Chapter 59

200 14 7
                                    

Pinaglalaruan ko lang ang munting pagkain kong niluto. Nawawalan na ako ng gana sa lahat ng bagay, kulang na lang pati paghinga ay tinatamad na din ako.

Masarap naman ang ulam kong bagoong pero parang masasayang lang ito dahil wala talaga akong gana. Mabuti at hindi na ako nagluto ng tuyo kanina, isa pa parang napilitan lang ako magluto at kumain.

Gusto ko na lang matulog magdamag hanggang sa hindi na gigising pa. Hinihintay ko na lang ang araw na iyon.

Kahit walang gana ay inuunti unti kong sinubo ang mga butil ng kanin ko dahil napapaisip rin ako na sayang ito. Tulala pa rin, sa dami ng iniisip ko hindi ko alam kung anong uunahing iisipin, 'di ba ang gulo ko?

Nahinto ako sa malamya kong pagnguya nang makarinig ako ng mga boses mula sa labas bago narinig ang tunog ng gitara.

Binaba ko ng maingat ang kutsara upang hindi makagawa ng tunog saka ko pasimpleng sinilip ang nasa labas ng bahay. Maingat akong naglalakad papunta sa may pintuan nang mag-umpisang kumanta ang pamilyar na boses.

No one can better this

Still holding on

You're still the one

'Tsh, nag-aaksaya na naman sila ng oras'

Kunot nuo akong sumilip dito sa may bintana na natatakpan ng kurtina. Nakita ko ang grupo ng banda ni Blake na pinangungunahan niya ng pagkanta. Ang magkambal ang ay parehong nagigitara, second voice naman si Aaron habang si Patrick ay parang tanga na nagbibeatbox.

May bandage ang ilong ni Patrick dahil iyon nung last nilang punta dito. Araw-araw kase silang pumupunta dito upang mang-istorbo sa walang kwenta nilang paghaharana na may paghingi ng tawad.

*Flashback*

Unang araw ng pagpunta nila dito sa bahay, nasa labas lang sila habang kumakanta dahil hindi ko pinapapasok.

Hanggang sa inis kong binuksan ang pinto, kita ko ang gulat nila pero patuloy pa rin sila sa pagkanta.

"Alis" tipid kong malamig na pagpapalayas sa kanila.

Nagbibingi-bingihan sila at patuloy akong hinaharana. Marahas akong napabuga ng hininga.

Is it too late now to say sorry—————

Rinig ko ang pagkatigil nila nang padabog kong sinarado ang pinto sabay lock dito.

Kinabukasan.

Lutang akong nagwawalis sa likod ng bahay para makapaghanda ako mamaya sa trabaho kahit walang gana, patuloy pa rin ako. Sumasabay na lang ako sa takbo ng buhay ko kahit hindi ko alam kung saan ako papatungo.

Nahinto ako sa pagwawalis nang makarinig ako nang tunog ng iba't ibang instrumento kung saan, malapit sa gawi ko.

Pagharap ko ay kaagad nagsalubong ang mga kilay ko nang makita ang banda na hinaharana nila ang pintuan sa labas.

Nakapamewang akong naglakad papalapit sa kanila habang hila-hila ang mahabang walis tingting na ginamit ko kanina.

It's too late to apologize—————

"Patawad! Walang tao!" inis kong bulyaw sa pagbirit nila dahilan upang matigilan silang nalingon ako na nasa gilid lang nila sabay taas ng walis na bitbit ko.

Ikinagulat nila ng iduro ko sa kanila ang walis sabay atras matapos ko silang pagbantaan.

"Aalis kayo o kukulamin ko kayo isa-isa!?" banta ko dahilan upang magsitakbuhan sila agad nang akma ko silang hahampasin ng walis "Sige takbo mga abno!" nangigigil kong pagpapabugaw sa kanila.

Sangue Dolce ✔️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon