7. That close

573 30 18
                                    

Lumipas ang oras at 5 pm na pala. At seven  yung party kina Logan.

Pupunta ba ako?

Sa nangyari kanina, pupunta pa ba ako? I mean, may ihaharap pa ba ako sa kanya?

Kapalmuks ko naman!

Feel ko nga, parang ayaw din sa akin ng mama ni Logan eh. Napakayaman nila eh, parang medyo donya.

Feel ko nga kada-punta ko sa bahay nila, kinamumuhian ako ng nanay niya.

Palagi kasi akong present sa lahat ng celebrations sa bahay nila Logan. Lima kasi silang magkakapatid, kaya maraming nagbe-birthday. Halos every month.

Nagsawa na siguro ang nanay niya sa pagmumukha ko.

Tatlo lang kasi kaming loyal guests sa tuwing may special occasions sa bahay nila Logan. Meaning present talaga kaming tatlo ni Josh at Rain.

Kami naman talagang apat ang magbarkada. Eh lumayo ako sa kanila dahil sa nangyari noon.

Pupunta pa ba ako? Natatakot ako sa mama niya eh.

Birthday kasi ngayin ni Lerion. Lalakeng kapatid ni Logan na ikalawa sa kanya. Si Logan kasi ang panganay.

Di nalang ako pupunta. Di na naman kami magkaibigan. Ayaw nga niya sa akin? Ano pa ang sayay ng pagpunta ko?

Magbabasa nalang siguro ako ng books.

Teka, para maintindihan niyo ako, eto ang mga katangian ko.

Ako ay isang baliktad na tao. Ngumingiti pag problemado at tahimik naman pag masaya. Ganyan.

Pero sa ngayon, tahimik na talaga ako kahit masaya man ako or may problema.

Mahilig din akong magbasa, di naman ako nerd, moody at seasonal ang mga ginagawa ko depende yun sa feel kong trip of the day. Matalino daw ako at di ako naniniwala dun.

Marunong akong kumanta. Nays pa nga daw ang boses ko pero alam kong bola lang yun.

Mahilig din ako gumawa ng stories at poems. Myembro ako ng school paper org.

Ako ay mahilig magjoke minsan at surprisingly tawa ng tawa ang mga kaklase ko kahit simpleng banat ko lang. Weird.

Ang ingay ko rin minsan at wala akong permanenteng mood. Bipolar ako. Sa isang sandali, makikita mo akong tumatawa na parang walang bukas at mabibigla ka nalang na bigla nalang akong mapapatahimik at mapatulala.

Yan ako. Ang plain ko diba? Ang boring kasama.

Pwera, magbabasa nalang ako ng libro.

All Fall Down by Erica Spindler

Ang astig ng babae. Pulis siya!

Nang biglang tumunog ang phone ko.

From: Rain

Yole, pupunta ka ba kina Logan ngayon?

Hindi. Kapagod. Di na naman tayo friends eh kaya Ew. Di ako pupunta!

To: Rain

Hindi. Ikaw? Pupunta ka?

Reply ko.

Sus. Imbis na nalimutan ko na yang party crap na yan, sumulpot pa talaga tong si Rain.

From: Rain

Oo, pupunta ako. Bakit hindi ka makakapunta Yole? Tatlong birthdays na ang na miss mo kina Logan ah? May problema ba?Ano ang nangyari sayo kaninang recess? Ba't di ka sumabay sa amin?

I Almost Do (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon