Margaux's POV
"Shayne! Yung totoo, anak ba talaga ng businessman yung Mr. Villafuente na yun?" agad kong tanong kay Shayne pagkalabas na pagkalabas ng last teacher namin that day.
"Oo naman Bes! Bakit?" natatawang sagot ni Shayne sa akin
"Andaldal niya tsaka masyado siyang chismoso." this time ikinagulat niya yung mga sinabi ko,
"Oh?!? Eh super man of few words kaya yun."
"TALAGA?! Hindi halata Bes." inayos ko na yung mga gamit ko para makauwi na.
"Nako, baka naman natamaan.HAHAHA" napalingon naman agad ako sa kanya. What do she mean by that?
"Bes! Anong natamaan chu chu dyan! Kay Tim lang ako noh." agad kong sagot sankanya dahil gets ko yung ibig niyang sabihin sa akin.
"Oo na, dyan ka na magpakatanga dyan sa Tim mo. Ni hindi ka na nga pinahahalagahan nyan sa kanya ka pa rin. Pambihira! Sinasayang mo ang ganda mo Bes."
:( Eh mahal ko siya eh. Mahal na mahal.
"Ehem!"
"T-tim?!?" (Shayne)
"Kanina ka pa dyan Babe?!" (Marg)
"Oo, kanina ko pa naririnig yung pag-uusap niyo. Rinig na rinig ko. Diba Shayne?" (Tim)
"Una na 'ko Bes, usap na kayo. Babye!" (Shayne) Agad na tumakbo palabas ng room si Shayne. Ayan kung ano ano kasi yung mga sinasabi.
"Ahh, sige.. Oh, Tim. Wala ka bang praktis ngayon? 2PM na ah." sabi ko sa kanya habang inaayos ko pa rin ang gamit ko.
Ayaw kong iopen up muna yung nangyari kahapon. Masakit pa rin kasi para sa akin.
"Mamaya na lang akong pupunta doon. Gusto ko lang ay malaman ngayon kung bakit nagmamadali ka kahapon?"
Kaiisip ko pa lang na ayaw ko ngang pag-usapan eh :3
"Ah yun ba? May emergency kasi eh, bigla kong naalala. Pasensya na nga pala dun ah? Wag mo na masyadong isipin yun Tim. Una na 'ko ha? Praktis ka na dun. Sabay na rin kayo umuwi ni Apple. Sige."
Pagpapalusot ko. Manhid ka Tim. Manhid.
Naglakad na ako palabas ng campus. Hindi ko na napigilan pang lumuha.
Ni hindi niya man lang ako hinabol. Ang bigat ng nararamdaman ko ngayon, palagay ko.. kailangan ko na bumitaw.
Nahihilo ako big- *boogsh* A-ano--- *blackout*
"Asan ako?! T-teka, JASON?!?? Paano-"
Asan naman ba ako? Paano ako nakarating dito? Ang huli kong naaalala ay bumagsak ako. Tapos wala na. HALA! :o
"Oh, relax! Ayan ka nanaman eh. Nasa kotse kita. Nahimatay ka kasi kanina eh saktong napadaan ako sa school niyo. Tsaka nga pala, nilalagnat ka. Papunta na tayo sa clinic ngayon."
"S-salamat." medyo napahiya naman ako sa pagsigaw ko. (>.<)
"Wala yun. Oh, andito na tayo." tinignan ko yung paligid.
"Dra. Villafuente's Clinic?"
"Mommy ko yung may-ari neto."
"Rich kid ka nga talaga."
Ngitian niya na ako saka inalalayang maglakad papasok sa clinic.
"Ma, may paracetamol ka dyan. May nilalagnat na mataray dito eh."
pagsalubong niya sa babaeng sa tingin ko nasa mid-30's pa lang at sobrang ganda ?_?
Hindi ko na lang pinansin yung panlalait ni Jason madaldal na mapanglait na epal na chismoso. Mwahahaha!
BINABASA MO ANG
Napapagod Din Naman Ako
Teen Fiction"Ako'y laging nasasaktan. Puso'y napapagod din naman. Sa dami ng napagdaanan, sana napagtanto naman Bago kita tuluyang sukuan." A/N: This story is already revised from its original. Changed some, add some things. Hope you still enjoy reading ;')