CHAPTER 7

147 9 2
                                    


"Red ang kulay natin sa Intrams ngayong fourth year 'di ba?" tanong ni Louis.


"Yes, kaya puro red din ang bibilhin nating pang-cheer," sagot ni Felice.


"Taena nitong si Drake eh, masyadong ginalingan. Tinalo lahat ng representative ng ibang section sa buong fourth year," natatawang sabi naman ni Ark saka pabirong siniko si Drake. "Ayan sige, lumaban ka ngayon!"


"Kung hindi ko kaya ipasa sa 'yo 'yung bola sa laban natin ng basketball?" pang-aasar pa ni Drake na agad na nagpabusangot kay Ark.


"Eh kung ikaw kaya 'yung i-shoot ko sa ring, p're?"


Agad naman kaming natawa nila Felice. Si Louis naman ay talagang humalakhak pa saka nanghampas dahil sa sobrang tawa.


"Papalitan na rin 'yung costume niya 'di ba? Hindi na tennis?"


Tumango naman ako habang nagsusulat ako sa blackboard ng summary ng mga bibilhin at gagamitin namin para sa paparating na pageant, kasama na ro'n 'yung magagastos sa costumes, sa props tsaka sa mga gagamitin naming pang-cheer.


"Pinaka maraming nag-suggest 'yung sa car racing," sagot ko na nagpatango naman sa kanila. Dapat talaga basketball ang pipiliin naming costume para kay Drake nitong semi-finals kaso napakarami na ang pumili no'n sa iba't ibang year kaya nag-iba na kami at pinalitan namin ng tennis.


Si Drake ay nakakrus lang ang magkabilang kamay habang bahagyang nakaupo sa table na pinagsusulatan ko. "Maganda 'yung sa car racing, sasakto rin sa kulay ng year natin. Marami rin akong alam na pwedeng pagrentahan ng costume for car racing na mura lang, pwede na nating i-check mamaya. Sa helmet naman, may mahihiraman naman na ko sa 'min kaya hindi na natin kailangang bumili."


I smiled with what Drake said. Maging sila Louis ay napa-thumbs up. Si Ark naman ay humiyaw pa saka pumalakpak.


"Sana lahat may ambag!"


"Siraulo," natatawang sagot sa kanya ni Drake.


Katatapos lang ng meeting naming mga officers kanina pagkatapos ng klase pero nagpaiwan na muna ako para i-finalize 'yung kabuuang plano dahil balak namin na ngayong araw na rin bumili ng mga gamit at maghahanap ng mapagrerentahan ng costume na gagamitin ni Drake, hindi naman ako maiwan nila Louis kaya mga nagpaiwan na rin sila para tumulong.


Si Drake ang nanalong representative namin sa semi-finals ng pageant at malakas din ang hatak niya hindi lang sa year level namin pero pati sa mga lower year kaya heto at grabeng pagpaplano na lang ang ginagawa namin.


"Sa hair and makeup, paanong gagawin natin? Kukuha pa ba tayo ng MUA?" tanong ko since medyo maaalangan na kami sa budget.


"'Wag na, Ally. Gastos lang sa class fund tsaka... mas gusto ko rin no'n 'yung ikaw 'yung nag-ayos sa 'kin," sagot ni Drake na lihim na nagpangiti sa 'kin saka ko 'yon inilagay sa notebook ko.

SOOY #1: Beneath MotionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon