Finding you
FLYNN'S POV
"Hoy! Gumising ka na! Ales siyete pasok mo pero 7:30 na tulog ka parin. Ipapatawag na naman ako sa office ng school mo sa pagkalate mo!" Maagang sermon ng nanay ko.
Pagkagising ko ay nakita kong 7:30am na nga. Pero hindi naman ako nagpanic dahil palagi naman akong late. Buti napasarap tulog ko akala ko hindi ako makakatulof buong gabi.
Tinignan ko agad ang cellphone ko kung nay paramdam man lang si Giorelle pero ganoon parin. Wala parin siyang kahit anong mensahe.
Pumasok ako ng walang kagana-gana. Nangingibabaw ang pag aalala ko kay Giorelle.
Kaya kahit nasa kalahati palang ng araw, nag aaya na agad akong mag cutting kasama nila Milo para maibsan ang labis na pag iisip ko sa kaniya.
"Tara motor." Pag aaya ko.
"Mamayang uwian na kasi. Parang gago 'to mang dedemonyo pa mag cutting."
"Tsk. Sige na nga. Kainis naman 'to."
Nagpatuloy lang ang mga klase sa araw na iyon, nagtataka ang mga kaklase ko kung bakit nananhimik na naman ako.
Naisipan kong gumawa ng bagong account at subukang hanapin ang account ni Giorelle at ng pamilya niya dahil baka blinock lang talaga nila ako sa lahat ng social media platforms.
Matapos magawa ng account ay hinanap ko agad account ni Giorelle at wala na nga ito. Hindi ko ito mahanap. Sunod ang sa ate niya na si ate Laura at nahanap ko ito ngunit ang profile picture lang ang kita dahil naka private at naka lock rin ang account na ito.
Pero nag lakas loob na akong mag chat kay ate.
"Ate Laura, Si Flynn po ito. Bagong account kasi hindi ko po kayo mahanap sa mismong account ko, gusto lo lang po sana malaman kung okay lang po ba si Giorelle? Bakit po bigla bigla nalang kayo nawala? Pasensiya na sa abala."
Sinearch ko rin ang account ng nanay at tatay niya at nag lakas loob akong ichat na rin katulad ng sinabi ko kay ate Laura.
Sa pagkakataong ito, tanging hiling ko ay sagutin man lang nila ang mga katanungan na iyon.
Buong araw lang akong tingin ng tingin sa phone ko at baka mayroon ng sumagot ngunit wala parin. Kailangan ko pang mag intay ng mas matagal.
Basta para kay Giorelle, kakayanin ko naman.
Hindi ko na namamalayan ang takbo ng oras sa sobrang puno ng konklusiyon ang utak ko, bigla nalang ako hinatak ni Gaetan at Florian.
"Tara na! Nag aaya ka mag motor kanina 'di ba?"
"Oo na! Tara na."
Nag punta naman kami kung saan kami laging nagmomotor.
Katulad lang ng nakagawian, kami nila Milo, gaetan at Ian ang magkakarera habang nakaupo lang sa gilid si Kida, Aubrey at Giorelle.
Pero ngayon ay wala siya.
Nag simula na kaming mag unahan, nauuna na naman si Ian kaya mas hinigpitan ko pa ang pihit sa motor na ito.
Unti-unti naman akong nahahabol ni Milo at Gaetan kaya mas pinilit ko pang bilisan.
"Hoy! Ang matalo dito, magpapakain ng pancit canton at coke!" Sigaw ni Milo.
"Go babe! Kaya mo 'yan!" Sigaw ni Kida para kay Milo at kumindat naman si tanga bilang pag tugon. Kadiri.
"Sus! Pataubin mo sila mahal! Mas kaya mo 'yan!" Sigaw naman ni Aubrey para kay Gaetan.
BINABASA MO ANG
Heal - Bad Fairytale Series #10
RomanceRaphaelle Unica Zelena Zimmerman is a young adventurous lady that is looking for someone who will love her until the end, while Flynn Eugene is a carefree man who distracts his self to not love again ever since he got broken hearted by his ex. Will...