"Sabihin niyo nga sa 'kin ulit kung paano ako napasok sa sitwasyong 'to?"
Louis even had the audacity to laugh while Felice is just shaking her head. Nang makita ang reaksyon nila ay napasubsob na lang talaga ang ulo ko sa table rito sa canteen.
Ang sabi ko pa naman ay ayoko na maging officer ngayong taon dahil gusto ko munang magpahinga at mag-focus sa CETs pero guess what, wala atang magpapahinga sa pamilyang 'to.
"Not that bad ka pa ha, ayan sige, president ka ngayon," natatawang sabi ni Louis na nagpaangat sa ulo ko saka ko siya sinimangutan na mas lalo lang nagpatawa sa kanya.
"You can do it, Ally. You've handled our sections from first year to third year as a class president really well. Isa pa, sila naman ang nag-elect sa 'yo, meaning they saw your capabilities. It's even a unanimous decision by the whole class, kapag hindi sila sumunod then you know what to do," sabi naman ni Felice.
Minasahe ko na lang ang batok ko. Sana nga. This time kasi, it's really different. Our section is well mixed, literally.
"Pres!"
Napalingon agad kami nang may maglapag ng isang lychee drink tsaka cheesecake sa ibabaw ng table namin.
"May nagpapabigay sa 'yo," sabi ni Ark saka inilapit sa 'kin 'yung dala-dala niya.
"Huh? Sino?" I asked habang tinitignan ko 'yung ibinigay niya.
"Ayaw ipasabi ni Drake eh," sagot niya.
Louis snorted. Felice covered her mouth with her hand to also stop herself from laughing. Ako naman ay nagsalubong na ang kilay habang natatawa na rin.
"Si Drake?" paninigurado ko.
"Oo, Pres. Si Drak---" Bigla siyang napahinto nang mapagtanto ang sinabi niya. "Oh shit." Awkward siyang tumawa nang malakas saka siya napahawak sa batok niya. "Sibat na ko."
Natatawa akong napailing habang pinapanood ko si Ark na bumalik doon sa table nila sa may bandang dulo. Nandoon halos lahat ng kumpol ng mga lalaki sa section namin. Para silang isang kulto roon. Hindi naman sila gumagawa ng gulo... so far. Wala rin doon si Drake dahil mukhang nagpaiwan sa classroom kanina bago ang break.
"May pa-lychee at cheesecake," ani Louis saka nakangising iniismiran ako. "Unang araw pa lang ng klase ang nakakalipas."
"Kumain ka na nga lang," sabi ko sa kanya na mas nagpangisi lang sa kanya.
"Hambog ng Sagpro Crew, unang araw pa lang minahal na kita," pagkanta pa niya, halatang nang-aasar habang natatawa pa rin.
I shook my head and just opened the cheesecake. Kakainin ko na para 'yung lychee na lang ang bitbit ko pagbalik sa room. Nasa third floor pa ang room namin kaya medyo pahirapan umakyat.
BINABASA MO ANG
SOOY #1: Beneath Motion
RomantikSeasons of Our Youth Installment #1: Beneath Motion Allison is facing the challenges of her final year in high school, struggling with academic pressures, being the president of the class, and an ending relationship with her boyfriend, Vince. When s...