Chapter 3

584 75 9
                                    

Andito ako ngayon hingal na hingal na tumatakbo papunta sa sakayan ng jeep

Papaano ba naman may nakita akong mabilis na anino na dumaan mismo sa harapan ko kanina parang kisap mata ang bilis ng pagkakatakbo ng anino na yun!

'bakit pa kase ako doon dumaan ehh wala pa namang katao tao doon, baka napapraning ka lang Eda at kung ano ano yang pinagiisip mo!'

Ang aninong yun sa palagay ko kanina pa ako sinusundan nun para na naman akong aatakihin sa puso at hihimatayin pati narin mapaihi dahil sa sobrang takot at kaba ko kanina pa

'Baka naman namamalikmata lang ako lalo pa't may kadiliman doon'

Nakahinga ako ng maluwag nakapunta ako ng maayos sa mataong lugar sa may sakayan ng jeep at naghahabol parin ako ng hininga sa kakatakbo ko kaniha

'hayy grabe ano ba yung nakikita at nararamdaman ko ngayon? Bat parang sunod sunod ata ang malas ko ngayon?'

Kanina ko pa talaga nararamdaman na may nagmamasid sa akin actually hindi lang ngayon sa akin nangyari ito sa palagay ko nung bata pa ako ay may pakiramdam na ako na may nagmamasid sa akin palagi pero ng di maglaon ay di ko na napapansin ito dahil siguro sa sobrang pagkabusy ko

'pero bakit ngayon busy parin naman ako, bakit feeling ko mas lumalapit sa akin lalo ang nakamasid sa akin? Napapraning lang siguro talaga ako juice colored! Pero paano kapag mumo na yung nakita ko kanina at baka may utang ako sa kanya bago sya mamatay.... Luh magkano ba kase at sino naman yun? Pagiipunan ko kung may utang nga ako para lubayan niya na ako.... Teka may pinagkakautangan ba ako?..... Wala naman di ba?'

"Bayad po" sabi ko sabay abot ng bayad ng makasakay na ako ng jeep at medyo kumalma narin ang paghinga ko pero ang puso ko di parin kumakalma dahil andito parin ang pakiramdam ko na yun!

Napatingin ako sa suot kong relo at nakitang 9:40pm na. Ang pasok ko sa papasukan kong trabaho ay 9:45pm dahil ruma-raket din ako bilang call center agent sa isang companya

Tulala lang ako sa byahe at iniisip ang mga nangyayari, sa sobrang matatakutin ko ay nangingilabot ako sa tuwing maaalala ko ang itim na bagay o tao o mumo o halimaw o ano man yun basta yun na yun!

Nabalik ako sa wisyo ng huminto ang jeep at nakitang nagpapasakay panibagong pasahero si manong driver, at

'leche flan!'

Ngayon ko lang napansing lagpas na pala ako ng ilang metro sa kompanyang pinagtatrabahuan ko

"Manong para po! " mabilis kong nasabi sa driver sa pagkataranta, bumaba na ako

Nakaupo na ako ngayon sa isang upuan at nakasuot na rin ako ng USB Headset sa ulo ko at sinasagot ang ibang tawag

Maya maya pa ay tinawag ako ng ilan sa mga katrabaho ko dahil di daw nila masyadong maintindihan ang caller na ito di daw kase nila maintindihan ang sinasabi, pinasa nila sakin at nagbabakasakaling maayos pagdating sa akin sa maririnig ko

"Hello! good evening how may i help you?"masaya kong sabi dahil ganito naman talaga ako palagi kapag may caller ako

Nagantay lang ako pero wala namang sumasagot sa kabilang linya at parang hangin lang ang maririnig mo doon    " Ahm Rax naipasa mo na ba yung caller sa akin? Bat parang wala namang sumasagot?" sabi ko sa isa kong katrabaho dito na in-off pa saglit ang mic sa USB Headset

"Yes I did, Napasa na kaya baka di ka lang narinig ulitin mo" sabi ni Rax na in-off din saglit ang mic nya dahil may caller din sya

"Hello?" paguulit ko pa pero hangin lang talaga ang naririnig ko doon at chineck ko naman ko may caller pa ba pero meron naman "Hello Sir are you with me? Are you still there?"

Sangue Dolce ✔️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon