15. When things go wrong

152 8 2
                                    

Ang awkward nang feeling ko habang subo lang ng subo ng kwek-kwek si Rave sa may harapan ko. Nandito lang din kasi sina Logan at Haria sa tabi namin. Ano po ba mahabaging diyos ang ginawa ko para parusahan ako ng ganito?

May napatay ba akong tao noon at eto na ang karma ko? Sana naman matutunan din ng mga tao na sabihin sa akin ang rason kung bakit ganito ang buhay kasi ang hirap at nakakapagod ding masaktan.

Maririnig ko ang mga halakhak ni Haria galing sa kabilang mesa at si Logan naman ang laki-laki rin ng ngisi niya. Ang saya niyo no? Isali niyo naman ako para kahit kaunti sasaya din tong buhay kong dry pa sa raisins.

"Ay oo nga pala Ponine. Sabi ni Ms. Langdon na next week na daw yung Division Schools Press Conference. Iremind mo daw yung mga classmates natin na journalists kasi magtra-training na daw kayo. Nabigla nga ako kasi ako pa ang sinabihan ni Ms. eh nandun lang naman si Selle sa harapan niya. " sabi ni Rave at nagpatuloy na siya sa pag-kain.

Ako mismo na nambili, wala akong mabili para sa sarili ko kasi pag bibigyan ko ng pagkakataon na ang tiyan ko ang pagagawin ko ng desisyon, nako. Baka gabi na ako aabot sa amin dahil wala na akong pamasahe pauwi.

Sabi ko nga na journalist ako. Busy na naman ang schedule ko hanggang next week. Punyeye na this. Wednesday pa ngayon, tila gabundok na ang gagawin ko.

"Tara na Rave. Uwi na tayo. Gagawin ko pa yung assignment natin sa Values Ed." Ta's inunahan ko na siya at lumabas na ako kaagad sa snack house. Kainis naman kasi. Ba't dun pa napili nila Logan na magdate. The nerve.

Sumunod naman si Rave at pinatake-out niya ang apat niyang kwek-kwek na order. So bale 16 ang kwek-kwek na binili ko para sa kanya kasi apat na kwek-kwek kada serve. Ang takaw ng batang to. Punyemas, mamumulubi na ata ako pagkatapos nito.

Sumakay na kami uli ng jeep at sabay nang umuwi.

x x x

Sunday na rin at bukas na ang Division Schools Press Conference. Puspusan rin ang practice namin ay may I correct, nila pala. Hindi naman ako ganun ka enthusiastic sa training namin.

Tinatamad na din akong magsulat ng feature at editorial. Wala naman akong inspirasyon para makasulat ng article na nanakaw sa kanilang mga puso.

"Tara nak, punta na tayo sa simbahan." bigkas naman ni Papa. Trabaho talaga ni papa na i-encourage kaming magsimba kada linggo para daw magpasalamat sa lahat-lahat na ibinigay ng Panginoon sa aming pamilya.

Nagtakbuhan sina Aria at Kaye papasok sa sasakyan. Jusko. Para namang mauubusan sila ng sasakyan. Kay kwela talaga.

Simple lang ang Sunday dress ko. Hindi nga ito dress kasi never in my whole boring life na gagamit ako ng dress in front of many strangers. Lord, sorry na. Maitim kasi tuhod ko.

Jeans at blouse lang yung gamit ko. Yung blouse ko dark blue ta's may baroque print ta's manipis lang yung tela. AT ginamit ko yung Celine kong sandals. Char. Isa lang ang Celine ko no. Fyi.

Ganun lang. Presko sa damdamin. At free akong gumalaw. Di gaya ng dress na kailangan mo pang itiklop yung book mo kasi kung hindi makikita yung panty mong Dora ang print. Iw.

Nang dumating na kami sa simbahan, madami na ang tao at medyo puno na ang mga upuan.

"Yole, humanap kayo ng mauupuan ta's kami din. Maghiwalay nalang tayo kasi madami nang tao. Ingat kayo ha. Isama mo si Aria. Si Kaye naman sa amin sasama." sabi ni mama at nagsign of the cross kami bago pumasok.

Naghanap kami ng mauupuan, ang daming tao talaga. Nahihiya ako pag ganito eh. Yung tinitingnan ka. Awkward. Lol.

May nahanap na kami ni Aria at umupo na kami doon. Nasa may dulo na kami ng upuan.

Liningon ko ang aking katabi kasi si Aria ang nasa dulo at ako ang nasa sunod niya, meron akong nakitang lalake na matangkad, katamtaman lang ang laki ng katawan niya ta's medyo may itsura rin. Dito kami uupo ha.

"Wag mo akong tignan." biglang salita nitong katabi ko. Hala. Suplado niya. Lalake pa naman sana. Tumingin nga lang ako sa kanya ng panandalian, mangangaway na siya? Aba? Nasaan ang amnesia este hustisya?

Natapos ang misa at tahimik lang kami ni Aria. Ito ding katabi ko, hindi na ulit nagsalita.

Nakarma na siguro to. Dejoke. Umalis na siya at yun. May itsura sana kaso snob. Punyemas.

Nag-genuflect na kami at lumabas na sa simbahan. Hinanap namin ang sasakyan at dun nagtambay. Hihintayin namin sina mama dito.

Maya-maya pa't dumating sila.

"Ma, alis muna ako. Meeting sa school. Hanggang 11 lang naman ako doon. Meeting para sa Press conference bukas." sabi ko kay mama.

"Sige. Magpahatid ka kina Rave pauwi. Ingat ka Yole. Wag kang magpapa-kalampa." sabi ni papa at sumakay na sila sa sasakyan. Medyo tanga kasi ako minsan.

Naglakad na ako papunta sa school. Nasa tapat lang kasi ng simbahan ang paaralan namin. Catholic na catholic talaga ang dating.

"Yole, sabay tayo!" tawag naman ng kaklase kong si Selle. Si Selle nako, napakamatalino nito. Grabe. Siya yung valedictorian namin. Simula nung grade 1 kami hanggang nag third year nalang.

"Yole, ano na? Nagawan mo na ako ng poem?" tanong niya.

"Nasa akin yung poem mo Selle." biglang sabi ng isang boses na nagpalamig sa buong katawan ko.

Punyemas. Eto na naman tayo.

I Almost Do (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon