Raphaelle Unica Zelena W. Zimmerman
RAPHAELLE'S POV
"Uy, Raphie! Hatid na kita pauwi." Sambit sa akin ni Van. Dalawang taon na yata nangungulit manligaw 'to.
"No thanks, Van. I want to go home by myself." Malamig ang tono ng pag sagot ko sa kaniya.
"Sige naman na oh! Hatid lang, ayaw mo ba noon safe ka?" Panunuya niya.
"Van, I said okay na ako umuwi mag isa. Tiyaka ilang beses ko naman na sinabi na ayaw ko talaga mag boyfriend. I'm sorry. You're just going to waste your time on me."
"Alam ko naman 'yon Raphie. Ginagawa ko lang 'to kasi nag babaka sakali akong mabigyan ng pagkakataon. Sinubukak ko namang mag move on, pero hindi ko alam bakit hindi mawala-wala ang nararamdaman ko para sa'yo." Malungkot ang tono ng kaniyang boses.
Natahimik ako ng ilang sagundo at nag buntong hininga.
"Pero hindi kita pinapaguilty ah, ineexplain ko lang bakit ang kulit ko at bakit kita gustong ligawan." Dagdag pa niya.
"Mag usap nalang tayo ng masinsinan, kumain muna tayo doon sa karenderya malapit sa school."
"Hindi ka ba papagalitan kapag kumain ka diyan?" Seryoso niyang tanong.
"Huh? Bakit naman?"
"Kasi siyempre 'di ba sanay kayo sa mga mararangyang restaurant, iyong tipong may waiter na mag aasikaso sa inyo. Nag tataka nga rin ako bakit dito ka sa simpleng private school nag aaral sa yaman ninyo eh, hindi ddon sa mga international school."
"Huh? Ano ka ba, dito ako nag aral kasi malapit lang sa bahay. 'Yong mga international school kasi halos isang oras pa ang biyahe bago makarating and yes, we eat in fancy restaurants but that does not mean that I don't eat in karenderyas and simple fastfoods o kahit street foods."
"Ah okay, sorry. Kumain nalang tayo."
Pumunta naman kami sa karenderya at nag simulang umorder.
"Hi ate Glenda!" Bati ko sa may ari noong karenderya.
"Oh! Nandito pala ang paborito kong magandang dalaga! Anong gusto mong kainin ngayon, hija?"
" 'Yong favorite ko nalang po na fired chicken tapos dalawang longganisa, ikaw Van?"
"Ah, ganoon nalang rin po ang akin." Sambit ni Van kay Ate Glenda
"Ay sus! May kasama ka pala ha? At kailan ka pa nagkaboyfriend?" Pinilit namang itago ni Van ang kaniyang ngisi ng marinig iyon.
"Ay ate, hindi ko po siya boyfriend. Kaibigan ko lang ito. Kambal niya po si Georgina." Georgina is my bestfriend since preschool.
Usually, pag nagungulit talaga mangligaw ang lalaki sa akin, I reject them in a rude way para tigilan na nila ako kasi sayang naman ag effort at oras nila kung alam ko sa sarili ko na wala talaga silang mapapala.
But, hindi ko maganoon si Van dahil kambal siya ng bestfriend ko. Palagi lang sila nag aaway, 'yong typical sibling fight pero mahal nila ang isa't isa at kapag masiyado kong sinaktan si Van, masasaktan rin si George. And I don't want to hurt my bestfriend.
BINABASA MO ANG
Heal - Bad Fairytale Series #10
RomantizmRaphaelle Unica Zelena Zimmerman is a young adventurous lady that is looking for someone who will love her until the end, while Flynn Eugene is a carefree man who distracts his self to not love again ever since he got broken hearted by his ex. Will...