FIGHT TWENTY SEVEN

2.9K 188 17
                                    

FIGHT FOR YOUR LIFE
FIGHT TWENTY SEVEN

ZIA

"Gumising na kayo."

Naiunat ko ang aking kamay nang maramdaman ang pagyugyog ng kung sino sa aking balikat.

"Hmm," ungot ko at nagtalukbong ng kumot.

"Gising na nga sabi!"

Nakamot ko ang aking ulo dahil sa inis nang hilahin nito ang kumot ko.

"Inaantok pa ako," reklamo ko na hindi nagmumulat ng mata.

"Maaga tayong aalis! Bumangon na kasi kayo!"

"Ah! Masakit!" daing ko at tila nawala ang aking antok dahil sa ginawang paghila ng kung sino sa aking patilya.

"Queen naman, eh!" reklamo ko nang mapagsino ang humila sa aking patilya.

"Bumangon ka na riyan! Sina Jelly nag-aayos na ikaw humihilik pa!" saad nito at pinanlakihan ako ng mata.

Tamad na bumangon ako at inayos ang buhok kong sabog na naman.

Ang aga ko naman natulog kagabi pero inaantok pa rin ako, jusko. Dumiretso ako sa kusina matapos bumangon para uminom ng tubig.

Naabutan ko roon si Jay at Beans na kumakain. Lumapit ako at kinuha ang isang hiwa ng hotdog sa plato ni Jay.

"Bakit sina Jay lang ang kumakain? Hindi ba tayo kakain?" malakas na tanong ko nang makalabas sa kusina.

"Sa biyahe na tayo kakain. Magbabaon na lang tayo," saad ni Jelly.

"Hala! Hindi ako makakakain ng maayos, ako ang magdadrive eh!" reklamo ko at ngumuso. Hindi ako makakakain nang marami pag ako nagdrive.

"Huwag ka nang magreklamo. Susubuan kita ng sunod-sunod," saad ni Jelly na kasalukuyang itinatali nang mataas ang kanyang buhok.

Ngumuso ako at pumasok na sa banyo. Maliligo rin ako pero saglit na lang siguro dahil ako na lang ang hinihintay nila.

"Ba't ang baho?" bulong ko at pinaypayan ang harap ng mukha.

Amoy tae sa loob ng banyo.

"Hoy! Aba'y pumasok ka na agad tumatae pa ako!"

Napangiwi ako nang marinig ang boses ni Agatha.

Hinawi ko ang kurtina na naghahati sa banyo at nakita ko si Agatha na nakaupo sa trono. Nakapangalumbaba pa ito na tila komportable sa pwesto niya.

"Bastos mo naman! Tumatae ako!" angal nito at sinimangutan ako.

"Arte mo, baho naman ng tae mo," saad ko at hinawi na pasara ang kurtina.

"Wala namang taeng mabango!" turan nito.

Lumabas muna ako ng banyo at hinintay na lang na matapos si Agatha sa ritwal niya.

"Nasaan si Avery?" tanong ko kay Queen nung hindi ko makita ang bruhilda.

"Nasa garahe tumutulong kay Jelly maglagay ng mga screen sa sasakyan," sagot nito na inaayos ang dadalhing mga pellet gun.

"Himala, hindi man lang ba nagreklamo?" usisa ko. Inayos ko ang pagkakasabit ng tuwalya sa aking leeg at tinulungan si Queen sa ginagawa.

"Sus, ayon nga at kahaba ng nguso habang gumagawa. Sambakol na sambakol ang mukha."

Natawa ako sa sinabi ni Queen at napailing na lang.

"BIBILISAN ko ba magdrive?" tanong ko nang makalabas ang sasakyan namin sa garahe.

FIGHT FOR YOUR LIFE (Zombie Apocalypse) (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon