yung cleavage ko. Landi ko na talaga!
"Will you please sign this cont–" Hindi ko pa natatapos ang sinasabi ko ay agad niya nang kinuha ang mga papeles at ballpen sa kamay ko at pinirmahan ang mga iyon habang malagkit pa ring nakatingin sa dibdib ko. Aba'y manyakis ang ngiting asong Franko! d–_–b Kung wala lang kaming kailangan dito kanina ko pa binatukan 'tong matandang 'toh eh.
YOU ARE READING
Bad Liar (Ongoing Mga Bebe)
RomantizmIsang babaeng nagmula sa tahimik at napakasimpleng buhay na nabago mula ng tumira sa lugar ng mga mayamang tao.
