Chapter 4

18 1 0
                                    

"Alec, gusto ko sa-"

"Sorry, di kita type." Ay grabe! Nakakaturn off naman ang bakla! Yung babae naman luhaang tumakbo pabalik sa mga friends nya. Tsk tsk. Kawawa nya naman. Di lang sya ang kawawa marami nang nagconfess kay Alec kanina. Puro luhaang umuwi.

"Ang harsh mo gurl! Pwede bang iexplain mo muna sa kanila kaysa ideretcho mo?" Papay naman sya sa fan.

"Hoy! Hindi mo lang alam stress na talaga ako sa kanila!" May point sya... Sino nga ba naman hindi mapapagod ng sabihin sa kanila ng paulit ulit ng 'No'.

"Gets ko yun best! Pero tsk tsk! Kawawa naman sila! Binabasted mo na walang pake!"

"Eh wala naman talaga akong pake. Kasalanan ko ba maski babae nababaliw sa beauty ko." =_____=

"Grabe! Whoo! Sobra lakas ng hangin! Liliparin ako!!!" Nag act pa talaga ako na parang liliparin ng hangin.

"Gaga! Well, powerful talaga ng beauty ko! Liliparin ka talaga!" Winave niya pa talaga yung imaginary hair nya. "Che!"

Kawawa talaga yung mga babaeng yun. Ewan ko kung bulag ba sila or bingi, hindi ba halata na 'Gay' si Alec? Baka akala nila may pagasa pa sila at makadate or whatevz sakanya. Probably hindi naman noh.

Kaya malas sila.... Eh ako rin eh... Naiinis ako pagtuwing may nagcoconfess sa kanya. Takot akong mag agree sya. Hindi ko pa nga nasubukang mabroken hearted. At ang malas ko wala rin akong pag asa.

Papunta kami ngayon sa classroom namin. Laki rin kasi ng academy. Pagdating namin biglang tumigil si Alec. Ano naman problema nya?

"Bakit???" Mukhang na surprised sya na parang.... =_____=

Nagmamaldita na naman sya. Sino naman kaya nakaaway ng bakla.

"W-Wala. Akala ko may nakalimutan lang." Terrible Liar. Pero nagkunwaring naniwala ako. Tumango ako.

"Ok. Sige na." Umupo kami at nakipagdaldalan kami sa iba.

Stephanie's POV

"Talaga? Ni reject ka nya??" Bilis kumalat ng chismis! I hate rumours! Especially when its not true!

"Yes sweetie. Ni reject ako ng baklang yun." Nakakainis! Mahirap talaga pag bakla yung taong gusto mo. Sa sobrang pagkabakla sa tingin nya mas maganda sya kaysa sakin.

Tanga lang? Alam nyang ako ang totoong babae hindi sya. Bakla sya! Lalaking nagprepretend as a girl! Tapos sasabihing mas maganda sya? Ako ang babae, bakla lang sya, hindi hamak na mas maganda ako.

"For the first time in forever!~" Pakanta pa talaga ng Frozen na song. Inirapan ko lang si Eva, my closest friend. At yes first time ako nareject. Isang gay pa talaga!

Nakafeel na lang ako may nakatingin sakin. Tinignan ko yung direction kung saan feel ko. At surprise. Nakita ko naman si Alec.

Oh? Surprised ata sya? Dont tell me, he didnt notice me as his classmate.-_____-

Tapos ayun na naman yung babaeng kasama nya. His bestfriend. Mukhang bumalik na sya sa reality at pumunta sa kanilang seat at nagdaldalan.

Teka, his bestfriend... Isang napakagandang idea pumasok sa mind ko. A very good idea.

***
Hai!!!~ salamat sa reads guys! Share mo naman to sa friends nyo. At di naman illegal mag comment at magvote. Feel free to vote and comment!

-DollQueen

My Crazy Life of LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon