CHAPTER 6

162 11 4
                                    


"Grabe, ang bitin naman no'n!"


Napangiti lang si Felice sa sinabi ni Louis samantalang ako naman ay tumango. Kahit na bitin 'yung play, sulit naman 'yung bayad. Ang gagaling ng mga theator actors, nabigyang buhay talaga 'yung kwento habang pinapanood namin sila kanina.


"Nag-enjoy ka?"


Napalingon agad ako sa gilid ko nang may bumulong sa kaliwang tainga ko. Nang makita ko si Drake ay nakataas lang ang magkabilang kilay niya habang nakangiti, tila nag-aabang sa isasagot ko.


Magsasalita pa lang ako nang akbayan ako ni Louis. "Nag-enjoy 'to for sure, ang daming naisulat sa notebook niya oh."


"Nakapuno 'yan ng limang page kanina," dagdag pa ni Felice.


"Handang-handa ka na sa reaction paper, Pres, ah?" gatong pa ni Ark. "Ako kasi magdidikit lang ng mukha ko sa bondpaper habang gulat na gulat kanina," aniya saka nagtaas-baba ng kilay.


"Corny mo," pangbabara sa kanya ni Louis.


"Atlis naintindihan ko 'yung kwento, eh ikaw?"


"Kung naintindihan mo, mas naintindihan ko 'no," ganti ni Louis.


"Tsk, busy ka nga sa pagtili ro'n sa bidang lalaki eh," bulong pa ni Ark.


"Eh sa katili-tili siya eh, bakit ba?"


Umabot naman sa mga mata ko ang ngiti ko dahil sa asaran nila. Napailing na lang ako saka ako dumako kay Drake. "Nag-enjoy ako. Sobrang nagustuhan ko 'yung play kanina. Ikaw ba?"


He looked at my eyes intently, a small smile appeared on his lips right after. "Nagustuhan ko rin."


Hindi ko rin napansin na napatitig na rin pala ako sa mga mata niya. I felt a sudden flinch on my chest. Nagklaro lang ako ng lalamunan bago ako muling ngumiti. Humarap na rin ako kila Felice. "Alas-syete na pala, gusto niyo bang kumain muna? Ang sabi naman sa 'tin kanina ni Ma'am, 7:45 pa ang call time natin lahat sa bus mamaya para makapag-ikot daw muna tayo rito."


"Ay gusto ko 'yan, nag-aalburoto na tiyan ko kanina pa," ani Louis.


Felice nodded. "I think it's better na kumain muna para pahinga na lang tayo mamaya sa bus pauwi."


"Sama na kayo sa 'min, sabay-sabay na tayo kumain," aya ko rin kila Drake. Tinignan naman niya sila Dylan at Ark, wala pang tatlong segundo ay nagsitanguan na rin sila.


Paalis na kami nang mahagip ng mata ko 'yung fountain sa may harapan. Nang mapansing napatigil ako ay napatingin na rin sila Louis doon sa tinitignan ko.


"Wow," bulong ni Felice na sinundan na rin nila Ark.


The lights were dancing along with the water and a soft music. It was so beautiful. Nagliliwanag 'yung mga ilaw dahil na nga rin gabi na at madilim na rito. It was shining so brightly, along with the tall buildings and cars passing by. Nililipad na rin ang mga buhok namin dahil sa lamig at ihip ng hangin.

SOOY #1: Beneath MotionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon