March 14,2011
Today is our anniversary. Hindi ko talaga inakalang makakaabot kami ng isang taon.
Paano ba naman kasi, parehas kaming mga first timers sa mga love love na yan.
Tsaka sobrang opposite kami. Para kaming aso't pusa.
Hindi ko akalaing yung taong pinakakinaiinisan ko dati ay mamahalin ko ng ganito ngayon.
Naalala ko pa yung mga kacornyhan niya nun.
Medyo hindi pa nga siya cool magsabi ng mga banat, hindi naman kasi siya sanay magsabi ng ganon kahit pa heartthrob ang turing sa kanya sa eskwelahang pinapasukan niya.
"Ano ba! Ba't ka ba sunod ng sunod? Nakakairita alam mo yun?"
"Sabi kasi nila, follow your dream. Eh ikaw ang pangarap ko e."
Nakakatawa talaga kapag inaalala.
Nakakatuwang isipin na yung immature na yun ay makakagawa ng ganoong mga bagay kapag nanliligaw.
"Margaux! Margaux! Pansinin mo naman ako oh! Tingin ka naman sa bintana niyo! Margaux!"
Sigaw siya ng sigaw sa labas ng bahay kaya lumabas ako.
Nakakagambala na kasi siya ng kapitbahay. Nagdala na rin ako ng payong dahil malakas ang ulan sa labas.
"Ano ka ba naman Timothy! Gusto mo bang magkasakit? Halika nga, pumasok ka't magpatuyo."
Hinila ko siya papunta sa payong na hawak ko.
"Bati na tayo? Sorry na talaga. Hindi ko sinasadya matapunan ng juice yung project mo.
Kung gusto mo papalitan ko project mo, bigay ko na lang sayo bukas basta mapatawad mo lang ako." nagmamakaawang sabi niya.
Hindi ako umimik. Hindi naman kasi birong project yun. Isa kasi yun sa may malaking part ng grade namin non.
Nagulat na lang ako ng bigla siyang tumakbo papunta sa labas.
"Hindi ako sisilong at patuloy na magpapaulan kung hindi mo ako papansinin Margaux. Kaya please?"
Pambihirang lalaki talaga ito! Wala na akong nagawa, kaysa naman magkasakit pa siya.
"Oo na, oo na. Halika na dito. Baka mamaya magkasakit ka pa ako pa sisihin mo."
Baliw na lalake. Hahaha. Pero ang pinakahindi ko malilimutan sa lahat ay nung araw na naging kami. Best day ever!
March 14,2010
Dismissal time. Nagulat ako dahil nagkakagulo sa quadrangle kaya naman pumunta rin ako doon.
Nang malapit na ako, bigla silang humawi sa daanan upang makita ko talaga kung sino man o ano man ang nangyayari sa stage.
Nagulat ako nang makita ko si Timothy doon na may hawak na gitara.
Hindi kami parehas ng pinapasukang school kaya laking gulat kong nakapasok siya dito.
"And here's the girl who makes my heart beats faster. The girl I love more than any other girls out there, Miss Margaux Alejandro."
"Loko ka talaga! Puro ka pambobola!" sabay hampas ko sa braso niya.
"Hindi yun bola, mahal talaga kita Margaux!" pambawi niya naman sa akin.
"Oo na. Naniniwala na. Haha." He really never fail to make me flatter.
BINABASA MO ANG
Napapagod Din Naman Ako
Teen Fiction"Ako'y laging nasasaktan. Puso'y napapagod din naman. Sa dami ng napagdaanan, sana napagtanto naman Bago kita tuluyang sukuan." A/N: This story is already revised from its original. Changed some, add some things. Hope you still enjoy reading ;')