Chapter 26

198 21 4
                                    

"Congratulations Putot!" na wala ang ngiting tagumpay ko sa mapang-asar na pagbati sakin ng mokong na 'to at inakbayan pa talaga ako para lalo akong asarin, ang bigat pa ng braso.

Sarkastiko akong ngumiti.

"Congratulations din mokong" ganti kong pang-aasar pero di man lang s'ya naasar, sa halip ay natawa pa sakin sabay gulo ng buhok ko.

Nang samaan ko s'ya ng tingin ay inayos n'ya agad ang buhok ko.

"Congratulations to us! Grabe, si Eda lang pala ang makakapagpanalo sa 'tin!" masigla pang pambobola ni Patrick na pinatong naman ang braso sa kabila kong balikat.

'Leche Flan 'tong mga 'to! Porke maliit lang 'yong tao pwede na akong pamatong? Ang bibigat pa naman ng mga braso!'

"Hoy, isa ka pang lokoloko. Wag ka ng mangbola. Team work ang nangyari kaya tayo ang champion" ani ko kay Patrick, na tawa ang dalawa.

"Isa pa, mga leche flan kayo. Alisin n'yo nga mga braso n'yo. Juice colored ang gagaan naman kase" sarkastiko kong pagrereklamo.

Pinagtawanan na naman ako ng dalawa ng pinagkunutan ko sila kasabay ng pagalis nila sa pagkakapatong ng mga braso nila sakin.

Naging kasabay rin 'yon ng paglapit sa gawi namin ang iba pang mga kabanda ni Blake dahilan para mag-ingay na naman ang buong paligid.

Kompleto kase ang banda ngayon, ako lang ang nakikisaling pusa. Kaya ganon ako pinupukulan ng masasang mga tingin ng mga kababaihan na nakasunod sa mga ito.

Nagbatian sila at binati rin ako. Ang sarap rin sa pakiramdam na may pumupuri sayong myembro ng isang sikat na banda dito sa Campus na maganda at mataas daw ang boses ko na nakakapagbigay kilabot sa mga nakikinig at nanonood.

Tutal ay napapalapit na ang mga loob ko sa mga ito ay 'di naman ako nagsusungit. Ang mokong lang talaga ang bagay sungitan sa lakas mapang-asar, nakakabwesit minsan.

Ang ibang mga lectures namin ay 'di muna nagklase kaya malaya ang ilan kung saan nila gustong pumunta at makapaglibot libot.

Ilan rin sa mga kabanda ni Blake ay kasama namin dito sa may garden habang nagjajamming jaming sa pagkanta. Ang ilan ay may klase sila dahil nga nasa iba section ang ilan.

Nagliliwasan kami kung sino sino ang mga kumakanta samin. Nagkakatuwaan, nagkakasabay sa pagkanta at pagtugtog ng gitara.

Kahit ako lang ang babae dito, 'di ko naman naramdamang na out of place ako sa kanila, sa katunayan ako ang palaging inaasar nila at pinagloloko loko, syempre papahuli ba ang lola n'yo, gumaganti rin ako.

(- -,)

"Pahiga ako ah" nahinto ang ilan sa 'min sa tawanan nang magpaalan si Blake sakin.

Nagtaka pa ako nung una pero natigilan ako ng inihilig n'ya ang ulo sa balikat ko bago ipinikit ang mga mata na parang matutulog ng ganon ang posisyon. Talagang isinuksok pa ang ulo sa may leeg ko!

Narinig kong umugong ang asaran dito sa pwesto namin na hininaan habang nagpapalitan ng tingin saming dalawa ni Blake. Nakangisi ang mga 'to sa'min.

'Leche Flan talaga 'tong mokong na 'to! Kahit kailan, palaging gumagawa ng scene, pwede naman s'yang sa Clinic matulog, talagang sa balikat ko pa!'

Napataas ang parehong kilay ko sa mga kabanda n'ya dahilan para magpigil ito ng pangisi ngisi sa 'min. Taas kilay ko ring binaling ang tingin sa nakapikit na Blake. 'Di ko alam kung tulog na.

"Tch" nareaksyon ko lang nakangiwi dito bago ito hinayaan na lang. Mukha s'yang pagod.

Sa bagay nakakapagod talaga ang palaging representative sa iba't ibang contest dito sa Campus ang pinapasali s'ya. Bukod sa talented, may itsura naman kahit masyadong mahangin.

Sangue Dolce ✔️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon