FIGHT THIRTY TWO

3.1K 197 9
                                    

FIGHT FOR YOUR LIFE
FIGHT THIRTY TWO

QUEEN

Sinundan ko ng tingin si Archer bago ito tuluyang lumabas ng kusina.
Ang pag-uwi namin ngayon ay naudlot dahil sa nangyari.

Nagbuga ako ng hangin at inayos ang aking pagkakainan.
"Beans, wala kang kakainin," saad ko na nagpatahimik bigla sa kapaligiran.

"Queen," tawag sa akin ni Zia kaya nag-angat ako ng tingin.

"W-Wala na si Beans," saad nito na nagpapitlag sa akin.

Napatapik ako sa aking noo at pagak na tumawa dahil sa reyalisasyon.

"Oo nga pala," ani ko at kinagat ang pang-ibabang labi.

Nasanay kasi ako na tuwing gabi ay pinapakain si Beans. Dumiretso ako ng upo at inayos ang aking buhok sabay tikhim upang alisin ang pagkailang sa paligid.

Nawalan na ako bigla ng ganang kumain. Nagbuntong hininga ako at ipinikit ang mata. Si Beans, nakakainggit si Jelly at nagawa niyang umiyak. Nasasaktan din ako sa nangyari pero kailangang isa sa amin ay magpakatatag. Hindi pwedeng lahat kami ay bibigay sa harap ng isa't-isa.

Yumuko ako at mapait na napangiti nang tila nakita ko ang asong si Beans na nakaupo sa sahig at nakatingala sa akin na para bang hinihintay nitong iabot ko ang pagkain niya.

"Bantayan mo kami palagi," bulong ko at iniangat ang ulo.

"Kumain ka na."

Naagaw ni Niall ang atensyon ko. Kinuha nito ang aking plato at siya na mismo ang naglagay ng kanin at ulam doon.

"Salamat," walang ganang saad ko nang abutin ang platong may laman nang pagkain.

Pasimpleng ako tumingin sa direksyon ni Patricia na taimtim na kumakain. Unti-unti ay kumunot ang aking noo sa isiping paano sila nagkakilala ni Niall noon?

"Baka maging bato," bulong sa akin ni Zia.

Tinignan ko siya at agad siyang nag-iwas ng tingin. Tila takot na may masabi ako bilang ganti sa kanya.


"ANONG nararamdaman mo?" tanong ko kay Zia nang maiwan kaming dalawa sa kusinaz

"Nararamdaman saan?" tila walang alam na saad nito.

"Beans," simpleng saad ko.

Pangalan lamang iyon ngunit nakita ko ang paglaki ng mata ni Zia at ang panginginig ng kamay nito.

"Wala naman," sagot nito at umayos ng upo.

"Talaga?" nakataas ang kilay na saad ko.

Nagbuntong hininga ito at mariin na ipinikit ang mga mata.

"Sa totoo lang, hindi ko alam. Halo-halo yung nararamdaman ko," saad nito at nakita ko ang pagkuyom ng kanyang kamao sa ibabaw ng lamesa.

"Awa para kay Jelly, kasi alam naman nating pareho kung gaano kahalaga si Beans sa kanya, sa atin. Hindi na nga simpleng aso lang ang turing natin sa kanya 'di ba," dugtong nito na diretso lamang ang tingin.

Tumango ako. Umangat ang sulok ng aking labi nang maalala kung paano humagulhol ng iyak si Jelly kanina.

"Sakit. Kumikirot yung puso ko kanina...hindi...hanggang ngayon kumikirot pa rin ang puso ko. Masakit na makita kung paano mamatay si Beans, yung asong kasama nating namuhay sa loob ng apat na taon. Panahon kung saan wala tayong ibang masasandalan at magpakukunan ng lakas ng loob kundi ang isa't-isa lang," nanubig ang mata ni Zia ngunit nang kumurap ito ay wala na rin iyon.

"Galit. Galit ako ngayon kay Avery. Patay na siya, pero gusto ko pa siyang patayin ulit dahil sa ginawa niya," saad nito at galit na inihampas ang palad sa lamesa.

Pagak akong tumawa at isinandal ang likod sa sandalan ng upuan.

"Parehas tayo ng nararamdaman. Gusto ko rin siyang patayin ulit, i-double dead. Sana pala tinuluyan ko na siya kahapon. Kung natuloy iyon sana hindi nangyari 'to," saad ko at nagbuga ng malalim na paghinga.

"Paano kung ang backseat ang nabuksan niya?" saad ko ng maalala ang eksena kanina lamang.

"Si Jay ang nasa backseat nung mga oras na iyon, habang si Beans ay isinakay ni Jelly sa passenger seat," ani ko muli. Naikuyom ko ang aking kamao. Kung nagkataon mang ang batang si Jay ang nahigit ni Avery kahit siguro sina Archer ay makatitikim ng galit na nararamdaman ko.

"Bakit hindi pa kayo nagpapahinga?"

Sabay kaming napaangat ng tingin ni Zia nang marinig ang boses ni Jelly.

Nakangiti ito sa amin ngunit ang mga mata ay halos hindi na makita dahil sa pamamaga ng paligid niyon.

Nasa likod nito si Archer na seryoso lamang ang mukha.

"Kumain na kayo," ani ko at itinuro ang upuang nasa harap namin ni Zia.

Agad na lumapit si Jelly at naupo.

"Ah, gutom na gutom ako. Maghapon pala akong hindi kumain," saad nito at tumawa.

Nagkatinginan kami ni Zia at sabay na napabuntong hininga.

"Jelly," nag-aalalang tawag ko.

"Kung tungkol 'yan kay Beans, Queen. Okay lang, okay na ako. Nadala lang ako ng emosyon, dapat ay ginaya ko kayo na nagpakatatag. Tsaka alam kong masaya si Beans sa kung nasaan man siya ngayon," ani nito at ngumiti sa amin ni Zia.

"I'm sorry," biglang saad ni Archer.

Nilingon siya ni Jelly at napansin kong nagtagal ang mata ni Jelly sa braso ni Archer na nakabenda.

"Hindi mo kailangang humingi ng sorry," saad ko. "Wala ka namang kasalanan," dugtong ko at nilaro ang baso na nasa aking harap.

Bumaling sa akin si Archer at agad ring bumalik ang tingin niya kay Jelly.

"Kung gusto mo ay hindi na kami sasama sa inyo ni Agatha. Hahanap ako ng paraan para mabuhay kaming dalawa nang hindi umaasa sa inyo," saad ni Archer at nagyuko ng ulo.

Umawang ang aking labi dahil sa narinig.

Si Jelly ay nakakunot ang noo at natigil ang ginagawang pagnguya kanina lamang.

Nagsalin ng tubig sa baso si Jelly at mabilis nito iyong ininom.

Hindi ko alam kung anong gagawin ngayon. Dapat ba kaming umalis ni Zia para makapag-usap sila ni Archer nang maayos?

"Kung tungkol din iyan kanina. Kalimutan mo na iyon, gaya nga ng sabi ko nadala lang ako ng emosyon ko," ani ni Jelly at nagsimula muling kumain.

"No. Pwede naman--"

"Archer," putol ni Jelly sa sinasabi ng lalaki. "Kumain ka na rin."

Malakas na nagbuntong hininga si Archer at tila napipilitang nagsimula itong kumain.

"Alis na kami," saad ko at bahagyang siniko si Zia.

"Ha? Saan tayo pupunta? Hihintayin ko kung may matitira pang pagkain," sagot ni Zia na nagpasingkit ng aking mga mata.

"Mukha ka talagang pagkain!" singhal ko at sapilitan siyang hinila palabas ng kusina.

"Ano ba 'yan! Queen naman, oh," reklamo nito at pumiksi.

Tiningnan ko siya nang masama. "Hindi ka ba marunong makiramdam? Hindi okay yung dalawa," saad ko.

Ngumuso si Zia at humalukipkip.

"Hindi naman talaga sila okay, no. Kahit bet ko si Archer para kay Jelly, hindi sila magkakatuluyan," saad ni Zia at umirap.

Tumaas ang isang kilay ko sa sinabi nito.

"Paano mo naman nasabi?" tanong ko.

"Kasi dahil sa nangyari, 'yong atensyon ni Jelly panigurado mapupunta lahat kay Jay. Tapos walang ibang iisipin iyon kundi patayin lahat ng zombie," saad nito at nakasimangot na bumalik sa loob ng kusina.

Naipaikot ko na lamang ang aking mga mata at hindi na pinigilan si Zia.

Anong magagawa ko, eh mas matimbang kay Zia ang pagkain.





senseigan

FIGHT FOR YOUR LIFE (Zombie Apocalypse) (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon