Flynn Thunder Eugene
FLYNN'S POV
"Flynn! Gising na diyan, anak. Malelate ka na sa school." Pag gising sa akin ni mom.
Pagod naman akong bumangon at tamad na tamad na kumain, nag toothbrush at naligo.
Wala naman akong pakialam kung late na ako. Kasi late naman na talaga ako bakit pa ako mag mamadali 'di ba?
Ibig sabihin lang noon, second subject ka na pumasok.
Punong puno naman ng mga texts at tawag ang cellphone ko galing kay Giorelle. My girlfriend for two years and bestfriend since preschool.
"Babe, where are you?"
"Babe, late ka na naman. Hindi mo na ako nasundo for the second time this week."
"babe, I swear to god I won't talk to you for a whole week if you don't reply in ten minutes."
"I hate you."
"Kahit hindi sa fact na hindi mo ako masundo eh, late ka na naman which means you'll be in trouble with school. Bawas sa conduct grade 'yan."
Ayan ang ilan sa mga text na tumadtad sa akin.
Pumasok ako sa second subject pero may record na naman ako ng late dahil sa epal at bida bida naming secretary.
Sumapit naman ang recess at una kong hinanap so Giorelle.
"Babe, sorry." Bati ko ngunit hindi na naman niya ako pinansin.
"Babe, nalate lang ako ng gising. I always take care of you and you know that. Napasarap lang ang tulog ko." Sabi ko ulit ngunit hindi niya parin ako pinapansin.
"Uy, Giorelle. Pansinin mo naman 'yang si Flynn. Buti ka nga sinusuyo oh." Sambit ng kaibigan niyang lagi niyang kasama na si Valentine.
"Oh, 'di ba? Pati kaibigan mo nag sasabi na oh. Pansinin mo na daw ako." Sambit ko.
Hindi niya parin ako pinapansin at alam kong hindi niya muna talaga ako papansinin hangga't hindi ko siya binibigyan ng space.
Umalis na muna ako doon at sumabay sa mga kaibigan ko sa batch.
Mas bata kasi sila Florian ng dalawang taon kaya nasa grade six palang sila habang ako at si Giorelle ay grade eight na.
Naging magkakaibigan lang kami dahil palagi kaming nagbabasketball sa court ng village namin. At palaging nanonood doon sila Kida at Audrey kaya nakilala nila at naging kasintahan rin ang mga tropa ko kaya naudyok akong aminin ang nararamdaman ko para kay Giorelle.
We were only at 6th grade that time. Ewan ko ba, akala namin basta may gusto kayo sa isa't isa ibig sabihin mag jowa na kayo kaya ayon, naging kami. At suwerte naman dahil hanggang ngayon ay kami parin.
Natiyamba rin sigurong napalalim namin ang ibig sabihin ng relasiyon.
Na laging binabasag ni Ian dahil napaka bitter noon! Bata pa daw, ewan ko ba. Ganiyan siguro talaga pag walang girlfriend.
![](https://img.wattpad.com/cover/251812471-288-k327521.jpg)
BINABASA MO ANG
Heal - Bad Fairytale Series #10
RomansRaphaelle Unica Zelena Zimmerman is a young adventurous lady that is looking for someone who will love her until the end, while Flynn Eugene is a carefree man who distracts his self to not love again ever since he got broken hearted by his ex. Will...