Para Sa Hopeless Romantic XXIV

7.6K 163 9
                                    

[James' POV]

Inihiga ko na si Nadine sa kama ko.Yep,sa kama ko kasi sa kwarto ko siya dinala.Nasa dulo pa yung mga mga guess room at pakiramdam ko di ko na kaya pang  pumunta dun bitbit si Nadine.Nahihilo at nanlalabo na ang paningin ko tsaka ang bigat ni Nadine! Hindi halata sa katawan niya ang weight niya.

Umunat-unat muna ako at binagsak na ang sarili sa higaan,sa tabi ni Nadine.Nilingon ko siya,tulog mantika pa rin.Sana lang di tumulo ang gabalde niyang laway sa kama ko.Hindi ko na siya pabibihisin kasi wala naman akong babaeng katulong dito,ako lang mag-isa.And I think I can't manage na punasan pa siya sa kalagayan ko.

Maya-maya humilik na siya,pero mahina lang.Natawa lang ako saglit.Iba na nga siguro siya kapag gising pero bumabalik pa rin ang dating Nadine kapag tulog.

Binalingan ko ang phone ko na kanina pa nagba-vibrate,hindi ko lang pinapansin.

Pagbukas ko andami na palang Missed Calls at Texts.Shit! Nakalimutan kong itext sila kanina na umuna na kami,pati yung kotse ko at kay Nadine naiwan pala.

So I texted Aj kahit na nanlalabo ang paningin ko at gusto ko na ring magpahinga.Gusto kong wala na akong aalalahanin pa bago mag-umaga.

"James...?" Natigilan ako nang marinig ang boses ni Nadine. "Are you still there?" tanong niya pa habang nakakunot-noo at nakapikit pa rin.

Gising ba siya o nagsasalita nang tulog?

"Yeah.." sagot ko na lang at marahang pumikit.Naramdaman kong umusog siya palapit sakin at bigla akong niyakap,yakap na parang dantay lang.Binuksan ko ulit ang mga mata ko at nakita siyang nakangiti habang natutulog.

Hobby na ba niyang ngumiti habang natutulog? Ganyan din siya nung nasa sinehan kami eh.

Minasdan ko lang ang maamo niyang mukha.She's really beautiful.Bulag lang 'di makakapansin nun.Di na ko nakatiis at pinisil ko ang pisngi niya.Napakunot-noo siya sa ginawa ko at inayos ang pagkakayakap sakin.Medyo nawala bigla ang antok ko habang pinapanood siya.I'm enjoying this.

Humarap na ko sa kanya dahan-dahan para di masyadong magalaw ang kamay niya.Inangat ko muna nang kunti ang ulo niya at ipinaunan ang isang braso ko at nilaro-laro ang buhok niya.Gusto ko pa sanang pisil-pisilin ang pisngi niya kaya lang baka mapatay niya ko sa panaginip.

I heard her moan at mas lalong lumapit sakin.Kunti na lang at magkadikit na talaga kami.

"Nadine..." I called her name almost whispering.

"Hmmm..?"  she managed to answer.That means hindi pa pala siya tulog.

"I missed you.." I told her in a sincere voice.

Ngumiti lang siya nang hindi minumuklat ang mga mata.

"Ako rin...sobra!" she answered.Nagulat ako nang bigla niya kong dantayan ng paa.Ang likot! Nakangiti pa rin siya kaya nahawa na lang ako.

Maya-maya ako na mismo ang kumuha sa kamay niya at hinila siya palapit pa sakin.Sobrang dikit na namin but I don't care! Ngayon ko lang naramdaman kung gaano ko namiss ang babaeng to.Hinigpitan niya ang pagkakayakap sakin and niyakap ko naman siya pabalik.Hindi na awkward saming magkaibigan ang ganito sa sobrang close namin sa isa't isa since then.

Hindi pa ko nakuntento at ibinaon ko ang mukha ko sa leeg niya and smelled her sweet scent kahit na medyo may amoy pa rin ng alak.Inaamoy ko lang siya na parang adik na sumisinghot ng drugs.Narinig ko yung mahina niyang tawa.

"James,nakikiliti ako! Umusog ka nga!" she says between laughing.

Napangiti lang ako nang malapad pero di pa rin inaangat ang mukha ko.

"Ayoko."

-

[A/N: Tuwing gabi lang ako nakakapag'gawa ng ia-update kasi may pasok na kaya mabagal :"> Pasensya na po at thank you sa mga nagtitiis! :*  Try to read Nadz Maldita,one of my works also.Completed na rin like PNE kasi isahang post lang yun,tapos na bago pa man nipost ;) ]

Para Sa Hopeless Romantic [Jadine Fanfiction]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon