Nagising ako ng walang zane sa tabi ko. Wala na ko sa panaginip ng nakaraan. I'm now in the present.
May pasok pa pala ako. I need to get ready.
Papasok palang ako ng elevator ng tawagin ako ni troy kaya napalingon ako. Nginitian ko lang sya.
"Hi zhar, good morning."
"Good morning din troy." natatawang bati ko.
Nagtataka ako kung bakit hindi sya ung head ng financial management team kaya tinanong ko sya.
"Wala lang, nagdecline ako sa position. Auko ng masyadong mastress. High position, high responsibility."
Sasagot sana ako na mas malaki ang sahod kung tinanggap nya pero naalala ko mayaman pala sila. Tsaka loko din tong si troy. Nong highschool kami puro paglalaro lang din alam nito. Hindi nagseseryoso.
Sabay kaming pumasok ng elevator ng bumukas ito. Napailing lang ako kay troy.
"Woy, may business na din kasi ako noh. Baka akala mo walang patutunguhan tong buhay ko. Saling kitkit lang ako dito. Minsan nga lang ako pumasok eh. Pero ngayong andito ka, dadalasan ko na."
Natawa lang ako, buti hindi tinatanggal tong si troy.
Pumasok na ko agad ng opisina ko at nakasunod pa rin si troy. "Kumain ka na ba?" tanong nya.
"Hindi pa."
"Kain tayo."
"Sige." inayos ko muna mga gamit ko bago lumabas.
Kung ano ano nanamang kinukwento ni troy sakin.
"Nagkita na ba kau ni zane?"
"Oo."
"Anong sabi nya?"
"wala"
"Bakit wala?"
"Kailangan bang may sabihin sya?"
"Oo naman, ang tagal nyong hindi nagkita eh."
"Ano naman? wala na kami ng umalis ako at alam mo yon."
"Hayss ewan ko senyo."
Nakita naming dumaan si zane kaya tinawag sya ni troy. Hala close na ba sila?
"Zane kumain ka na ba? sabay ka na samin."
Nanlaki ang mata ko ng biglang yayain ni troy si zane. Parang gusto kong tumakbo.
"Hindi na. Kumain na ko. Kayo nalang."
Ngumisi lang si troy at niyaya na ko sa cafeteria. Kumuha na kami ng pagkain at naupo.
Kanina pa iling ng iling si troy kaya tinaasan ko it ng kilay.
"Anyayare sayo?"
"Alam mo, miss ka nun ni zane."
miss daw? eh parang wala lang ako sa kanya."Ako? miss nun? tss. Tsaka kung miss ako nun, wala akong pake. Damn him."
"Huwaw zhar ah. Lakas." inirapan ko lang sya.
"Di mo ba sya namiss?"
"Not at all." tumango tango lang si troy sa sinabi ko.
"Okay, sabi mo eh." yong tono nya para bang hindi naniniwala. Pinagtaasan ko lang sya ng kilay.
After naming kumain bumalik na kami sa office ko. Sinamahan pa ko ni troy sa loob.
Nasa kalagitnaan ako ng trabaho ng biglang mag vibrate ang phone ko. Tiningnan ko muna iyon at pinagsawalang bahala. It's a text from an unknown number. Di na ko nag abala pang tingnan kung ano ang laman ng message.
YOU ARE READING
Underneath the Moonlight
Novela JuvenilA love witnessed by the moon. A creation by @Pretty_Verde