Chapter 8

56 22 11
                                    

LITERAL na nanlaki ang mga mata ko sa narinig. I don't know if he's serious or not. Gaganti ba siya para patas kami? Siguro. He's Kayden Zachary Greyson at alam kong hindi niya mapapalampas ang ginawa ko sa mukha niya.

"Wow! Tapos gagawin mo akong slave, gano'n? Tsh, ganyan nalang lagi 'yong tipikal na nangyayari. Kaumay!" reklamo ko pagkatapos makabawi sa pagkagulat.

"Hm.." he raised his chin up at tila ba lutang na lutang sa pag-iisip. Pagkatapos ay nakangisi siyang tumingin sa akin ulit. "Not just a slave...

"....but a sex slave," he grinned devilishly making me feel goosebumps right away.

"ANTIPATIKONG MANYAK!" inis kong sigaw at sinakal naman siya sa leeg. Dahil pinalad siya sa pagkasapak ko, sisiguraduhin kong hindi na siya papalarin ngayon sa sakal ko.

"S-Stop i-it. F-Fuentebella —" Mas lalo ko pang diniinan. Hindi ko pinapakinggan ang hinanaing niya. Manigas siya dyan.

"Gwapo naman." saka pa ako nabalik sa reyalidad nang magsalita siya. SAYANG. Imagination ko lang pala 'yong pagkakasakal ko sa kanya. Akala ko pa naman totoo na 'yon. Tsh! Ang sarap palang pumatay ng tao sa isip.

"Spell ASA!"

"A.S.A. Bakit?" inosente niyang sagot, with matching nakakunot pa ang noo.

"Ay tanga. Wala."

-

"Hand me my tumbler." tinaasan ko siya ng kilay. Anong akala niya sa akin, maid niya rito? Kung tutuusin, abot nga niya ang pinaglagayan ng tumbler e dahil katabi lang rin ng kama niya ang side table na pinaglagyan.

"Mas malapit sa 'yo kaya kunin mo." Inirapan ko siya. Paano ba naman kasi nakapandekwatro ako ng upo sa sofa which is nasa right side tapos ako pa uutusan niya na kunin yo'ng tumbler niyang nasa left side naman. Tsh, gaguhan lang?

"Responsibilidad mo na ako kaya dapat sundin mo." his husky voice becomes even colder. Hindi nalang rin ako nakipagtalo para makauwi na rin agad.

Inis akong tumayo at kinuha 'yong tumbler niya na pwedeng-pwede niya namang maabot. Tamad lang siya. Ang galing niya lang talagang mang-inis e no?

Marahas kong itinapon 'yon sa kanya. Buti nalang at mabilis ang reflexes niya kaya't nasalo niya rin agad. He even glared me bago umupo ng dahan-dahan sa kama.

Habang umiinom siya ay napapatingin ang mga mata ko sa pagtaas-baba ng Adam's apple niya. I can't deny the fact that he looked sexier while drinking it all.

"Towel," bigla niyang sabi.

"Oh?" taas-kilay kong tanong. Kainis! Ako na naman ba uutusan niya dito?

"Give me my towel." he's still with his cold voice and expression. Ano kayang pinaglihi ng mom ni Demon sa kanya at ang moody ng anak niya.

"May kamay ka naman kaya 'wag kang tamad. Mas madali mo pa ngang makuha kumpara sa akin e. Tanga lang?"

Ako talaga ginigigil niya ah! Nasa tabi lang naman niya ang towel! Nasa mismong kama lang niya! Tang'na tapos ako pa uutusan niya para kunin 'yon?

"Being my slave.... or sex slave?" seryoso niyang tanong sa akin. Natigilan ako saglit dahil tila nag-loading sa utak ko ang mga salitang binitawan niya? Ano raw?

"GAGO!!!" sigaw ko nang makabawi sa matinding katahimikan. Umupo ako sa kama niya saka siya pinaghahampas-hampas. Panay takip naman siya ng kamay sa bandang mukha niya. Hindi pa ako nakontento at pumatong ako sa kanya para mas malakas ang pagkakahampas ko.

Hindi naman ako papayag na sigawan lang siya no, kaya with matching hampas pa 'yon sa kanya. Take note, I did it hard. Panay reklamo at mura naman siya. Now I'm sure hindi na sa imagination ko 'to nangyayari. It's real.

Nagulat nalang ako nang bigla akong hilahin ni Demon dahilan para matumba ako palapit sa kanya. Nanlaki ang mga mata ko ng magkaharap ang mukha naming dalawa. Kasalukuyan siyang nakahiga habang nakapatong naman ako sa kanya. Hindi agad ako nakagalaw. He's looking at me intently with his serious expression. Ngayon ko lang nakita ng sobrang lapit ang mukha ni Demon.

He's absolutely handsome—pero wala pa rin akong pakialam. Boys will be boys. At kadalasan sa mga gwapo, manloloko. Hindi ko na kailangan ng pruweba para sa isang 'to dahil ilang beses ko na siyang nakitang nagpaiyak ng babae.

"WHAT IS THE COMMOTION HERE?!" gulat akong tumayo ng marinig ang maotoridad na boses ni Mr. Greyson. Muntik pa nga akong mahulog kung hindi lang ako nahawakan agad ni Demon.

"Clumsy," mahinang aniya bago bitawan ang kamay ko. Mabilis pa sa reply niya sayo ang pagbaba ko sa kama papuntang sofa.

"Mr. Greyson," tanging nasabi ko lang pagkaharap ko sa kanya. He's really serious. Kung hindi lang ako si Chloe Fuentebella, kanina pa siguro akong nag-passed out dahil sa lamig ng titig niya.

Kumunot ang noo ko ng makitang unti-unti na siyang ngumingiti. Hanggang sa bigla nalang siyang tumawa. Sobrang lakas na tawa. Gaaaad! May sa demonyo yata ang pamilya nila.

"I never thought you'd be this speed, son. Nakalimutan mo na yata 'yong palagi kong bilin sa 'yo. Never—"

Biglang sumingit si Demon. "Never rush things. Everything perfect will surely happen, at a right place, right time, and with the right person. Alam ko na 'yon dad."

Tumawa lang si Mr. Greyson bago nagseryoso ulit. "Btw, what's the relationship between you two?" bahagya akong sinulyapan ng dad niya bago tingnan ng matiim si Demon.

Bigla akong kinabahan sa hindi malamang dahilan. Pero ang ekspresyon ni Demon, hindi man lang nagbago.

His cold eyes met mine again in an instant, making my heart beats even wilder and wilder. Ewan ko ba kung bakit biglang naging abnormal ang tibok ng puso ko. Kinakabahan ba ako? Pero bakit?



"She's my girlfriend, dad. And we've already planned living together." pakiramdam ko biglang nag-slow motion ang lahat. Pakiramdam ko biglang huminto ang tibok ng puso ko panandalian.

Gaaaad! What have you done, Demon?

Break the Bad BoyWhere stories live. Discover now