1. Thoughts

1.9K 50 22
                                    

I woke up. Ang hirap kunin ng muta ko sa mata. Ang lagkit pa, amoy nana pa. Joke. Ang laswa. 

Another day for crying, hardships, pain, assuming sessions, seeing them together, trying hard, and all. I wish someday, I'll have the courage to say to him everything I feel.

I hope he'll someday know, that it's me he's been looking for all along. If only he can see how hurt and tormented I am, just by seeing him with her each day of my life.

Ta's natipalo ako. Nabungi. Nabunol! Awts! Nan sige! Emote pa!

Ang emote ko no? Pero eto naman talaga ang mission ko sa buhay, ang masaktan at mabulok sa inggit. 

Una ko palang tong' chapter pero drama na ang bumungad sa inyo. Ganyan ang buhay ko. Madrama at kawawa. Kung bibigyan niyo ako ng limang pesos kada sandali na masasaktan ako, ako na yata si Bill Gates ngayon.

Bakit hindi niya ako nakikita? Bakit ang bulag niya? Kung alam niya lang na halos lahat ng lupalop, papasukin ko, makita lang na masaya siya, kahit sarili ko, HINDI KO MAPANGITI.

Oo nga't bestfriend kami, pero pinapahalagahan ba niya ako? O baka ako lang ang nagpapahalaga sa aming samahan?

Samahan ng malalamig na pasko este summer!

Inabot ko na ang bulok kong bag at imenuwestra ang aking mga paa patungo sa sasakyan naming naghihintay.

Ano ba naman yan! Eemote-emote tapos, mag jo-joke! Umayos ka nga Yole!

Don't think na mayaman kami, we're middle class people who work briskly for our lives to be at ease. Hindi naman kami yung tipong salat at naliligo sa pera. Sa awa nga ng Diyos, may sasakyan na kami.

Eh di mayaman din kayo! Sus. Andami pang arte.

Mga 3 years natong sasakyan namin at service. Mat mga kapatid ako, si Aria na ikalawa sa akin at si Kaye ang bunso. Ako kasi ang panganay sa aming tatlo.

I am Ponine Gabriole Sena. Third year Highschool.

Umasa.

Friendzoned.

Hopeless pero di romantic.

"Yole, Aria, Kaye, sakay na kayo, 15 minutes nalang before 7." tawag ni Papa sa amin, sabay namang tumakbo sina Aria at Kaye papasok sa sasakyan.

Ako naman, tahimik lang na tinatahak ang daan papasok sa loob ng sasakyan.

Pagpasok ko, tahimik akong umupo sa may back right seat, and in a split second, the car roared to life. Tahimik lang ako habang sinisikap ni Papa na ilabas ang sasakyan papunta sa daan.

Matapos ang ikot dito at ikot doon, nandito na kami sa daan at nagbabyahe na papuntang school.

Maya-maya pa't nagtanong si Papa.

"Yole, sabi ni Aria, may party ka daw'ng pupuntahan ngayong gabi? Saan yun nak?" maingat na tanong ni Papa sa akin. Yole tawag nila sa akin eh, kasi Gabriole, ganun eh, gets?

Bumuntong hininga ako ng malalim na malalim, kina Logan Matt Santos ang party na pupuntahan ko. Ang dakila kong bestfriend.

Since Grade 1 pa kami mag bestfriend, anu ba yan! Another cliche story na naman no? Pero di ito parehas sa karamihan. Bakit? Iyak, ngiti, asa, iyak, ngiti, asa ang daily routine ko.

"Kina Logan ang party Pa." matipid kong sagot kay Papa, tapos yumuko ako't sumimangot. Everytime I hear Logan's name, babalik lahat. Lahat ng sakit, pagtitiis at mga paasa na dinanas ko.

I Almost Do (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon