Chapter 9

3 0 0
                                    

Three months ko ng iniiwasan si zane. Nong first two months niyayaya pa nya ko sa kung saan. Pero todo tanggi ako. Naninilikado ang puso ko pag malapit sya.

Tapos nong ngayong buwan na ay wala na kong matanggap na text mula sa kanya. Nakahinga ako ng maluwag dahil mukhang suko na sya pero parang nakakaramdam ako ng panghihinayang. Hayss, hayaan na nga.

Nasa kwarto ako ngayon nanonood ng kdrama. Wala naman na akong madaming tatapusin bukas kaya medyo maluwag ang oras ko bukas. After lunch nalang siguro ako papasok bukas. Nakaupo ako sa coach ko ngayon habang tutok na tutok sa tv. Pinause ko muna ung pinapanood ko at bababa sana para kumuha ng pagkain ng may marinig akong ingay sa terrace ko.

Agad akong tumakbo papunta dun at wala naman kakaiba. Napatitig muna ako sa buwan bago ko mapagpasyahang pumasok sa loob. Nakakaisang hakbang palang ako ng may humigit sakin at yakapin ako patalikod.

"I miss you so so much zhar." nanigas ako sa kinatatayuan ko ng marinig ang boses ni zane. Nanuyo ang lalamunan ko at di ko alam ang gagawin ko. Gusto kong kumawala pero mas nangingibabaw ang pangangailangan kong maramdaman ang mga yakap nya.

Simula ng umalis ako, ngayon ko nalang ulet naramdaman ang yakap nya. I badly miss him too.

"When I first saw you again after all those years, I feel like I wanna hug you so tight. I wanna have you in my arms again but I know that I can't. I'm having thoughts that maybe you don't want me anymore. You don't love me anymore. Zhar, I didn't sleep that night. Mulat lang ako kakaisip kung pano tayo babalik ulet sa dati. I miss you, I miss us zhar. Nong umalis ka, nagsisi ako ng sobra zhar. Gusto kitang sundan pero pinigilan ako nila tito't tita. Nangako daw sila sayo na di ako payagang sundan ka. Nagtiis ako zhar, naghintay ako. Ilang years ang hinintay ko. I feel like giving up. Akala ko makakalimutan kita agad pero hindi. I really can't forget you. I'm really into you, I'm still into you. I still love you zhar."

Tumingala lang ako habang pinipigilang lumabas ang mga nagbabadyang luha sa mga mata ko. Nakatitig lang ako sa buwan. Ramdam ko ang pamamasa ng damit ko. Umiiyak si zane, tss.

Pero di ko pa rin makalimutan ang naging dahilan ng pag alis ko. Pag naaalala ko nasasaktan pa rin ako.

°°°
Grade 12 na kami nila zane at naging close na rin kami sa mga classmates namin. Wala pa ring pinagbago ang samahan namin. Para pa rin kaming mga abnoy na ewan. Lagi pa rin kaming magkasama. Napapagkamalan nga kaming magjowa ni zane eh.

18 yrs. old na ko kaya pwede na ko magdrive yehey. Nagttook na ko ng driving lessons.

Magkasama nga pala kami ni zane ngayon, sasama nya daw ako sa madalas nyang puntahan na lugar. Nagmotor lang kami. Nang huminto si zane ay nagulat ako ng makita kung saang lugar yong tinutukoy nya. Hala, dito ako iniwan nila mommy dati eh. Dito ako nakita nila ate marah at kuya shawn. At, dito ko din nakilala ang batang si z-zane? Napakunot agad ang noo ko kay zane ng may maisip ako. "Anong ginagawa natin diti?" tanong ko.

"Nong bata ako, nagbakasyon kami dito nila mommy. Then, dahil sinusundan ko yong moon nawala ako. I meet a girl here that night. I find her cute. She's pretty," nakangiti pa si zane habang nagkkwento. Natatawa ako kasi sya lang pala ung batang crush ko dati. Wala manlang syang kaalam alam na yong pinagkkwentuhan nya ay ang batang tinutukoy nya. "Bata palang ako pero feeling ko naging crush ko sya agad," napangiti ako dahil di lang pala ako ang nagkakacrush sa kanya nong mga panahong yon. Sya rin pala mwehehehe. "Natatawa ako sa sarili ko kasi nangako ako nun sa buwan na liligawan ko sya pag laki namin." napatitig lang ako kay zane habang nagkkwento sya. I find it weird kasi ang bilis ng tibok ng puso ko habang nakatingin sa kanyang magkwento. "Pero sa kasamaang palad, after nun di na kami nagkita. Di na kami bumalik dito nila mommy. Tas di naman ako pwedeng bumiyahe dito mag isa. Kaya alam mo ba nung mag 18 ako tas regaluhan ako ni dad ng motor, pumunta ako dito agad. Kaso hayss di ko na sya nakita. Lagi akong bumabalik dito pero wala talaga. Sabagay baka nakalimutan na rin ako nun. Ilang years na din ang lumipas bago ako makabalik dito eh." engot talaga neto. Hanggang ngayon naaalala pa rin kita zane noh. Binatukan ko sya agad pagkatapos nyang magkwento.

Underneath the MoonlightWhere stories live. Discover now