CHAPTER 4

191 13 6
                                    


"Allison, ikaw na ang bahala sa pamimigay ng ticket mamaya sa mga bumili para sa upcoming theater play na panunuorin ha? Sa vacant hour mo na ipamigay anak para wala kayong matamaang klase," bilin ni Ma'am Mendiola sa 'kin.


Agad naman ako tumango. "Okay po, Ma'am. Noted po, thank you po!"


Pagkaalis ni Ma'am Mendiola ay agad akong hinatak nila Louis pabalik sa upuan ko.


"Aray naman," birong reklamo ko pa sa kanila.


"May ticket na? Ang bilis ah! Sa sobrang bilis bukas na 'yung play ngayon lang ibinigay, ang galing talaga." Sarkastiko pang natawa si Louis. "Sure na bang sa CCP tayo? Ang layo pero bet ko 'yon, makakatulog ako sa bus," sabi niya na halatang hindi na mapigil ang excitement.


"Ilang linggo pa lang may play na agad, ang gastos kaya," sabi naman ni Felice na nagpabuntong-hininga lang sa kanya.


"Gaga! Ang saya kaya, nagmumukhang may budget ''yung school. Tsaka marami kasi tayong school na manonood kaya sa CCP! Maraming gwapo ro'n malamang, Manila schools karamihan eh."


"Play po ang panunuorin ha, hindi taga-ibang school," natatawang paalala ko sa kanila na nagpabelat lang kay Louis.


"CCP, ang mahal naman kahit may student discount na. Wala rin namang choice kung hindi sumama. Paano, hindi raw required pero pagagawain ng reaction paper," ani Felice na talagang stress na sa gastos. Paano at may pinag-iipunang libro na bagong release sa paborito niyang author ngayong buwan pero ito na nga at may biglaang play na panunuorin na sumabay.


Natawa naman si Louis. "May tama ka. At may tama rin sila. Ewan ko ba, ineechos na lang talaga tayo ng school na 'to eh. Pampalubag loob lang ata 'yung makakakita ka ng pogi kalaunan."


"Paano ka naman nakakasigurado na may mga pogi nga ro'n?" tanong sa kanya ni Felice.


Louis suddenly grinned. "Alam ko lang. Kasama high school department ng Nerevua eh."


"Nerevua College? 'Yung ginto 'yung tuition? 'Di ba puro mga artista tsaka nasa showbiz 'yung nag-aaral do'n?" gulat na tanong ko.


"Not only that, even anak ng mga influential families nandoon. Sa high school department pa lang 'yon, paano pa sa college, right? Kaya nga sobrang imposible makakuha ng scholarship do'n, wala raw gaanong nakakapasok," Felice added.


"Sus, talunin ko pa bakod nila eh," ani Louis saka siya tumawa nang tumawa. Kami naman ni Felice ay napailing na lang.


Mayamaya ay sunod-sunod na pumasok sila Drake doon sa pinto, mga mukhang kagagaling lang ng canteen dahil may mga dalang tubig at ilang pagkain. Ang ilan sa kanila ay mga nagkunwari pang nagba-basketball at inaabot 'yung itaas ng pinto saka kunwaring nag-shoot ng bola.


"Pres! May ticket na?"


"Oo, pamimigay ko na mamaya," nakangiting sagot ko nang magtanong sila. Agad naman silang humiyaw at nagsi-apiran, mga mukhang excited na rin sa play na panunuorin bukas.

SOOY #1: Beneath MotionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon