Chapter 13

308 57 8
                                    

Tulala akong naghahanda para sa pagpasok sa eskwelahan. Di parin kase maalis sa isip ko ang balitang narinig ko kagabi

Imposible kaseng ang mga taong nasa inakala kong panaginip ay mababalitaan ko na lang na wala na pala

'Paanong nangyari yun? Kamag anak ko yata ang mutant na si Destiny '

Naputol ang pag-iisip ko ng malalim ng makarinig ako ng katok dito sa pinto. Dahil sa pagkatuliro ko ngayon dahil nakakakilabot na ang mga nangyayari sa paligid ko ay kinakabahan ako sa kung sino man ang kumakatok doon, lalo pa at wala naman pwedeng bumisita sakin dito, di rin ako nagpadelivery kase matipid akong tao

Sa pagkapraning ko ay naisipan kong kunin ang kawali para protekta kung sino man ang paulit ulit na kumakatok doon

Dahan dahan akong naglakad papalapit, pa-isa isang hakbang habang nakaangat na ang kawali sa pagkakahawak ko, nakaambang parang may papaluin ako ng di oras nun

Isang hakbang papalapit at todo kabog na sa bilis ang puso ko sa kaba

Ikalawang hakbang sa ikahuli ay napapalunok na ako na halos manuyo ang lalamunan ko

Sa huling hakbang ay nanlalamig na ang buong katawan ko, ganito ako ka matatakutin pero kailangan ko ng lakas ng loob, sa kaba ko nga ay di ko naisipan munang tumawag ng pulis pero baka di naman pala masamang tao ito, pero leche flan kinakabahan parin ako kase puro katok lang at di sya nagsasalita

Humugot ako ng malalim na hininga para kumuha ng lakas ng loob na magsalita habang nakaready na ang kawali, hindi pang luto, kundi panghampas sa lokoloko

"S-sino yan?!" buong lakas ko na ani at hinihintay na buksan niya yun pero puro katok lang sya

'Ano ng gagawin ko?! Tatawag na ba ako ng pulis?! Pero baka mali lang ang hinala ko?.... Tumawag kaya ako ng kahit sinong kilala ko?.... Si Rax kaya?.... Pero babae sya at isa rin sya sa matatakutin.... Sino ang pwede kong tawagan?!'

Napapakagat na ako sa mga daliri ko habang nagpapalitan ang tingin sa pintuan at kung saan, nanunubig na rin ang mga mata ko sa sobrang takot na nararamdaman.

'My gas! Anong gagawin ko?!.... Katapusan ko na ba?..... Kung panaginip lang ito sana magising na ako! Baka rin malate na ako sa school kung di pa ako gigising'

Kinuha ko na ang phone ko at naisipang tawagin sana si Sir Cafaro na kakapalan ko na ang mukha ko ng may nagsalita sa pintuan

"Hey. Eda can you please open this door?!" bahagyang nanlaki ang mga mata ko ng marinig ko ang pamilyar na boses ni Blake

'Bat sya nandito?'

"Nakakangawit maghantay na pagbuksan dit------" di niya na natapos ang sasabihin niya ng di na ako nagdalawang isip na buksan ang pintuan

Sumalubong sa akin ang pagkakakunot ng nuo niya pero nanlambot ang mukha niya ng bumaba ang tingin niya sakin

"Are you, ok? What happened? Bat namumutla ka?" aniya ng may pag-aalala na lumapit sakin, kanina pa ako nagpipigil ng luha ko dahil ganito ako ka sensitive na tao dahil sa pagiging matatakutin ko, gayon pa man ay may halong inis akong nararamdaman sa kanya kaya di rin ako nagdadalawang isip na hampasin sya sa braso habang pinipigilan ang luha sa inis

"Ouch! What was that for?" reklamo niya na napahawak sa braso niya na bahagyang lumayo sa akin

"Leche flan ka kase! Akala ko katapusan ko na! Di ka man lang sumagot o nagsalita kaagad! Akala ko kung sinong lokoloko ang kumakatok! Pinakaba mo ko!" naglalabas ko sa inis na ani

Lumitaw ang nakakaloko niyang malaking ngisi sabay tawa na napahampas pa sa may gilid ng pasimano sa pintuan

(^¿^)

Sangue Dolce ✔️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon