Para Sa Hopeless Romantic XVIII

10.8K 176 2
                                    

[Nadine's POV]

"Whaaaaat!?" sigaw kagad ni Yassi sa kabilang linya nang sabihin ko sa kanya yung napagkasunduan namin ni Ericka.She's a friend at mapagkakatiwalaan naman siya kaya di na 'ko nag-alangan na sabihin sa kanya."Bakit ka naman pumayag!? I know you,hindi ka basta-basta pumapasok sa ganyang kaechosan sa buhay!"

"Hindi naman ako agad-agad pumayag noh! Siyempre,pinsan ko si Ericka and I really want to help her." depensa ko

"Yun lang ba talaga ang dahilan? Or baka naman,dahil si James ang ex niya kaya ka pumayag?" she teased.Di ako nakasagot sa tanong niya.Napangiti lang ako mag-isa dito sa kwarto na parang shunga.Matagal akong di nakasagot kaya nakaisip kagad siya ng conclusion."So...totoo nga!? OMG Nadine! All these years!? You still like him? Aba,ilang taon na tayong walang komunikasyon sa kanya.At ilang taon na rin siyang nasa ibang lupalop!" she continued kahit di pa ko nakakasagot.

"Yass,everytime I give love, I use my heart not my eyes,so distance is not the reason to forget a person." I reason out "Pero syempre,dagdag na yung kapogian niya!" pahabol ko.

"Eh malay mo pangit na siya ngayon kaya ayaw na sa kanya ni Ericka!?"

Hindi ko pa pala nasabi na nagkita na kami at nakabalik na siya sa Pilipinas.

"No! You won't believe this,ang macho na niya ngayon at di na siya totoy tingan! Mas pumogi pa siya kumpara dati,kaya nga di ko na pinakawalan ang opportunity!" depensa ko.Ha!Si James? Pangit? Para na rin niyang sinabi na mabango ang tae.

"Weh? Pano mo naman nalaman yan? May pinakita sayong picture niya si Ericka?"

"Nope,ito nga ang dahilan kaya ako napatawag.I just met James yesterday.Nakabalik na siya ng Pinas."

Napatahimik saglit si Yassi sa kabilang linya."A-ano? Is that true? Kailan pa? Bakit di namin alam!?"

"Di ko alam,sinabi lang rin nga sakin ni pinsan.Bumalik lang naman siya dito para kay Ericka." sagot kong may bahid ng selos."Tsaka in-invite ko pala siya kanina na makipagkita sa inyo,as reunion na rin mamaya! Pero sinabi kong ikaw ang nag-invite.Mukhang excited din naman siyang makita ulit kayo,kaya wag nang magtampo."

"Hindi naman ako masyadong nagtatampo noh? Baka ikaw jan." sagot niyang natatawa.Alam ko namang ako ang pinakamatampuhin samin.

"Hindi noh! Nakamove-on na ko sa tampo na yan! Nakapagbonding na nga kagad kami sa first meet-up again namin! Kwento ko sa'yo mamaya." sabi kong nakangiti at nagmamalaki sa kanya.Ang makasama ang isang James Reid,maipagmamalaki talaga!

Sinabi ko na kay Yassi ang place at naplanuhan na rin namin ang exact time afterwards.Siya na bahala magsabi sa iba pa,since siya naman kunwari ang nag-invite.Tinext ko na rin si James for the info.It's good to have a friend like Yassi para sumuporta sakin.Sana nga lang makatulong ang pagbabonding namin para makalimutan na ni James si Ericka aside sa misyon kong akitin kuno siya.

Tumayo na ko mula sa pagkakahilata sa kama at pumili ng isusuot ko mamaya.Dapat laging attractive ako sa paningin ni James! After pumili inayos ko na at sinimulang ayusin naman ang sarili ko...

for tonight's reunion ;)

-

edited.To be continued...
xoxo

Para Sa Hopeless Romantic [Jadine Fanfiction]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon