Drama

10.8K 251 19
                                    

[Nadz' POV]

So..where's our next destination?" nakangiti pa ring tanong niya sakin.

Waaaaah! Mukhang may energy na siya at plus! Inakbayan niya ko! Nakaakbay siya sakin!

^///////^

"Sa footwear shops tayo!"

-

Namili lang ako ng mga sandals habang si James tumitingin ng sapatos sa kabila.Sa totoo lang,wala naman akong balak bumili ng kahit ano ngayon.Gusto ko lang makasama si James.

Then biglang lumitaw ang isang bombilya sa taas ng ulo ko nang makita ang red high-heels,mga 3 inch ata yun.Pinakuha ko yun sa saleslady at sinukat.

Okay Nadine,it's showtime!

"James! Look! Maganda ba?"

Nabaling ang atensyon niya sakin.Tumayo ako,suot-suot pa din yung sandals,at naglakad palapit sa kanya.Pero nung mga isang ruler na lang ang layo namin,sindya kong patampilukin ang paa ko sa suot kong high-heels.

At sa isang iglap nakakapit na ko sa kanya habang siya,nakayakap sakin!

Yes! Success! Gumana ang plano ko!!

:">

"Nadine? Are you okay?" puno ng pag-aalalang tanong niya sakin.

Yes James! Okay lang ako! Okay na okay na ko sa bisig mo dahil okay ang plano ko!

"A-aray..James,masakit ang paa ko."

Sige Nadine! Arte pa mooore!

"Tsk! Dapat kasi mga flat sandals lang ang sinusuot mo.Patingin nga,san banda masakit?"

Umupo siya para icheck ang paa ko habang yung isang kamay niya nakaalalay pa rin sa bewang ko.

Kiyaaaaah! Ang sweet sweet naman ng mahal ko!

Tinanggal niya yung suot kong sandals at bahagyang minasahe yung paa ko.

Eeeh! Feel na feel ko yung kamay niya sa paa ko! Dapat pala natatampilok na lang ako araw-araw kung ganito ba naman ang magmamasahe sayo.

"Masakit pa rin ba?"

"M-medyo."

"Kaya mo pa bang maglakad?"

"S-siguro..kakayanin ko."

Ay bongga! Nadine,ang galing mo talagang umarte.

Tumayo na siya pero inaalalayan pa rin ako.Nakita kong kanina pa pala nanonood ang saleslady samin at medyo nakataas pa ang isa niyang kilay.

Hmp! Inggitera! Mamatay ka sa inggit XP

"San mo gustong pumunta?" tanong niya sakin habang inaalalayan ako sa paglalakad.

"Uhm..kahit saan na lang." medyo may arte ko pa ring sabi.

"Okay,let's go watch a movie?"

Sumilay ang ngiti sa labi ko pagkarinig sa sinabi niya.I have another idea.

"Sure! A horror movie please."

-

[A/N: Cut! Abangan ang susunod na kabanata ;) ]

Para Sa Hopeless Romantic [Jadine Fanfiction]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon