Chapter 5

6 0 0
                                    

Missing piece

FLYNN'S POV

"I can't belive people like her still exists. Halatang mayabang, grabe makapang husga." Pag salita ni Giorelle tungkol sa babaeng nag bintang sa akin na magnanakaw dahil akala niya ay ninakaw ko ang pitaka niya.

"Hayaan na natin, alangan namang sirain pa natin date na ito dahil lang doon. Mas mabuti pa sa ibang lugar nalang tayo kumain."

"How about sa may riverbanks? The view looks nice lalo na mediyo malapit lang naman." Sambit pa niya at tumango naman ako.

Sumakay na kami ng jeep upang mag tungo sa gusto niyang puntahan at agad naman siyang sumandal sa balikat ko habang mahigpit na hawak ang kamay ko.

Maya-maya naman ay nakarating na kami doon, at agad na pinagmasdan ang paligid ng magkasama.

"Flynn, Do you believe that there's a bright future ahead of you?" Nararamdaman kong may halong pangangamba ang kaniyang tanong.

"Hmm, Maybe. Oo. I really don't know but of course I hope that I could someday be a successful doctor. Bakit? Sa tingin mo ba wala?" Hinaluan ko ng kaonting tawa ang huli kong tanong upang hindi masiyadong maging mabigat ang atmosphere ng usapan.

"Siyempre naman naniniwala naman ako sa'yo 'no. I'm just scared that you'll be reckless and careless without me."

"Babe, I admit that I'm reckless but I am not careless. You know how responsible I am. Tiyaka anong without you? Magkasama nga tayo magiging successful 'di ba?" Hindi ko alam bakit biglang may halong kaba habang nagsasalita ako.

"What if I can't be with you anymore?" Lalong bumilis ang kabog ng dibdib ko.

"Bakit naman? Nandito ka nga sa tabi ko oh!" Sagot ko at umaasang hindi ito tungkol sa pakikipag hiwalay.

I know we're young, but Giorelle is not just my girlfriend. She's my bestfriend ever since we were kids, she keeps me sane amd calm, I feel safe and at home whenever she's around.

She's the only person that could understand me. She completes me.

Bahagiya niya lamang akong tinawanan ngunit ramdam kong peke ito at may itinatagong lungkot ang kaniyang mga mata.

"Bakit mo naman natanong iyon? Do you think I'll leave you? Or maybe you're planning to leave me?" Sabi ko.

"What?! No! Ano ka ba naman!" Nauutal niyang sinabi.

Nagpatuloy lamang ang pag uusap namin sa kung anu-ano pang bagay hanggang sa inihatid ko na siya sa kanila.

"Ingat ka, Flynn."

"Mas mag ingat ka."

Nagulat naman ako ng bigla niya akong yakapin ng sobrang higpit.

Kakaibang yakap ang ibinigay niya sa akin, madalas kasi kumakaway lang siya habang nakangiti sa tuwing magpapaalam na kami sa isa't isa.

"Higpit ng yakap mo ngayon ah, akala mo naman mag aabroad ka at nandiyan na flight mo!" Pag bibiro ko dahil kadalasan ganoon ang mga OFW na pa abroad. Grabe ang yakap sa pamilya kapag paalis na.

Kung maganda lang sana ang mga opotunidad sa pagtattabaho dito sa Pilipinas ay hindi na sana nila kinakailangan pang gawin iyon at magpakalayo.

"Baliw!" Sabi niya at tuluyan ng lumisan.

Habang pauwi naman ako ay nag ring ang aking cellphone at akala ko tumatawag ang nanay ko ngunit isa itong unknown number.

"Hello?"

Heal - Bad Fairytale Series #10Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon