Margaux's POV
After that WONDERFUL happening on stage that day, naging center of discussion kami ni Tim.
Ansaya saya ko, isipin mo yun ipinagsigawan niya sa campus yung pagmamahal niya sa akin. Bato na lang ang hindi kikiligin!
Alam kong agad kong pinairal ang galit ko kaya nakalimutan ko ang pagtitiwala ko kay Tim.
Pero here it is, ayos na ang lahat.
Ngunit sabi nga nila, ang magandang pangyayari ay may kakabit na kamalasan.
Kinausap siya sa principal's office later afternoon after he announced that I'm his girlfriend.
And he don't want to talk about it. He joined the try out on the school's basketball team.
Nang dahil sa naging varsity siyang basketball, hindi niya na ako gaanong nakakasama at nabibigyan ng oras.
Okay lang, naiintindihan ko naman eh. Kailangan niyang imaintain yung grades niya.
Kailangan nilang irepresent ang school sa competitions. Kailangan niya mas lalo na ang magpahinga.
So no choice naman diba? Alangan mag-inarte pa ako edi mag-aaway lang kami at ayoko mangyari yun.
Kailangan everytime we are together, MASAYA!
Akala ko tatagal ako na magtiis sa setting namin na yun.
Na halos isang beses na lang sa isang linggo kami magkausap.
Minsan nga hindi na eh dahil sa sobrang busy niya.
Pero hindi lang naman yun. Napabarkada siya't parang nakalimot siyang may girlfriend siya
kung hindi ako ang unang kikilos.
Akala ko talaga makakaya ko yun dahil MAHAL KO SIYA pero hindi sa lahat ng pagkakataon kailangan mong unawain ang lahat at maparaya.
I reached my limit. I was already taken for granted.
December 6,2011
"Tim." I gained strength to confront him SERIOUSLY at last. "Ano?!"
He looked annoyed and disturbed but I still continue.
"Wala ka ng oras sa akin. Simula nung naging varsity ka. Nung makatropa mo sila Arman, Steven.."
I started mentioning the things I hate. "Yan nanaman ba Margaux?!"
Alam kong yan ang sasabihin niya. Ilang beses ko na 'to nasumbat sa kanya pero nakakapagod na rin kasi talaga.
"Pero kasi—" "Wala na akong oras sayo? Na mas pinapahalagahn ko na barkada ko at lagi kong mas gusto
silang makasama kaysa sayo? Na natutuwa pa ako kapag nakikipag-usap sa akin ang miyembro ng cheerleading team?
Please naman Margaux" Pinutol niya agad ang sasabihin ko.
"Tama naman ako ah! Wala ka na talagang oras sa akin. Isa pa, ako na lang palagi ang nag-aapproach sayo.
Palagi ka pang may kasamang ibang babae dyan na cheerleader. Paulit-ulit na lang tayo.
Alam mo naman palagi yung rason kung bakit ako laging nagkakaganito pero bakit ginagawa mo pa rin? Ha?"
"Masama bang makipagkwentuhan. Marg, ang kitid naman ng utak mo." binrush niya yung buhok niya using his hands harshly.
"Tim, if you were in my place.. If you are just in my place.. you'll know how it feels." naiiyak na ako but I don't want him to see me like this.
"Marg, tigilan mo nga muna ako sa kadramahan mo.." nakatitig lang siya sa akin. Yung mata niya puno ng galit at pagkainis.
"Timothy." I will try it again this time. "ANO?!?"
"Magdodota ka nanaman ba after niyo maglaro?"
"Ha?! Oo. Syempre. "
"Tim, tandaan mo. " Kailangan ko na 'tong sabihin sa kanya. Baka sumabog na ako kung hindi pa.
"ang alin?!" halata ko sa galaw, tingin at pananalita niyang sobrang naiinis na siya pero doble yung nararamdaman ko.
"NAPAPAGOD DIN AKO. Tim, NAPAPAGOD DIN AKO."
Ako na nagpaparaya tuwing may away. Ayokong isipin na natetake for granted na ako.
That feeling being remembered when you are last on his list. Ayokong isipin na wala na akong halaga sa kanya.
I must be the one being taken care of, the one that must receive efforts and the likes but NO.
Masakit isipin na all I want is just a simple talk, to have even a pinch of his time.
Mukha na nga akong nanlilimos eh. Kahit na palagi akong sinasabihan ng "TANGA" ng bestfriend ko.. siya pa rin talaga.
Ika nga nila, lahat ng bagay nawawala lalo na kapag hindi iniingatan pero hangga't kaya ko hindi ko siya iiwan.
Ayoko siyang iwan pero yung kilos niya tinutulak ako sa punto upang sumuko na ako.
Minsan iniisip ko, "baka wala na talaga at kailangan ko na siya pakawalan"
pero tumutuloy yun sa conclusion na "mahal ako nun. mahal na mahal."
Parang niloloko ko na yung sarili ko noh? HA HA HA.
I got the feeling of being unloved. Doubts start to form on my mind..
I am confused kung tutuloy pa ba ako? o isusuko ko na lang?
Parehas akong masasaktan kahit ano dun sa dalawa. I just have to choose the better one.
Timothy Montenegro, hangga't kaya ko.. hindi kita iiwan. Mahal na mahal kita.
BINABASA MO ANG
Napapagod Din Naman Ako
Teen Fiction"Ako'y laging nasasaktan. Puso'y napapagod din naman. Sa dami ng napagdaanan, sana napagtanto naman Bago kita tuluyang sukuan." A/N: This story is already revised from its original. Changed some, add some things. Hope you still enjoy reading ;')