Naalimpungatan ako ng may maramdaman akong tumalsik na tubig sa mukha ko. Pagbukas ko ng mga mata ko ay tumambad sakin ang nakangiting mukha ni zane, na may hawak na tabo? Putakte winisikan ako ng tubig ni zane, urghh.
"Good morning zhar!" nakangiting bati ni zane sakin ng maupo ako habang pinanlilisikan sya ng mata.
"Bat ba naman nambubulabog ka?!"
"Wala bang good morning din jan?"
"Walang good sa morning! Inisturbo mo lang naman ang napakaganda kong panaginip, leche ka!"
"Ano ba yang panaginip mo? oh flowers nga pala." sabay abot sakin ni zane ng isang tangkay ng rosas. Di ko manlang napansin na meh hawak pala syang bulaklak.
Kinuha ko muna yong bulaklak na inabot nya. "Tss, anong kalokohan naman to aber?!"
"Kalokohan ka jan. Nanliligaw ako zhar." taas baba pa ang kilay nya habang nagsasalita. Di mo manlang mahahala ta na kinakabahan sya sa boses nya. Napababa ang tingin ko sa mga daliri nya, nanginginig? pfft. Engot.
"Gala tayo." yaya ko.
"Arat, yon nga yong ipinunta ko dito eh."
"Ayos mo pala manligaw noh!"
"Shempre" nagmamalaki pang sabi nito.
"Nanwiwisik ka ng tubig." napakamot lang sya sa ulo nya habang ako ay dumiretso na sa banyo.
After kong maligo ay lumabas na ko ng bathroom. Naabutan ko pa si zane na nanonood sa entertainment area ng room ko. Napalingon sya ng makalabas ako ng banyo at bigla ring umiwas ng tingin. Tss, nakabath robe naman ako eh. Pumasok na ko sa walk-in closet ko at nagbihis.
Pagkatapos ay dumiretso ako sa powder area ko at ginawa kung ano mang ritwal pa ang ginagawa ng isang babae. Kasalukuyan na akong naglalagay ng lipitint ng patayin ni zane ang tv at lumapit sakin. Pinanood nya lang ako maglagay. "Gusto mo?" tanong ko. Tumango naman sya. "Luh, asa ka!" dagdag ko sabay tawa. "Charot, halika lapit ka pa. Lagyan kita." kaya dali dali syang lumapit.
Nakatitig lang sakin si zane habang nagcoconcentrate ako sa paglalagay ng tint sa labi nya. "Ganyan ka ba dapat tumitig sa labi ko?" tanong nya na tinawanan ko lang.
"Wala kong planong halikan ka, tss. Gusto mo bang lumagpas to? osige di ako titingin."
Nang matapos ko syang lagyan ng tint ay pinakalat ko sa kanya.
Nagspray na ko ng perfume bago sya yayain palabas. Magmomotor lang kami ulet. Di ko nakita parents ko kaya kay manang joy nalang ako nagpaalam.
---
Ilang buwan na kong nililigawan ni zane. Ganun pa rin naman kami sa isa't isa. Walang pinagbago. Di kami nagkakailangan. Komportable pa rin kami sa isa't isa. Magkaibigan pa rin.
Palagi akong masaya pag kasama ko si zane. Lagi ding hindi normal tibok ng puso ko pag malapit sya. Basta kakaiba ang feeling pag nanjan sya. I think I'm falling for him?
Bermonths na ngayon.
Andito nanaman kami ni zane sa classroom nagkukulitan. Wala pa kasing teacher.
"Kelan mo ba ko sasagutin kasi zhar? tagal ko ng nanliligaw sayo eh."
"Tss, parang di ka naman nanliligaw eh."
"Ewan ko sayo, pinapahirapan mo ko. Sabi ni troy liligawan ka daw din nya."
"Ows? close kayo? kelan nya sinabi?"
YOU ARE READING
Underneath the Moonlight
Fiksi RemajaA love witnessed by the moon. A creation by @Pretty_Verde