Nagulantang ako matapos kong buksan ang main door nang bumungad sa akin ang isang lalaking malaanghel na nakasuot ng white shirt with black jogging pants and rubber shoes at halatang inis na inis. Anghel naiinis?
'Patay kang 3 points ka.'
"Good morning po. Ano pong–" Wika ko habang pekeng nakangiti at pinipigilan ang kaba sa harap niya ngunit hindi ko na ito natapos nang pasindak siyang magsalita.
"There's no fucking good in this morning!" Iritado at pasigaw niyang sambit. WAO BESH!! English!
"A..ano pong ka..kailangan nila?" Painosente kong tanong.
"Am I a garbage para hagisan mo ng daga?" Bakas sa mukha niya ang pagkairita. Correction di pala anghel 'toh kundi demonyo. d–_–b
'Kasalanan 'toh ni Kaneki eh! dT_Tb'
"A..ah sorry di ko po sadya." Pagpapaumanhin ko sabay hawak sa batok.
"Di sadya? Can't you see that I'm on the road?" Pagalit niyang tanong. Aba! Maldito 'toh ah! Nagsorry na nga eh!
"Kasalanan ko bang dumaan ka?" Pagtitimpi kong sagot.
"So you mean I am the one who just need to adjust?" Tanong niya with action. Tch! Kalma lang self.. Mayaman yan... Baka ipasalvage ka pa niyan at kinabukasan lumabas nalang sa bente-kwatro oras na may isang babaeng natagpuang patay dahil sa paghagis ng daga.
"Pasensya na talaga. Hindi na mauulit." Pilit kong ngiti habang kamot ang batok ko.
"What do you want? Do you want me to expand that fucking road para di ako matamaan ng dagang IHAHAGIS MO SA KALSADA?" Dagdag pa niya while pointing the road. P*tcha! Yabang nito ah!
"NAGSORRY NA DIBA? DI KA MATAHIMIK? Aba malay ko bang tyumempo ka pa sa paghagis ko ng lintek na daga! Tinamaan lang ng daga sa likod kala mo naman mamamatay na! Kulit mo din eh 'nuh?!" Singhal ko sa kanya at pabagsak na isinara ang main door sa mismong harapan niya. Hala sige! Magreklamo siya d'yan makikita niya ang hinahanap niya! d>.<b
"Kaaga-aga nambubulabog! May pa-packing-packing pang nalalaman! Manigas ka d'yan!" Sigaw ko at padabog na ibinalik ang nahulog na karton sa pinaglalagyan.
So ayun.. Hindi pa pala ako naliligo kaya't kailangan ko munang bumilik sa kwarto. d–_–b
"Kanekiii!" Tawag ko dito at nilapitan ko nang makita kong nakalubog siya sa couch. Galing 'noh? Ako na 'yung tumawag, ako pa 'yung lumapit.
"Bakit ka ba naglaro ng bubwit! Ayan tuloy unang araw natin dito may kaaway na ako dahil lang sa tinamaan siya ng daga." Inis kong wika dito at ayun.. parang wala namang pakialam sa mundo si Kaneki. d–_–b
Matapos akong maligo ay agad akong nag-almusal at dahil nga sa bagong lipat ako kagabi ay sinimulan ko na ring ayusin ang pagkadami-daming kagamitang dinala ko.
"Kung bakit naman kasi kailangan pang dalhin lahat ng mga gamit ko dito? Pati ba naman 'tong mga balde't palanggana eh may mga gamit naman na sa cr." Wika ko sa sarili habang nagliligpit ng mga gamit.
Hapon na nang matapos ako sa pag-ayos ng sandamakmak na kagamitan mula kwarto hanggang sala, cr, at kusina, isama mo na rin pati sa basement ng bahay ni tita. Oo nga pala lumipat ako sa bahay ng tita ko— hindi! Pinalipat pala ako ng tita ko sa bahay niya kasi daw sa France na daw siya titira with her family. Oh diba! Sosyal! Sana all nalang sa inyo tita Let!
Matapos kong itiklop at ayusin sa wardrobe ang pakadami-dami kong damit ay pabagsak akong nahiga sa napakalambot na Queen-sized bed ng dating kwarto ni tita. Paano ba naman kasing hindi ako babagsak sa pagod eh kwarto pa nga lang na 'toh ay sinlaki na ng boung bahay namin ni Nanay sa probinsya at isa pang nagpadagdag ng pagod ko ay ang mga kagamitang pinadala sakin ni Nanay. Geeezzz... It makes me more pagod. d–_–b
At unti-unti na ngang bumigat ang mga talukap ng mga mata ko...
*Dingdong*
"Weyt a minute kapeng mainit!" Sigaw ko mula sa kwarto nang magising ako sa tunog ng doorbell. Tch! Sarap ng tulog ko distorboooo!!
"Good evening mah' new neighbor!" Bungad sa'kin ng isang maputi, matangkad, at magandang babae na nakasuot ng white dress. In short maladyosa. WAO!
'Anghel ata 'toh dai!'
'Ay hindi! Dyosa pala. Siya ba ang nawawalang anak ni Venus? Or baka naman pamangkin ni Venus?'
'Nananaginip na ba ako?'
"Hellooo... Ghurl!" Anang babae habang kumakaway sa mukha ko.
"Yes? Do you need something?" Wao english! Nahawa yata ako kay Mr. Sungit kanina sa kaeenglish!
"Ow! I need you to get this ulam from my kamay because I'm so nangangawit na since kanina pa." Hanudaw?
"Ay! Thank you!" Tugon ko dito ng nakangiti sabay tanggap ng inaabot niyang tupperware. Wao! Maganda na, mabait pa! San ka pa dre!
"By the way I'm Airene Lee but you can call me Air as in hangin but not so mahangin and you?" Pagpapakilala niya sabay lahad ng right hand.
"Keziah Angela. Nice meeting you." Tugon ko sabay abot ng kamay niya.
"Ay!! What a wonderful pangalan you have. D'yan nga lang pala ako nakalive sa gray house." Aniya sabay turo sa isang mataas at kulay gray na bahay. Konyo ata 'toh siz eh..
"Ah.. okay sige salamat po." Tanging sagot ko. Ang ganda talaga niyaaaa!!!
"You know what? I cooked that ulam for you because I'm so natutuwa kasi I have a new kapit-bahay again." Dagdag pa niya. Confirmed! Konyo nga talaga mga dre!!
YOU ARE READING
Bad Liar (Ongoing Mga Bebe)
RomanceIsang babaeng nagmula sa tahimik at napakasimpleng buhay na nabago mula ng tumira sa lugar ng mga mayamang tao.
