ThiefRAPHAELLE'S POV
Natapos ang buong araw ng hindi ko man lang namamalayan, wala naman kasi masiyadong ginawa kung hindi boring na lectures.
Tumulong na nga rin ako sa cleaners kasi ayaw ko pa sanang umuwi.
Pag labas ko naman ng classroom ay saktong nakasalubong ko si George.
"Uy, George!" Pag tawag ko sa kaniya.
"Oh, Raphie. Ingat ka sa pag uwi ha?"
"Hindi ka ba sasabay sa akin? Tambay tayo sa bahay."
"Ay sorry. Nakapagplano na kasi kami kumain ng mga kaklase ko, I'll join you next time." Sagot sa akin ni George at lumakad na kasama ng mga kaklase niya.
Wala naman akong magagawa kaya lumakad nalang rin ako palabas ng campus ng may biglang tumawag sa akin.
"Raphie!" Boses palang, alam ko ng si Van iyon.
"Bakit?"
"Ibinilin ka sa akin ni George. Sabi niya kasi gusto mo raw sana siya tumambay sainyo kaso may lakad siya, ako na muna ang papalit."
"Ha? Hindi na kailangan Van. Okay lang, tiyaka bawal ring may pumunta punta sa bahay, exceot for George. She's the only friend that my parebts trust and you know that."
"Kaya nga ako pupunta sainyo para ipagpaalam sarili ko sa magulang mo."
"Ha? Huwag mo ng sayangin ang oras mo dahil hinding hindi yon papayag na may kasama akong lalaki. At tiyaka, ayoko rin 'no."
"Ano bang iniisip mo? Na aasa agad ako na papayag kang manligaw kapag pumayag kang samahan kita? Hindi 'no. I'm here because I really want to accompany you. My sister has a lot of friends, hindi ka niya palaging makakasama, ako naman dalawa lang kasi ayaw ko ng maraming nakakasalamuha sa araw-araw. Kaya, just please let me." Pursigidong pursigido naman itong si Van kaya't napa-oo naman ako.
"Okay, sige. Bahala ka. Pero malinaw na hindi kita binibigyan ng pagkakataon na manligaw. Para lang 'to samahan ako dahil wala si George."
"Oo, malinaw na malinaw 'yan sa akin Raphie. I promise."
Nagpunta naman kami ng bahay, naka kotse ako at nag commute lang si Van. Hindi siya pinasabay dahil nga sa utos ng magulang ko na hindi ako puwede sumama kahit kanino.
"Sir, bawal po kayo dito." Sambit ng bodyguard kay Van.
"Kuya, Nandito siya para kausapin si mommy. Kailangan niyang pumasok." Pag sabat ko.
"Teka lang Ma'am Raphie. Tatanungin po muna natin si Madam Gabriella kung pahihintulutan niya makausap ito."
Hinatid naman ako sa loob ng bahay at saka itinanong ng bodyguard si mom at pumayag naman ito kaya't pinapasok na rin sa sala si Van.
"Magandang hapon po, Mrs. Zimmerman."
"Good afternoon, I'm assuming you're Giovanni Imperial. Iyong kakambal ni George." Sagot ni mommy.
BINABASA MO ANG
Heal - Bad Fairytale Series #10
RomansaRaphaelle Unica Zelena Zimmerman is a young adventurous lady that is looking for someone who will love her until the end, while Flynn Eugene is a carefree man who distracts his self to not love again ever since he got broken hearted by his ex. Will...