14. A little fall of rain

157 9 2
                                    

Tahimik lang akong naglakad papalayo kay Logan at sa aking taimtim na paglalakad, di ko maiwasang isipin ang lahat ng mga ginawa ko, mapansin lang ako ni Logan at magustuhan niya lang ako.

Naaalala ko nung First year pa kami na kailangan ng construction paper sa isang subject namin ta's siya wala, binigay ko sa kanya ang isa ta's pagkatapos nun biglang nag announce yung teacher na dalawa daw yung gagamitin na construction kaya lumabas na naman ako at  bumili ng isa para sa akin. 

Ganun ako magmahal. Kahit wala na ako basta siya meron lang. Kahit wala nang natira para sa akin, basta makita ko lang na masaya siya, okay na yun. Worth na yung sakripisyo ko. Pero naisip ko rin na napaka unfair din nang buhay sa akin. Na andami kong efforts mapansin lang, pero wala namang epekto. Hindi naman ako nagustuhan ni Logan.

Yung totoo? Yung close friend ko pa ang nagustuhan niya. Saklap nun. Mahirap din naman kasi paghindi ka maganda. Walang magmamahal sayo. Eh ganun ako eh. Di ako maganda. Kahit gaano kabuto ang kalooban mo pero mata kasi ang unang nagmamahal. How I wish na kung ano ka sa loob, ganoon din ang kaanyuan mo sa panlabas.

Natawa nga ako sa ginawa naming panghaharana kanina eh. Nagawa naming pasayahin ang isang tao sa pamamagitan ng aming pagkanta, pero ako mismo hindi ko nga kayang pasayahin ang sarili ko. Na gusto nang iba na bentahan ko sila ng kasiyahan pero ako na nagbebenta hindi ko pa nga nalasahan at nasubukan na sumaya rin gamit ang sarili kong binebenta. 

Yan ang nasa isip ko sa tuwing gusto nang iba na pasayahin ko sila. Yung totoo, natutuwa ako pag-ako ang pinipili nila, pero nalulungkot din. Kasi kahit anong gawin ko, hinding-hindi ko ito magagamit para mapasaya ang sarili kong buhay.

Pero siguro may reason ang Panginoon kung bakit ko pinagdadaanan ang mga ito. Ang bata ko pa, chicken lang to. Yaan na, kahit anong mangyari, life goes on and on.

Tiningnan ko ang akong relo, bandang alas singko na pala. Punyeye. Natagalan ako doon kina Silver eh. Kasi nawalan ako nang malay nung umaga ta's paggising ko dun kina Silver nasa bandang ala-una na ang oras. Tapos nag-audition pa't pinaharana pa kami. Mayroon pang peste na Logan na may pa rosas rosas pa na nalalaman, eh hindi naman galing sa puso ang pagkabigay nun.

Nagsuntukan pa sila ni Haria upang mapatunayan na "sincere" at "worth" si Logan sa matamis na oo ni Haria. Nasusuka ako ng lugaw. Yung suntukan din nila sign na daw yun na okay na si Haria na ligawan siya ni Logan. Jusko. Kailan pa naging landian ang pagsusuntukan?

Ang tibay din siguro ng sikmura ko na kinaya kong harapin at marinig nag lahat ng landian ni Logan at ni Haria. Ganun naman siguro. Magpapakatatag ka para hindi ikaw ang matatalo.

Siguro, ginawa akong bestfriend lang dahil dun lang siguro ako nararapat. Na mayroong tutulong kay Logan, yung parang sisterly love lang? Ako lang naman to ang nagpapakumplikado sa mga bagay-bagay at gusto pa ng mas higit pa sa pagkakaibigan. Hindi naman kasi siguro lahat ng hinihingi natin mapapa-saatin talaga. Tira-tira lang naman siguro ang buhay.

Pero nakakatawa lang sigurong isipin na tira-tira na lang ang attensyon na makukuha ko galing kay Logan. Tira-tirang sandali, tira-tirang ngiti, tira-tirang pagmamahal, kung mayroon man.

Uuwi na siguro ako. 5 pm na din. Para naman makapag-pahinga ako't makatulog. It has been a long day. 

I guess na bukas, panibagong mga pagsubok na naman. Kakayanin to Ponine. Yakang-yaka!

Basta tatandaan ko nalang na a little fall of rain couldn't hurt me. I just have to be strong. Liliwanag din ang buhay ko. Magiging buo din tong puso ko. Ang bata ko pa. Madami pa akong gagawin at dapat gampanan.

Pumara na ako ng jeep ta's pumasok na. Umupo ako dun sa may pinaka-dulo kasi hindi naman ganoon kadami ang nandito sa loob. 

"Yole." biglang sambit ng isang boses. Teka. Kilala ko tong boses na to.

Tumahimik lang ako at nakinig.

"Ponine Gabriole Sena." sambit na naman ng boses na yun. Isa na lang. Lalabas na ako dito sa jeep kahit na tumatakbo pa to. Naiinis ako sa mga tumatawag tawag ng patago eh kilala ko naman ang boses na yun.

"Rave, isa na lang. Gusto mo bang ihagis kita palabas sa jeep? Umayos ka nga. Nakikita kita." warning ko. Tong' batang to, kahit dito, dinadala ang pagka-weirdo niya. 

"Hi Yole! Sa may snack house tayo bababa! Ilibre mo ako ng pagkain dun." ta's tinuro niyo dun sa may left side. Hindi ko naman makita kung nasaan kasi tumatakbo tong jeep tapos ang doon na tinuturo niya, nowhere to be seen na sa paningin ko.

"Tumahimik kang bata ka. Ang ingay mo. Wala akong pera. Pamasahe lang ang kaya ng budget ko. Umupo ka nalang nga at tumahimik, baka ma-miss mo pa ang paparahan mong kalye." sabi ko.

"Sige na Yole! Gutom na ako!" sumigaw si Rave at napatingin ang mga tao sa amin. Para tuloy kaming naglo-lovers quarrel nito. 

"Heh! Bahala ka diyan! Wala akong pera! Umuwi ka nga at dun ka humingi nang pagkain sa nanay Moriel mo. Eto naman oh. Alam mo naman na dukha lang ako. Ni sarili kong load, humihingi pa ako kay mama upang makabili." at tumalikod ako sa kanya. Nasa tapat kasi siya sa upuan ko. 

"Manong para po." sabi niya at tumayo na't lumabas sa jeep. Heto na. Nagtampo na ang loko. Pumara na rin ako't nagbayad ta's sinundan ko siya.

"Hoy Rave! Bumalik ka rito! Ang childish mo!" sigaw ko habang sinusundan siya. Nagpapahabol ang senyorito. 

Close friend ko si Rave eh. Bale siya ang pumapangalawa kay Logan. Si Logan, Rave, Dale at ang bagong member na si Allen ang allience kong mga lalaki sa school eh.

Kaya dapat habulin ko tong si Rave, baka magtampo na to at hindi na ako papansinin nito habang buhay. One time nga nung ininjan ko siya at imbis na magduet kami para sa Got Talent ng school, sumama ako sa Vocation Jamboree, isang buong buwan niya akong hindi kinibo. Yan. Grabe talaga.

"Rave! Isa! Sige ka! Hindi na kita lilibrehan! Bahala ka sa buhay mo! Magutom ka!" sabi ko. Katawa nga eh kasi nasabi ko rin to kay Rhian. Eto na nga ba ang role ko sa buhay? Ang manlibre? Saklap. Butas ang bulsa kong wala namang laman.

Huminto naman sa paglalakad-takbo ang damuho at naglakad pabalik sa direksyon ko. Kita. Jusko. Pagkain na pala talaga ang nagpapa-ikot sa mundo. Teka, mundo lang pala ni Rave.

"Tara na't kumain." tapos hinila na ako ni Rave sa lugar na siya lang ata nakaka-alam basta may pagkain. 

Hay Rave Lawrence Sandoval. Wala na akong pamasahe para bukas. 300 nalang ang pera ko eh Wednesday pa ngayon. Hanggang Friday pa'to. Saklap. Hayaan na. Kawawa din naman to si Rave. Wala kasi tong pamilya.

Yung tita Moriel lang ang nagpapa-aral sa kanya ta's may kuya pa siyang si kuya Ray Dominic Sandoval. Astig ng names nila no?

Wala na ang mama ni Rave, namatay nung Grade six kami at yung papa niya naman, nowhere to be seen na pero nagpapadala naman ng kakaunti para sa kanila and when I mean kakaunti, I mean kaunti talaga.

Dinala niya ako sa isang snack house na nagngangalang HarHar Snack House, Jusko. Maawa kayo. Affordable lang sana ang food dito.

Pagpasok namin umupo ako sa upuan dun sa may table at dumiretso naman si Rave sa counter para mag-order. Magro-rosaryo na ata ako? Baka wala na akong cash pagkatapos nito?

Ama namin, sumasalangit ka...

"Oy Yole! Andito ka pala? Sino kasama mo?" biglang sambit ng isang boses. Biglang kumabog nang malakas ang dibdib ko. Kilala ko to eh. Si.... Si...

Si Logan... at hinding-hindi mawawala sa tabi niya si Haria.

Punyemas na buhay. Kahit saan ako magpunta, sinusundan ako ng kalandian nina Haria at Logan. 

Sabagay, kailangan ko na talagang magrosaryo ng totohanan nito.

I Almost Do (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon