FIGHT FOR YOUR LIFE
FIGHT SEVENTEENZIA
"GAGO! HAHAHAHA!" mura ko ng biglang itaas ni Agatha ang middle finger niya sa harap ni Jay.
Habang ang bata ay nakakunot ang noo na pinapanood si Agatha.
"Ano po 'yan?" inosenteng tanong ni Jay.
"Middle promise tawag dito," nakangising sagot ni Agatha.
Napailing ako at humawak sa aking tiyan dahil sa pagsakit nito mula sa pagtawa. Pinky promise 'yon hindi middle promise. Walang hiyang babae 'to.
"Ano 'yan? Bakit ka naka-fuck you sa harap ng bata?"
Sumeryoso ang mukha ko ng makita si Queen na kararating lang. Lumaki ang mata ni Agatha at agad nitong itinago ang kamay.
"H-Hindi ako naka-fuck you," tanggi nito at umiling.
"Tinuturuan niya ako, Mommy Queen ng middle promise raw po," sumbong ni Jay.
Muntikan na akong bumaliktad sa kinauupuan ko ng ipakita ni Jay ang gitnang daliri.
"Ay jusmiyo kang bata ka!" ani ni Queen at pinagsalikop ang kamay ng bata.
Bilis matuto ni Jay ah.
"Bata ka, kapag nakita ni Momma Jelly mo 'yan patay ka," saad ni Queen at tapos ay binalingan si Agatha.
"Ikaw! Huwag kung ano-ano tinuturo mo sa bata. Gusto mong pahabain ko 'yang daliri mo??" may pagbabanta na saad ni Queen.
"Eh, Ate Queen joke lang naman," saad nito at nagkamot ng ulo.
"At ikaw!"
Tuluyan akong bumaliktad sa aking kinauupuan dahil sa gulat nang balingan ako ni Queen.
"Aray ko, 'y-yong balakang ko, puta!!" mura ko habang nakahigang namimilipit sa sahig.
"Oh ayan, tatanga-tanga ka kasi umupo," rinig kong saad ni Queen.
"Kasalanan mo!" angil ko at pinahaba ang nguso.
"Ako ba ang nakaupo?" pamimilosopa nito.
Hindi ako kumibo at tinulungan na lang ang sarili na tumayo.
"Masungit ba si Ate Queen?" tanong sa akin ni Agatha nang makaalis si Queen hila-hila ang batang si Jay.
"Oo," sagot ko agad. "Kaya ikaw, naku magpakabait ka 'pag kasama mo 'yon, namimilipit ng dila 'yon," pananakot ko rito na mukhang tumalab dahil napalunok ito ng malaki.
"OH, saan ka pupunta?" tanong ko kay Jelly nung makitang palabas ito ng garahe.
"Magdadagdag ako nang ilaw sa labas," sagot nito at itinaas ang isang kahon na hawak.
"Ha? Bakit?" nagtatakang tanong ko.
Okay naman ang ilaw namin kagabi ah.
"Medyo may part na napapalapit ang zombie sa hindi masyadong naiilawan. Mas okay na ang sigurado."
Sumuot si Jelly sa maliit na awang ng rails at agad akong sumunod.
"Ako lang ba? Bakit pakiramdam ko may araw na susugurin tayo ng zombie?" bulong ko na nagpatigil kay Jelly sa paglalakad.
"Iyan din ang nararamdaman ko. Kaya gusto kong lumipat tayo ng lugar, kaso mahihirapan tayo mag-ayos ng lilipatan dahil panibagong kabit na naman ng mga ilaw," paliwanag nito.
Hindi ko maiwasang kagatin ang aking kuko sa daliri dahil sa kabang umuusbong sa aking dibdib.
"Paano kung bukas lang malagay tayo sa alanganin?" tanong ko.
BINABASA MO ANG
FIGHT FOR YOUR LIFE (Zombie Apocalypse) (COMPLETED)
Hayran Kurgu| COMPLETED | UNDER EDITING METRO MANILA, PHILIPPINES YEAR 2051 Kaya mo bang lumaban para mabuhay? O magiging duwag ka hanggang sa mamatay? Kaya mo bang makatakas? Makaligtas? Kung ang bansa na tinitirahan mo ay iba na sa dating kinalakihan mo. Ang...