Para Sa Hopeless Romantic XXXIII

9.9K 182 16
                                    

[Author's Narration]

"James...I love you." mariin lang na nakatingin sa kanya si James na tila di makapaniwala sa narinig."Simula pa noong mga bata pa lang tayo.But James,ang manhid manhid mo!" napipiyok na pagpapatuloy ni Nadine.

Di niya alam kung saan siya humugot ng lakas ng loob para umamin kahit di pa siya handa.After that,di na niya nagawa pang magsalita.Hinayaan niya na sa pagtulo ang mga luhang pilit niya pang pinipigilan kanina.

Si James naman nanlambot ang mukha at damdamin habang nakatingin kay Nadine.Nawala bigla ang lahat ng inis at sama ng loob niya simula pa kaninang in-announce ang kasal nila ng kaibigan.Gusto niya sanang yakapin at patahanin sa pag-iyak ang dalaga ngunit mas pinili niyang manahimik.

Hindi naman sa ayaw niya kay Nadine.Kahit sino namang babae ang iharap sa kanya ng ama ay talagang tututol siyang pakasalan ito.Kanina nga ay hindi niya nagawa ang pinlano na ipahiya ang sarili sa harap ng pakakasalan nang malamang si Nadine iyon.Noong hindi niya pa nakikilala ang mapapangasawa ay galit na siya dito ngunit nang makita niya ang kaibigang si Nadine,parang nagbago na ang pananaw niya.Hindi niya magawang magalit dito.Pinili niya na lang na hindi kumibo habang nag-uusap ang parents nila.And besides,parang gumaan pa nga ang pakiramdam niya nang masilayan ang magandang mukha ni Nadine na naghihintay bilang future-wife niya.Gayunpaman,ayaw niya pa ring magpatali lalo na't pinsan ni Nadine si Ericka.

His beloved ex who left him.

But now,hindi na niya alam kung anong gagawin niya after ng pag-amin ni Nadine.Ayaw niyang mag-asawa pero mas ayaw niyang saktan ang kaibigan.

Ilang sandali pang namayani ang katahimikan nang bigla uling pinaandar ni James ang sasakyan.

Akala ni Nadine ay ibabalik na nito siya sa unit niya ngunit dumeretso lang sila sa direksiyong dinadaanan nila kanina.

"San mo ko dadalhin? Diba sabi ko sa'yo ayaw kong sumama!?" pagtataray ni Nadine habang nagpupunas pa ng mga luha.

"You're my fiance right? We're going on a date tonight." seryosong wika ni James na ikinagulat ni Nadine.

"H-huh? Date?" nawala na naman ata siya sa sarili niya.

"Yeah,we're now officially engaged so we must celebrate." nakangiti pang sagot nito na akala mo hindi against sa kasal kanina lang.

Gusto na sanang kiligin ni Nadine sa sinabi ni James.Masarap nga naman iyong pakiramdam lalo na't sa bibig mismo ni James nanggaling na fiance siya nito,na engaged na sila.

Pero di pa rin maiwasan ang paglipana ng negative thoughts sa isip ni Nadine.

"H-Hindi naman kita pinipilit na ituloy ang kasal eh.At kung naawa ka lang sa--"

"I will marry you."

Saglit na natigilan si Nadine.

"How about Ericka?" nag-aalalang tanong nito saka umiwas ng tingin.Hindi niya alam kung bakit niya pa naisipang itanong iyon gayong alam naman niya na maaari siyang masaktan sa magiging tugon nito.

Hindi agad nakasagot si James.Kailangan niyang maging maingat sa pagsagot para hindi masaktan si Nadine.Sa totoo lang,wala pa talaga siyang plano.Pero siguro kailangan na talaga niyang magdesisyon ngayon.

"We're done,sa kanya na mismo nanggaling yun." halata sa boses nito ang hinanakit.

"But you still love her." hindi pa rin maalis sa isip ni Nadine ang mag-alala.Dapat nga ay di na niya inuungkat ang tungkol kina James at Ericka,dapat matuwa na lang siya na di na pipigilan ni James ang kasal.

Para Sa Hopeless Romantic [Jadine Fanfiction]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon