Chapter 32

231 23 5
                                    

Ang awkward sa pakiramdam at katabi ko ang lalaking napapaiwas ako ngayong klase.

May quiz kase kaming sinasagutan kahit katatapos pa lang ng contest nitong nakalipas na ilang araw ay sunod sunod na quizzes agad ang bumungad, tuloy ay napipiga ang utak ko lalo na't hindi ba naman ako nakapagreview, pero buti na lang madadali lang ang mga tanong.

Halos walang sulyap sa gawi ni Blake akong kunwareng nagfofocus sa paganswer kahit ang totoo ay lutang na naman ako. Ang daming iniisip.

Sa hindi sinasadyang pagkakataon ay nasagi ko ang kamay ni Blake sa siko ko dahilan para mahulog ang ballpen nitong hawak.

"Ay. Sorry. Sorry" mahina kong ani dahil baka marinig kami ng lecturer namin dito ng walang lingunan akong nagsalita bago naisipang pulutin ang ballpen n'ya.

Akma ko ng pupulutin iyon nang marinig kong nagsalita s'ya agad "Ako na—————"

Pareho kaming natigilan nang aakto na rin s'yang nagkasabay na dadamputin ang ballpen at nang pagkatingala ko sa kan'ya ay hindi ko sinasadyang maumpog ako sa baba n'ya.

Pareho kaming napangiwi sa sakit habang nakayuko kami dito sa ilalim ng table namin. Ako ay napahawak sa ulo habang s'ya ay napahawak sa baba n'ya. Paniguradong mas nasaktan s'ya.

"Sorry. Sorry. naku, my gas, ayos ka lang?" mabilis kong ani pero tinignan lang ako nito.

Hindi s'ya sumagot kaya napaiwas na lang ako ng tingin bago dinampot ang ballpen n'ya at umayos na ng upo bago pa may makapansin sa amin. Inilagay ko muli ang ballpen n'ya sa table n'ya at nagpatuloy na ako sa pagsagot.

Mas lalo pa tuloy nadagdagan ang kahihiyan ko dahil sa pagkacareless ko masyado. Nakakailang talaga kase ang presensya n'ya matapos sumagi ng paulit ulit sa isip ko ang ginawa n'ya sa 'kin sa cubicle.

Natapos ang klase at ngayon ay nagliligpit na ako ng mga gamit. Nang matapos na sa pagliligpit ay akma ko ng kukunin ang bag ko nang may umagaw non sa akin.

Napatingin ako kay Blake sa pagkuha n'ya sa bag ko bago isinukbit sa balikat n'ya na para bang s'ya na ang magdadala non.

Sa nakalipas na araw, ngayon na lang s'ya muli naging ganito sa'kin.

Magsasalita na sana ako nang unahan n'ya muli ako.

"Ako na magdadala" aniya.

"Ha?.. pero—————teka sandali, 'yong bag ko" naputol pa ang dapat na pagtanggi ko ng magumpisa na s'yang maglakad palabas bitbit ang bag naming dalawa.

Wala akong nagawa kundi sundin s'ya para maagaw ko pabalik ang bag ko.

"Woi teka lang!" napapatakbo na ako para masundan s'ya dahil ang bilis n'yang maglakad, palibhasa mahaba ang biyas.

"Tsk. Leche flan naman oh!" reklamo ko pa dahil nakakaramdam na ako ng hingal sa kakahabol sa kan'ya hanggang sa tuluyan na akong napatakbo at nahuli ang bag ko dahilan para mahinto s'ya at nilingon ako.

Tinignan lang ako nito, akma ko na sanang aagawin ang bag ko nang hablutin n'ya ito pabalik at itinaas iyon kaya ang para tuloy akong naglalaro ng pabitin sa birthday games dahil sa kakaabot ng bag ko pero tinataas taas naman n'ya ito papalayo sa akin, may pagkakataong ibababa n'ya ng bahagya pero itataas muli kung aabutin ko na patalon.

"Ano ba!" napipikon ko ng ani na hinihingal sa kakalundag maabot lang ang bag ko pero nabigo akong bawiin iyon.

"Tsk. Akin na nga sabi!" pilit ko pang inaabot ang bag ko pero panay ang atras n'ya papalayo saka itataas baba ang bag ko, para bang nang-aasar.

Sangue Dolce ✔️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon