CHAPTER 9

124 10 4
                                    


"Gago, malapit na si Drake!"


"Calm down, Louis."


"Ayoko talaga nitong q and a, kanina pa mahihirap 'yung mga tanong!"


Pinagkrus ko ang mga kamay ko dahil ito na ang last part nitong pageant. Kumpara sa kanina ay ramdam na rin ang kaba rito sa complex. Kapag sumasagot na ang mga candidates ay talagang tahimik ang lahat. Ito na rin kasi talaga ang pinaka magdidikta kung sino ang mananalo. Nag-practice naman kami ni Drake dito, halos lahat ata ng possible questions ay inaral namin para talagang ready siya. Dito rin kasi siya kinakabahan, natatakot siyang ma-blangko.


"Next up! We have candidate number 7, Drake Andrada from Red Dragons!"


Nag-cheer na ang buong bleachers namin. I tried to wave my banners and balloons pero parang kinakain pa rin ako ng kaba. Nakatuon lang ang tingin ko kay Drake habang naglalakad siya palapit sa mc. Nang kuhanin niya na ang mic ay bumunot na rin siya ng number para malaman kung sinong judge ang magtatanong sa kanya.


"Alright, number 1! We have the school president and the founder of Mary and Grace Hospital, Sir Angeles Panganiban!"


Drake is still trying his best to smile and be composed but I can see right through him. Pinagsiklop ko ang mga kamay ko saka ako nagdasal sa isip ko na sana sa tamang tanong siya mapunta, sa tanong na masasagot niya ng buong puso.


Lumapit na 'yung isang student kay Sir Angeles saka siya pinapili roon sa bowl ng question. Kaunti na lang ang natitira doon na tanong kaya mas lalo lang kaming kinakabahan. Natapat pa siya sa president ng school. "Hello Drake, this is your question," bati ni Sir Angeles sa kanya. Maliit namang ngumiti si Drake saka siya tumango. "If you could give some piece of advice to younger students, what would it be?"


Huminga ako nang malalim saka ako mas taimtim na nagdasal. Dumagdag pa 'tong pang-miss universe q and a na background music na pinili ng music team. Mas lalo lang dinadaga yung dibdib ko sa kaba.


Saglit na nagtama ang mga mata namin ni Drake nang magawi ang tingin niya rito. I smiled at him and nodded my head. Kaya ma 'yan Drake, kaya mo yan.


Drake paused for a second before smiling at the judges and the audience. "If I could give a piece of advice to younger students, it would be to embrace every moment and to not be afraid to take risks. High school is a great time of exploration and growth, and it's essential to step out of your comfort zone. Whether it's trying a new sport, joining a club, or making new friends, each and every experience shapes who you are, who we are. Don't be afraid to make mistakes because those are valuable lessons that will help you grow. What matters is that you learn from those experiences and keep moving forward. As they say, life is about the journey and not just the destination. So... seize every opportunity and make the most out of it. Thank you."


Iyon na. Doon na kami mas naghiyawan. Grabe, he did great!


Nagwawala na ang buong bleachers namin dahil sa sagot ni Drake. Tuloy-tuloy lang siya, talagang sinigurado niya na habang sumasagot siya ay talagang nakatingin siya sa mga judges at audience. Sila Ma'am Mendiola ay nakatayo na rin habang patuloy na pumapalakpak, proud na proud. Lahat kami sa section namin ay mga nagsitayo na rin habang todo wagayway sa mga banners namin at lobo. Mas nilakasan pa nila Ark ang pag-torotot at pag-drums.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Nov 10 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

SOOY #1: Beneath MotionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon