FIGHT FOR YOUR LIFE
FIGHT TWENTY THREEJELLY
"Anong oras na?" tanong ko nung mapansing hindi ko suot ang aking relong pambisig. Nalimutan ko marahil isuot kanina bago umalis.
"It's quarter to 4."
Bahagya lang akong lumingon kay Archer nang ito ang sumagot sa tanong ko.
"Ang sabi ko kay Queen saglit lang tayo, pero inabot na tayo ng isang araw," saad ko na kay Zia nakatuon ang mga mata.
Mabini lamang ang pagmamaneho nito. May mga nadaraanan kaming mga ilang zombie ang iba ay parang mga tanga na pilit hinahabol ang sasakyan namin.
"Wala pa tayo sa kalagitnaan ng Sta. Ana. Malapit na ring dumilim, delikado tayo," saad ko muli at sumilip sa labas ng bintana upang tingnan mabuti ang paligid.
Napabuntong hininga ako nang makitang sobrang laki na talaga ng pinagbago ng bayan.
Kalat-kalat pa rin ang mga kotse sa kalsada na ang ilan ay may bakas pa ng natuyong dugo. Ang sahig ng kalsada ay puno rin ng kalat.
Mukhang isang Haunted Country na ang Pilipinas. I wonder kung mayroon bang ilang mamamayan ang nailigtas.
Tumagilid ako ng upo at humarap kina Agatha. "Diba galing kayo sa US?" tanong ko kay Agatha.
Napaangat ang sulok ng aking labi ng makitang tulog ito.
"Mamaya na lang nga pag-uwi," bulong ko at aayos na sana ng pagkakaupo nang napahinto ako dahil biglang nagtama ang mata namin ni Archer."You can ask me if you want to know something," saad nito.
Binasa ko ang aking labi dahil parang nanuyot iyon bigla. Lumunok ako ng laway at binalingan si Zia na may naglalarong ngisi sa mga labi.
Pasimple ko siyang pinanlakihan ng mata pero Inismiran ako nito at muling itinuon ang atensyon sa pagmamaneho.
"Magtatagalog ka ba?" tanong ko at itinaas ang aking kanang kilay.
Marunong naman ako mag-english, pero iba pa rin kapag sa tagalog kami nag-usap.
"Sure...I mean, sige," sagot nito. Bahagya itong umayos ng pagkakaupo at narinig ko pa ang mahina niyang pagtikhim.
"Anong sinakyan niyo para makarating dito?" panimulang tanong ko. Galing silang U.S posible na nag-eroplano sila, helicopter or barko.
"Nag-barko kami. Hinatid lang kami rito tapos umalis na rin agad ang naghatid sa amin," sagot nito sa malalim na boses.
Bigla ay para akong kinilabutan sa ganda ng tono niya. Ay shit, ano ba 'tong pinag-iisip ko. Nang dahil lang sa boses ay nakalimutan ko na kung anong lagay namin. Matino akong babae at mali ang magpantasya sa taong may karelasyon na. Pero teka, hindi ko naman aagawin ah. Aist!
Pasimple akong nagbuga ng hangin para kalmahin ang sarili at sinubukan muling magtanong.
"May mga Pilipino ba roon? Marami bang ligtas?""Marami naman, iba sa kanila ay nagtatrabaho na roon," sagot nito na hindi man lang inalis ang tingin sa akin. Habang ako ay hindi maipirmi ang mata, hindi mapakali sa tamang salita.
Kumabog nang mabilis ang puso ko sa sinabi nito. Marami raw. Posibleng naroon din ang magulang namin nina Queen, Zia at Niall.
Sa isiping iyon ay binalot ng tuwa ang puso ko.
Natigil ang pag-iisip ko ng bigla ay muntikan na akong mapasubsob sa dashboard kung hindi lamang ako nakaseatbelt.
"Ano 'yon? Pota, natutulog ako!" reklamo ni Agatha na mukhang nagising dahil sa biglaang pagpreno na ginawa ni Zia.
BINABASA MO ANG
FIGHT FOR YOUR LIFE (Zombie Apocalypse) (COMPLETED)
Fanfic| COMPLETED | UNDER EDITING METRO MANILA, PHILIPPINES YEAR 2051 Kaya mo bang lumaban para mabuhay? O magiging duwag ka hanggang sa mamatay? Kaya mo bang makatakas? Makaligtas? Kung ang bansa na tinitirahan mo ay iba na sa dating kinalakihan mo. Ang...