"Maghahanap nalang muna siguro ako ng trabaho. Try ko bukas." Malungkot kong tugon kay Air.
"Ah.. so you mean wala ka pang napupuntahang company for job?"
"Wala pa."
"What kind of trabaho naman?" Tanong niya.
"I. T. 'Yun kasi ang tinapos ko. Pwede din namang call center nalang." Sagot ko.
"Why don't you try to apply as a secretary?" Dagdag niyang tanong.
"Di naman akma sa course ko eh tsaka di pa nga ko nakakasubok magtrabaho secretary agad?" Tugon ko dito.
"Ah.. wait.. If you finish college, then when?"
"Last year lang. After that hindi ako pinayagang magtrabaho ni mama." Sagot ko.
"I have an idea. Later pag-uwi natin get ready for tommorrow. Ihanda mo lahat ng meron ka then tomorrow pumunta ka sa Makati. I'll give you the exact address later kung saan ka pwedeng mag-apply. Hihihi" Saad niya at hinila ako sa isa pang store ng mga damit.
"Hey you bitch!" Sigaw niya sa isang babaeng nakauniform ng fit na green coat with green skirt at may tag ng manager sa kaliwang dibdib.
"Uyyy!!! How are you bitch? I really miss to slap you!" Wika ng babae kay Air at hinampas siya. Seriously, magkaaway ba 'toh o magkaibigan?
"Yiiieee! Hahahaha! By the way I want you to meet my new friend, Keziah Angela but you can call her Kitch for short. And Kitch this is my bitchy best friend, Crissanta-"
"Crissa! Just call me Crissa." Putol ng babae.
"Oh I mean Crissa, hehehe the manager of this damitan." Dugtong niya.
"Ang cheap mo huh! Office suits kaya 'toh!" Pataray niyang sabi kay Air. At bumaling sa'kin ng nakangiti.
"Nice meeting you Kitch! If you need something here don't be shy to find and talk to me." Aniya at nakipag shakehands sa'kin.
"Babaita we're here nga pala 'coz we need something to buy." Pagsingit ni Air.
"What do you want to buy?" Tanong ni Crissa.
"Flywood at pako. Kung gusto mo pati na rin mga medicines." Sarcastikong sagot ni Air na ikinatawa namin ni Crissa.
"Magtatanong ka pa eh puro office suits 'yang mga paninda mo." Dagdag pa niya at dumiretso kami sa loob.
"This, this, this one, also this, and this." Saad ni Air habang namimili ng mga eleganteng damit pang-opisina. Ang swerte naman niya dahil lahat ng mamahaling bagay nabibili niya.
"Ay! Bitch! This one pa pala. Pwede na 'toh for one week hehehe." Pahabol ni Air.
"Do you think kasya kaya kay Kitch lahat ng napili ko?" Tanong ni Air kay Crissa. Wait ako ba 'yung tinutukoy niya?
"Excuse me? Bakit ako?" Tanong ko.
"These are for you eh. You know, you're going to apply in a company. Alangan namang old P. E. uniform na naman ang isuot mo." Natatawa niyang paliwanag.
"Yah.. That's right Kitch and I'm pretty sure that these suits will make you more beautiful 'coz it fits on you!" Saad ni Crissa. Hmp! Bola!
After kaming bumili- I mean after akong bilhan ng mga damit pang-opisina ni Air ay dumiretso naman kami sa store ng heels at doon niya din ako binilhan ng tatlong pares. Napakabait pala niya 'noh? d^_^b
•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•
"Sige Air bababa na ako salamat talaga sa pagbili ng gagamitin ko sa pag-aapply huh!" Wika ko nang tumigil ang car niya sa roadside ng bahay ko.
"Uy! Sama ako ghurl! Can I park my car in your garage since wala namang lamang sasakyan? Please.." Aniya at nagpout.
"Oo naman pero di ka ba hahanapin ng parents mo sa inyo? Baka pagalitan ka." Tugon ko dito at agad naman niyang ideneretcho ang sasakyan sa garage.
"Tsk! Sino namang parents ang magagalit sa'kin eh nasa States sila pareho." Sagot niya at tumawa ng malakas.
"Ay? Wow naman! Kaya pala ang yaman niyo eh." Tanging saad ko at tuluyan na kaming bumaba sa car.
Nang makapasok kami sa bahay ay agad niya akong inaya sa kwarto ko upang isukat ang lahat naming pinamili. Feel at home ka Air huh!
"Teka lang Air pang-opisina lang naman yung akin eh." Reklamo ko nang iabot niya sa'kin ang mga shopping bags upang isukat ko daw ang mga lamang damit.
"Nope! That's all yours since nalaman ko 'yung life situation mo. Kaya sige na dali isukat mo na lahat 'yan!! Yieee I'm so excited! For sure bagay sa'yo lahat." Aniya na animo'y kinikilig.
"Eh pa'no ka? Tsaka ang mamahal ng mga 'toh hindi ko sila kayang bayaran." Ani ko at akmang ibabalik sa kaniya.
"Don't! Saka mo na ako bayaran 'pag may salary ka na kaya go! Change ka ulit!" Pagpupumilit niya kaya't sinunod ko nalang siya. Matapos akong magsukat ng pakarami-raming damit ay inayos ko na ang mga ito sa wardrobe at nagpasalamat sa kaniya ng sobra. Hinanda na din namin ang mga requirements ko para bukas at naglunch na kami sa bahay. Buti nalang at nagustuhan niya 'yung luto kong adobo kaya ayun naparami 'yung kain niya. Hahaha!
"Air required ba talagang magsoot ako ng heels eh hindi naman model ang aapplayan ko?" Tanong ko sa kanya.
"Yup!" Tipid niyang sagot habang kumakain ng popcorn sa harap ng tv.
"Ay what about the address?" Tanong kong muli.
"Tinatamad akong magsulat. Sama nalang ako tomorrow sa'yo." Sagot niya. Tch! Tamad magsulat pero gumala hindi?
YOU ARE READING
Bad Liar (Ongoing Mga Bebe)
RomanceIsang babaeng nagmula sa tahimik at napakasimpleng buhay na nabago mula ng tumira sa lugar ng mga mayamang tao.
