"That was an awesome dinner Jason. Thank you!"
"Nakailang thank you ka na ah? Simple pa lang naman yung nagagawa ko. Hahaha."
"Eh sa pinasaya mo 'ko eh. Basta salamat!"
"Wala yun. So uwi na kita? Taga-san ka ba?"
"Dun sa village malapit dito."
"Frolic Village?!?"
"Uhuh. Bakit?"
"Ahh, wala. Diba may park dun?"
"Oo."
"Dun muna tayo. Okay lang ba?"
"S-sige."
Nagdrive na siya papasok sa village at papunta sa park.
"Bakit gusto mo magstay muna dito?"
pagtataka kong tanong. Wala kasi sa mukha niya ang mahilig sa mga ganiting lugar.
"May naaalala lang ako kapag nandito ako eh." nahalata kong nag-iba siya ng aura. Hindi na yung makulit na side niya.
Malungkot siya.
"Ano? Sino?"
"Yung namatay kong kapatid. Dito kasi kami dati nakatira."
"N-namatay?!?"
"Oo, namatay siya sa sobrang depression. Kaya simula noon, ayokong nakakakita ng babaeng malungkot.
Nasasaktan din ako. Kaya nangengeelam ako kahit sino pa yun."
Ahh, kaya pala ganito siya ngayon.
"Pero alam mo, nasaktan na ako dati dahil sa pagiging pakeelamero ko.
Pinasaya ko si Stephanie. Nahulog ako sa kanya tapos niligawan ko.
Naging kami for half a year. Tapos nahuli ko siyang may kasama sa isang bar, sobrang close nila at ginagawa
ang hindi ko inimagine na magagawa niya sa akin. That time, ako pala yung 'kabit'. One year na pala sila nung lalaki.
Panakip butas lang pala ako tuwing may away sila."
Grabe, yung kakulitan nito. Hindi mo aakalaing naranasan niya na yung ganoong sakit.
At umiiyak na siya. Kaya inakap ko siya. Matagal kaming ganun.
"Sorry. Sige, tara, hatid na kita. Nagdrama pa talaga ako sa harap mo. Nakakahiya."
"Okay lang Jason. Salamat sa pagtitiwala. Hinding-hindi kita sasaktan katulad nung... hay nako.
Tara, uwi na tayo. Tama na, wag ka na umiyak."
Kinaumagahan..
"HOY MARGAUX! GISING NA! MALELATE KA NA!"
sigaw sa akin ng napakababait kong mga kuya.
"Eto na po!"
Bakit ba hindi nag-alarm yung cellphone ko?!? Asan na ba yun?!?
Eto! PM pala nalagay ko -_________________- P A M B I H I R A !
And wow! May 5 missed call. Lahat galing kay Jason. Mayaman talaga , maraming panload. -.-"
And isa pang wow! puro text ni Shayne. At iisa lang ang content..
From: Bes Shayne
MARG! Asan ka na ba?!? Hoy. Dalian mo. (-/|\-)
ANO KAYA ANG NAGYARI? O.O
Weird lang ah? Porket friday ngayon? Hindi naman 13th ah? HAHAHAHA
"Kuya! Una na po ako. Sa school na lang po ako mag-aalmusal!"
BINABASA MO ANG
Napapagod Din Naman Ako
Teen Fiction"Ako'y laging nasasaktan. Puso'y napapagod din naman. Sa dami ng napagdaanan, sana napagtanto naman Bago kita tuluyang sukuan." A/N: This story is already revised from its original. Changed some, add some things. Hope you still enjoy reading ;')