4. Everything is Fine

650 29 9
                                    

At pagkatapos nung pagkanta ko sa kanya? Sunod-sunod na ang kalbaryo.

Di ko na ilalahad. Sasakit uli ang tanga kong puso. Bakit ba kasi tayo? Specifically ako, ba't pilit kong isinisiksik ang sarili ko sa taong kahit kailan di naman ako mamahalin?

Ang hirap sa akin eh madali lang akong umasa, madali rin naman akong masasaktan, ang dali ko ring umiyak.

Sa mga napagdaanan ko dahil kay Logan, dun ko napagtanto na di lahat ng tao masaya sa huli. Di lahat ng tao may happy ending.

A place where happy endings aren't made for everybody, reality.

Eto ang totoong buhay eh, di lahat ng tao magkakatuluyan. Yung bestfriend stories na sa huli sila din naman ang magkaka-tuluyan, hindi lahat nabibiyayaan ng magandang istorya sa buhay. Sa tingin ko sa kalagayan ko ngayon, hinding-hindi na ako sasaya pa. 

Oo, sasaya ako dahil sa pamilya ko, mga kaibigan ko, pero yung puso ko? Sa tingin ko habang buhay na ito magkakaroon ng isang napaka-laking sugat na habang buhay ko ring dadalhin. Logan, all  my days I know your face.

Ano kaya ang kasalanan ko? Deserve ko ba ang masaktan? Sana malaman ko naman ang reason kung bakit ko pinagdadaanan ang bagay nato ngayon para naman may reason na akong mabuhay pa. Bakit ako nagkakaganito ngayon? Kawawa ko naman. Nakatadhana para masaktan :(

* BELL RINGS *

Tumayo nalang ako at linigpit ang mga gamit ko. Tinanaw ko si Logan may upuan niya. Ayun at nag-uusap na naman sila ni Haria. Basag na naman ang puso ko. Nawalan na ako ng ganang kumain.

Pero kinain ko si Haria at dedo na siya! Sa wakas!

Hays. Ewan ko ba. Di ko maintindihan ang sarili ko. Pag sobrang emote ko na kasi, bigla nalang may magpo-pop up na evil plan or something na nakakatawa sa utak ko. At yun ngingiti na ako kahit papaano.

" Yole, sabay tayong mag recess! Dali!" pang-aaya na naman ni Rhian. Napangiti nalang ako. Isa din ito sa mga hinahahangaan ko kay Rhian,  basta nlang kasi siyang susulpot galing sa kung saan pag ako man ay namomroblema. Ewan ko ba. Talent niya yata yun eh.

"Sige. Tara na." at tumayo ako, sabay tingin sa gawi nila Logan at natunaw sila sa mga titig ko.

Hayy. Ang saya ng dalawa. Parang sila lang ang nandito sa mundo -_-

Pasabugin ko yang mundo niyo eh.

"Pagkain to Yole!" biglang utag ni Rhian. See? Nandiyan sya dba? Talent nya talaga ang pagsusulpot everytime na on the verge of tears na ako.

Hinila ko na si Rhian palabas at tumungo na kami sa canteen. Nagutom ako sa kaka Emo!

"What do you like Yole? My treat!" sabi ni Rhian. Ultimate pocket saver! Thank God!

Kuminang yung mga mata ko. Shiny shimmering eyes due to food craving!! Libre pa!

" Eto gusto ko! Eto rin tapos eto pa, atsaka eto and lastly 1 liter of mogu-mogu lychee please!" sabi ko tapos nag smile. Yes! Mabubusog ako neto! Tinuro ko yung cheese bread, ice cream sandwich, pizza slice, hamburger atsaka my ever loving mogu-mogu! Nagsisi siguro tong kasama ko1

Hehe. Di naman to mabubutasan ng bulsa si Rhian, rich kid to eh!

"Ano Yole? Ba't di mo nalang kaya ubusin at pakyawin tong' mga pagkain sa canteen? Grabe ka maka-order ha! Parang wala ng bukas! May plano ka bang butasin tong bulsa ko? Gagapang na ata ako pauwi!" sabi ni Rhian sabay sapo niya sa kanyang noo. Ahh ganun? Gusto niya ba talagang ma ubos ang pera nya? Konti nga lang tong binili ko kasi may hiya pa naman ako, pero sa sinabi nya? I change my mind.

I Almost Do (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon