FIGHT TWENTY ONE

3.2K 198 6
                                    

FIGHT FOR YOUR LIFE
FIGHT TWENTY ONE

ZIA

Mariin kong tinapakan ang break at nakangising nag-angat ng ulo.

"Ayos ba?" nakangising baling ko kay Agatha na tuwang-tuwa sa bilis ng pagmamaneho ko. Saktong isang oras ay nakarating kami sa Sta. Ana.

"Papatayin mo ba kami?!" sigaw ni Jelly at kinurot ako sa beywang.

"Buhay ka pa, 'wag kang ano riyan," angil ko at ngumuso.

"Kapag naman nawalan ka ng hininga, i-c-cpr ka ni Archer," bulong ko na siniguradong si Jelly lang ang makaririnig.

Nakita ko ang unti-unting pamumula ng kanyang mukha.

"Bwiset ka!" anas nito at mabilis na bumaba ng sasakyan.

Humagikhik ako at nagpasyang bumaba na rin.

"May pet shop dito," saad ni Jelly na nakaturo sa isang may kalakihang tindahan.

Nakabukas ang glass door no'n at kitang-kita namin ang loob.

"May dog food pa," saad ko na nakatanaw sa loob.

"Wala na rin pagkain si Beans," tugon ni Jelly.

"Papasok ba tayo?" saad ni Agatha na nasa tabi ko. Habang ang kuya nitong si Archer ay nasa likuran namin.

"Siguraduhin muna natin kung walang zombie sa loob," saad ko at dumampot ng malaking bato.

"Oh fuck!" 

Napalingon kami kay Archer dahil sa pagmumura nito.

"Hala!" ani ni Agatha.

Mula sa pwesto namin ay tanaw namin ang anim na zombie na palabas ng isang maliit na eskinita.

"May nga zombie na din dito na nakalalabas sa umaga," ani ni Jelly at itinaas ang hawak na pellet gun.

Walang sabi-sabi ay pinaputok nito ang pellet gun dahilan upang magawi sa amin ang atensyon ng mga zombie.

Tila galit na naglakad palapit sa amin ang zombie. Napaatras kami ni Agatha ngunit si Jelly ay hindi man lang nagpatinag sa kinatatayuan.

Muli nitong kinalabit ang gatilyo ng pellet gun at tumamba ang isang zombie. Isa pang pagputok ng pellet gun ang narinig ko na si Archer ang may kagagawan.

"What do you think you're doing?" rinig kong saad ni Archer kay Jelly.

"Ano sa tingin mo? Mukha bang nakikipag bato-bato pick ako?" pambabara ni Jelly na muntikang magpatawa sa amin ni Agatha.

Nagkatingin kami ni Agatha at tila iisa ang naiisip naming dalawa dahil sabay kaming nagkibit balikat at ngumisi.

"Are you crazy?!" baling ni Archer kay Jelly ng mapatumba nilang dalawa ang anim na zombie.

"Problema nito?" saad ni Jelly sa amin ni Agatha.

"Kalmahan niyo lang, ah. Hanap muna tayo malalamon natin, ha," saad ko at muling dinampot ang batong nabitawan ko kanina dahil sa mga zombie.

Inihagis ko iyon sa loob ng petshop at hindi sinasadyang tumama iyon sa estanteng salamin kaya lumikha iyon ng malakas na ingay. Lumapit ako sa glass door at bahagyang sumilip.

"GRR!"

Isang pulgada lamang ang layo sa akin ng zombie nang tangkain ako nitong hablutin sa buhok. Mabilis ang pag-atras na ginawa ko at nakangiwing lumingon kina Jelly.

"Bakit 'di niyo sinabing may zombie?" reklamo ko at pinahaba ang nguso.

"Gaga, kusa kang lumapit diyan eh. Tapos kami ang tatanungin mo," sagot ni Agatha.

Tinaas ko ang aking kanang kamay at pinakyuhan ito.

"Oh sige lang, makagat sana ng zombie 'yang gitnang daliri mo."

Agad kong ibinaba ang aking kamay sa sinabi nito.

"Sama ng ugali mo, punyeta ka," mura ko at inirapan ito.

Humarap na muli ako sa petshop at itinaas ang sarili kong pellet gun. Hinalikan ko ang pellet gun ko at bumulong, "Galingan mo."

"Parang tanga ang lintek," saad ni Agatha na tumatawa.

Sumimangot ako at mas piniling huwag nang pansinin ang sinabi nito. Sumulpot muli ang zombie ngunit hindi ito makalabas sa loob ng petshop dahil sa liwanag.

Napansin kong kulay gray ang mata nito. Hindi katulad nung ibang zombie na purong itim ang kulay ng mata. May nabuong konklusyon sa aking utak ngunit tsaka ko na lamang iisipin iyon kapag kaharap ko na sina Queen.

Inasinta ko ang sikmura ng zombie at wala pang isang segundo ay tumumba na agad ito habang unti-unting natutunaw ang sikmura.

"What's with this gun? It's not just a simple pellet gun right?" usisa ni Archer.

Pinag-isipan ko kung sasagutin ko ba ang tanong niya o hindi. Bakit kasi english eh.

Nagbuntong hininga ako at napilitang magsalita.

"May ginawa si Niall sa mga balang maliliit," maikling sagot ko.

Ayokong pahabain baka magtanong ulit ito.

"Niall? What does he do for a living?"

Lumaylay ang balikat ko sa pagtatanong muli nito.

Pwede bang purong tagalog na lang? Hindi ko bet ang english, ang english na gusto ko lang marinig ay ang sa ML, 'You have slay an enemy!' at etcetera hindi itong pag-e-english ni Archer.

"Ewan ko, scientist, doktor ay basta! Ang alam ko lang ay genius siya," saad ko at nagkibit balikat.

Kapag ito nagtanong pa, ay jusko baka itapal ko sa bibig niya ang labi ni Jelly. Ang sweet no'n kapag nagkataon.

"Kung binibilisan kaya natin no?" sabat ni Agatha at naunang pumasok ng pet shop.

Naglibot ako at tiningnan ang paligid ng petshop. Nakita ko ang isang frame na nakabagsak sa sahig. Dinampot ko iyon at tumambad sa akin ang isang certificate.

Binasa ko ang pangalang nakasulat doon, 'Dra. Alexandria Guangco'.

Bigla ay nag-init ang bunbunan ko at ibinato ang frame.

"Problema mo?" tanong ni Agatha at lumapit sa akin.

"Eh, yung may-ari nitong pet shop ang humarot sa ex boyfriend ko dati!" angil ko at nagbuga ng hangin.

"Nasaan na kaya ang garapal na babaeng 'yon? Huwag siyang magpapakita sa akin at tatanggalin ko lahat ng buhok niya sa katawan!" gigil na saad ko at naniningkit ang matang tinignan ang isang frame na nakasabit sa kabilang pader.

Itinaas ko ang baril na hawak ko at pinaputukan ang picture frame. Nabasag iyon at nakita kong butas ang isang mata ng babae sa larawan.

"Ano 'yan? Hindi pa rin makamove on sa ex?" pang-aasar ni Agatha.

"Hindi no! Nakamove on na ko!" singhal ko at huminga ng malalim para kalmahin ang sarili.

"Nakamove pero galit na galit, patawa ka," tugon ni Agatha.

Pinanlakihan ko siya ng mata muling pinakyuhan. Gumanti ito pero ang ipinagkaiba ay ipinasok niya sa butas ng ilong niya ang kanyang gitnang daliri.

"Kadiri ka!" saad ko at nilayasan ito.

Nag-iinit pa rin ang ulo ko. Bakit ba nakita ko pa ang pangalan ng haliparot na 'yon? Sana parehas na silang zombie nang ex kong gago nang matuwa naman ako at baka lumuhod pa ako sa harap ng zombie na nakakagat sa dalawang ulupong na 'yon at sumamba bilang pasasalamat.


senseigan

FIGHT FOR YOUR LIFE (Zombie Apocalypse) (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon