Chapter 2

16 0 0
                                    

True love

FLYNN'S POV

"Babe! Giorelle!" pag tawag ko sa kaniya pero hindi niya ako nililingon kaya't hinatak ko na siya ng malakas na dahilan para bumagsak siya sa aking dibdib.

"Ay sus! Bebe time naman pala. Sige na, bye na Giorelle. Take your time." Pagpaapaalam ni Valentine at umalis na nga.

"Ano na naman? Kakaaway at bati lang natin, gumawa ka na naman ng isa pang away, I'm so tired of you, Flynn. I need space."

"Ito naman, 'di ba nga nag promise na tayo sa isa't isa na magcocompromise tayo sa mga away natin? Mag effort ka naman na tuparin 'yon." Sagot ko sa kaniya.

"Wow? Are you saying that I'm not giving any efforts in this relationship?" Halata ko ang inis sa kaniyang boses.

"No! Hindi sa ganoon. Ang ibig ko lang sabihin, sana hindi na natin palakihin itong mga away natin. Let's try to understand each other's side. Ako, sinusubukan kong intindihin kaya gets na kita eh pero sana maintindihan mo rin ako. Our relationship is not a complicated math problem."

"Mas madali pa nga yatang mag math palagi kaysa subukan pang intindihin mga pinagsasabi mo. Nakakainis ka na, Flynn! Palaging ikaw nalang ang tama. As a girlfriend, hindi lang puro kilig at butterflies in the stomach ang habol ko, gusto ko rin na maging better tayong dalawa ng magkasama, we are literally childhood sweethearts and we grew up together and I don't want to waste those years! Kaya wala akong panahon para kunsintihin at i-sugarcoat lahat ng katarantaduhan mo sa buhay."

"And when did I ever mention that you have to sugarcoat all my mistakes? I'm always fully aware of my actions. Alam kong ayon rin dahilan bakit ang babaw parin ng tingin ninyo sa akin kahit nag aaral naman ako ng mabuti at mataas ang grades ko. I was just mad a while ago because I needed someone to talk to pero hindi mo ako cinomfort man lang, you just said the exact same bullshit that my mother told me which made me upset." Kalmado ngunit may diin ang paraan ng aking pananalita.

"Because ikaw nga ang may mali. She's just trying to be a good mother."

"Okay, fine. Edi mali ko na."

Biglang nanahimik kaming dalawa ng ilang segundo.

"Sorry na, babe. Please." Sambit ko ulit.

"Sorry na naman? Tapos walang mag babago? Tss." Sagot niya at inirapan ako at sakto namang dumating ang kaniyang ate.

"Giorelle, let's go. Bawal tayo malate sa family dinner, you have to prepare already." Sabi ng kaniyang ate at napatingin sa direksiyon ko.

"Oh, Flynn. You're here pala. Pahiram muna kay Giorelle ha." Sabi ni Ate Laura sa akin.

"Tara na, Ate Laura." Biglang sabi ni Giorelle.

Sumakay naman ang dalawa sa kotse at kumaway naman ako ngunit si Ate Laura lang ang kumaway pabalik.

At aaminin kong ramdam ko ng napapagod na ako sa ganitong paulit ulit naming away ni Giorelle. But I still want to keep her, so I guess I'll just endure the stress of our fights.

Bigla bigla namang bumuhos ang napakalakas na ulan, hindi na ako sumilong dahil basang basa na rin naman ako kaagad. Ewan ko ba. Parang pakiramdam ko may karamay ako sa kalungkutan kaya't hinayaan ko nalang rin ang sarili kong mag tampisaw sa ulan.

"Juskong bata ka! 'Di ba pinapadalhan kita ng payong? Huwag mo sabihing nawala mo na naman makakaltukan na kita! Bakit ka naman nagpabasa sa ulan? Tapos pag nagkasakit ka kami ang mapeperwisyo." Sunod sunod na salubong sa akin ng nanay ko ng makarating ako sa bahay.

Heal - Bad Fairytale Series #10Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon