Chapter 4: Shopping

1 0 0
                                        

Nang makapasok kami sa isang café ay agad na namagnet ang tingin ng mga tao sa amin at nag-umpisa nang magbulungan ngunit patuloy lang kami sa paglalakad hanggang sa makaupo sa vacant sit.




•~•~•~•~•~•~•


"Air sorry talaga huh. Ikaw pa tuloy gumastos dito." Paghingi ko ng sorry at ngumuya ng strawberry pan cake ngunit inirapan niya lang ako.





"You know what? More than 10 times mo nang sinasabi 'yang sorry na yan. Para naman tayong hindi magkaibigan." Aniya at humigop ng kape. Mainit na din dahil alas otso na ng umaga kaya't hindi na kami lumabas pa at puro na lang kwentuhan ang ginawa namin.





"By the way Kitch no offense huh but I want to ask you something. Actually kanina ko pa 'toh gustong itanong eh." Wika niya.





"Go." Tipid kong tugon.





"Why does your style looks baduy?" Tanong niya.





"Huh? Di kaya. Panjogging ko 'toh eh." Sagot ko.





"Everybody is looking you eh. They are murmuring something because of your style." Pati ba naman kasuotan pagchichismisan? d–_–b Hay naku pipol!





"Ahm... Sorry huh. Wag ka sanang madistract. Ano kasi eh.. ahm.. ano.."




'Sasabihin ko ba ang totoo?'





"What?" Tanong niya.





"Sige sasabihin ko na sa'yo ang totoo. Nakakahiya man pero ayoko kasing nagsisinungaling." Pagpapatuloy ko at humugot ng malalim na paghinga habang siya naman ay nag-aabang ng isasagot ko.





"Hindi ako mayaman tulad mo. Pinatira lang ako ng tita ko sa bahay niya dahil nangibang bansa siya kasama ang family niya at doon na sila titira." Nakayuko kong paliwanag.





"What? Is that real?" Gulat niyang tanong at tanging tango lang ang naisagot ko.





"I hate you na." Aniya at umirap. Sabi na nga ba eh. Kahit sinong mayaman ay hindi gugustuhing makipagkaibigan sa isang tulad ko. Akmang tatayo na sana ako nang bigla niya akong paupuin muli.





"Charr! Ano ba I'm just joking lang! Don't make it serious ghurl! Parang di naman magkapit-bahay." Aniya at humagalpak ng tawa. Anong nakakatawa 'dun?





"S...sigurado ka?" Nag-aalangan kong tanong.





"Yup! Napakaseryoso mo kasi eh. Mukha bang totoo 'yung ginawa ko kanina? Best antagonist na ba?" Natatawa niyang tanong.





"Oo."




"Hay nako ghurl! Stop being so dramatic!" Aniya at nagpatuloy kami sa pagkain. Tuloy din ang kwentuhan at nalaman kong may kompanya pala sila.





Nang sumapit ang 10 am ay inaya niya akong samahan siya magpunta sa mall dahil trip daw niya magshopping. Mga mayayaman talaga.





"Wait.. Papasok tayo d'yan ng nakaganitong ayos?" Pigil ko kay sa kaniya nang makarating kami sa pintuan ng mall.





"Don't worry mah' friend sa loob nalang tayo magpapalit." Tugon niya.





"Huh! Wala akong dalang extra." Saad ko ngunit tumawa lang siya at agad niya akong hinila papasok ng mall kaya't wala na akong nagawa. Dumiretcho kami sa isang botique na napakaraming damit at doon niya ako binilhan ng napakaikling short at crap top same as her.





"Air salamat dito huh pero kasi..." Wika ko kay air habang hinihila ko pababa ang itim na short kong suot at habang tinatakpan ang tiyan ko.





"Di ako sanay sa ganitong damit eh." Pagpapatuloy ko ngunit muli niya akong tinawanan.





"Masanay ka na Kitch kasi that's what we called fashion. Alangan naman magdaster ka dito 'noh! Or baka naman trip mo pa 'yung baro't saya." Natatawa niyang tugon at itinuro ang manikin na nakahang suot ang baro't saya.





"Hindi ba nakakahiya 'tong suot ko? Pinagtitinginan  na kasi ako dito eh." Reklamo ko.





"Pa'no ba naman kasing hindi ka pagtitinginan eh ang sexy mo kaya and look at the mirror bagay kaya sa'yo." Paliwanag niya.




"Alam mo ghurl onting bihis ka lang pala nagpa-pop up na 'yang beauty mo. No need to make up ka na. Kainis." Dagdag pa niya.





"Ano nga palang skincare gamit mo Kitch?" Tanong niya habang pumipili ng iba pang damit.





"Wala." Tipid kong sagot.




"What?! How?! Even gluta man lang? What about facial cream, body lotion, bath soap, or scrub?" Sunod-sunod niyang tanong.





"Sabon ko tulad ng nakararami, safeguard tsaka tamang pulbo lang ako ng Johnson and wala akong mga kineme sa balat. Tamad kasi ako sa gan'yan." Natatawa kong sagot.





"What kind of skin do you have?! Oh my G talaga! Ang ganda kasi. You know what? I used a lot of skincare just to achieve this kind of skin tapos ikaw tamang safeguard at powder lang?" Reklamo niya habang nakasimangot.





"That's fine. Maganda ka naman na eh. Akala ko nga kagabi anghel ka na bumaba sa lupa, maladyosa kasi 'yang ganda mo eh." Saad ko na nagpangiti sa kanya.





"Talaga lang huh." Nakangiting tugon niya at nagpatuloy na sa pagpili ng mga damit.





"Anyway, ano nga palang balak mo sa life since wala ka naman palang maaasahang income from your parents?" Tanong niya na nagpatahimik sa akin.




'Oo nga 'noh? Ano nga bang dapat kong gawin? Alangan namang tutunganga nalang ako sa bahay eh wala namang space sa bahay ni tita na pwedeng pagtamnan ng palay, kamoteng kahoy, ube at iba pang laman lupa.'




'Wala din akong nanay na magbibigay ng pera kahit piso. Tapos ang laki pa ng babayaran ko sa kuryente at tubig dahil sa sangkatutak na appliances ang iniwan ni tita sa'kin.'




'Ano bang buhay 'toh! Pinaparusahan na yata ako. dT_Tb'




'Mama help me!'

Bad Liar (Ongoing Mga Bebe)Where stories live. Discover now