16. Kapirasong Kasiyahan

139 4 0
                                    

Dahan-dahan akong lumakad palayo sa kanilang dalawa. Naiinis ako pag silang dalawa ang magsasama. Parang basta. Ano ba ito.

Tila hindi naman nila napansin ang pagkawala ko kaya patuloy lang akong naglakad hanggang nakapasok na ako sa inner gate nang campus namin.

See? Kinakalimutan lang naman ako ni Logan kapag may kasama siyang maganda. Wala akong laban sa mga magaganda.

Magandang puso lang ang mayroon ako, eh sino ba naman ang makakakita sa maganda kong loob? Diba't ang panlabas naman na anyo ang unang tinitignan nila?

Tumungo naman ako sa school library dahil doon kami magme-meeting.

Habang tinatahak ko ang daan papuntang lib, napaisip ako na kay tagal ko na palang umaasa.

Umaasa na kahit kaunti man lang ay mamahalin ako ni Logan.

Palagi kong sinasabi sa sarili ko na kahit kaunti ay meron talaga pero sa tingin ko naman wala.

Ni konti wala. Siguro umasa lang siguro ako ng grabe. Nasobraan yata ang pagka hopeless romantic ko na pati buhay ko naapektuhan na.

"Yole, saan ka ba pupunta? Antayin mo muna ako!" Biglang sigaw ni Selle galing sa likuran ko.

Hindi mo na ako kailangan Selle. Nakuha mo na ang poem ko. Ganun naman kayo. Lalapit lang naman kayo sa akin pag may kailangan kayo.

Tapos pag wala na, iiwanan niyo na ako. Ganun ganun nalang. Parang si Logan.

Linalapitan niya lang ako kapag mag-aaway sila ni Haria, pero pagkatapos nun, parang hindi niya lang ako nakilala.

Hindi ko pinansin si Selle at patuloy lang ako sa paglalakad. Ganun naman ako. Pag hindi kita gustong makausap, hinding-hindi talaga kita kakausapin. Ganoon ako ka moody.

Kaya siguro walang may gusto sa akin kasi napakadali ko lang mawalan ng gana sa mga bagay-bagay.

"Ay si Yole talaga, hindi makapag-hintay. Nagmamadali ate?" Sabi ni Selle nang maabutan na niya ako. Tae talaga to.

Hindi ko siya kinausap at tumango lang ako. Tapos pumasok na kami sa library. Marami-rami na pala ang mga nandito. Puro din mga student journalists.

"Yole, dito ka umupo kasama namin!" Sambit naman ni Dale. Dun naman ako pumwesto kasama sila. Sila kasi ang least na hindi madaldal na grupo.

Mga simple lang ang hangad nila sa buhay. Ang tumahimik pagkailangan para hindi maka isturbo sa mga friendzoned na gaya ko.

Parang nawalan na kasi ako nang gana na makipag-usap sa mga tao. Parang hindi ako ganoon ka importante para kausapin. Parang ganun ba.

Bakit ba kasi napakalaki ng epekto ni Logan sa buhay ko? Sino ba siya? Isang tao na pawang gumugulo sa puso't isipan ko lang naman siya.

Hindi naman niya ako pinapasaya ah? Ano ba ang magandang naidulot niya sa buhay ko? Wala naman. Abno siya.

Pero nakakalungkot ding isipin na ako lang din naman tong umaasa. Wala namang sinasabi si Logan na kailangan kong umasa at mahalin siya. Hala teka? Mahalin? Ang lalim na nun ah.

Dahil madami na kami, nagsalita na yung coach naman sa journalism sa harap. Yada yada.

Pagkatapos nang meeting namin, pagagawin kami ng mga write-ups. Dali-dali ko namang ginawa yung sa akin para makauwi ako nang maaga at para maiwasan ko ang mga kakerengkengan nina Logan at Haria.

Nandito din kasi si Haria kasi cartoonist siya tapos si Logan naman broadcaster.

Magsama kayo!

Tumayo na ako at isinukbit ko na ang bag ko para diretso na akong lalabas pagkatapos kong mapasa tong write-up ko.

"Eto po ma'am Langdon. Sige po una na ako." Sabi ko at naglakad na ako patungo sa pintuan. Binasa naman ni maam yung work ko.

"Teka Ponine, bumalik ka muna dito." Biglang sabi ni maam nang makalayo na ako sa kanya.

Hay. Ano na naman ang kailangan nito.

"Nabasa ko ang buong write-up mo at maganda siya gaya ng mga gawa mo. Gusto ko din sana na basahin mo sa harapan nila ang sinulat mo. Nagustuhan ko nang husto ang topic na pinili mo dahil tila makaka-relate ang mga kasama mo dito. Sige na't pumunta ka na sa harapan." Sabi naman ni maam Chanel at sinamahan niya ako sa harapan.

Punyeye. Nanghinayang ako kung bakit tong topic nato pa ang pinili.

Wala na akong magagawa. Hayy. Tadhana nga naman. Kay cruel.

"Guys, I just want you to stop muna what you're doing and let's listen first to Ponine. Babasahin niya ang kanyang article and I really want you to listen carefully para malalaman niyo kung gaano ka ganda sumulat gamit ang damdamin at puso. At dahil siya ang pinaka-unang nakatapos, mamamangha kayo sa article niya. Here's ponine ang her work." Sabi ni Ma'am Chanel Langdon na nagtawag sa attensyon ng lahat ng mga nasa library.

Jusko tulungan niyo po ako na mabubuhay pa ako pagkatapos nito.

Nakatayo ako sa harap ng lahat ng mga members ng journalism club at napakalakas ng tibok ng aking puso dahil alam kong isa lang ang nakikila nito kahit napakaraming tao sa harapan ko.

Bumuntong-hininga ako at tumingin ako sa aking papel.

"Kapirasong kasiyahan." Sabi ko na nagdulot ng matinding palakpakan. Hindi ko pinansin iyon at nagpatuloy.

"Siguro nakikita niyo ako kahit saan. Sa daan, sa gilid ng koridor, sa aking silya o di kaya'y nasa harapan niyo ako mismo. Masdan niyo ng mabuti ang mukha ko. Nakikita niyo itong nakangiti at tila walang problema, pero higit pa doon ang dinadala ko. Bawa't piraso nang bulaklak ay espesyal at may kulay. Maganda. Nakaka-akit.

Mahahalina ka. Ganoon ang ipinapakita nang mukha ko. Na kaya ko. Kaya kong maging masaya.

Kaya kong ngumiti. Kaya kong lumigaya, pero sa pinapakita ko, hindi alam ng karamihan kung ano ang pinagdaanan ko para mapitas lang gaya ng kapiraso ng bulaklak na iyon.

Matagal din akong nag-antay. Nagbabasakaling mapitas rin ako ng totoong kasiyahan. Ng mga totoong tao na magpapahalaga sa akin.

Na magpapangiti sa akin. Hindi madali ang buhay ko. Pira-pirasong kasiyahan lang ang natatanggap ko, pero kahit ganoon, nagpapasalamat parin ako kahit ganoon. Kahit na tira-tira lang ang napapasaakin.

Minsan nga wala. Tira-tirang attensyon para sa kapirasong kasiyahan. Tira-tirang kasiyahan para sa kapirasong puso na tahimik na nag-aantay. Ganoon lang ako.

Kapirasong kasiyahan lang ang natatanggap ko pero kuntento na ako doon. Nasisiyahan na ako. Kaya kapag makikita niyo akong masaya o nakangiti?

Naku. Nakasungkit na naman ako nang kapirasong kasiyahan na kukumpleto sa puso kong wala nang natira.

Kapirasong kasiyahan para sa taong tulad ko. Na namamalimos ng pagmamahal pero hindi pa nga mabibigyan. Pansinin niyo naman ako. Siguro naman nakikita niyo lang ako kahit saan.

Sa daan, sa gilid ng koridor, sa aking silya o di kaya'y nasa harapan niyo ako mismo. Masdan niyo ng mabuti ang mukha ko.

Nakikita niyo akong nakangiti at tila walang problema, pero higit pa doon ang dinadala ko. Kapirasong kasiyahan lang, ngingiti na ulit ako." Pagtatapos ko sabay
tumayo ang lahat at nagpalakpakan.

Binigay ko na ang papel ko kay Maam Chanel sabay nagpasalamat at lingid-likod na linisan ang lugar na iyon.

I Almost Do (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon