Chapter 10

47 12 3
                                    

“SAAN ka pupunta?” natigilan ako nang marinig ang boses ni Mav. Ngayon niya pa lang ulit ako kinausap.

Nilingon ko siya at nakitang hindi naman siya nakatingin sa akin. Nakahawak lang siya ng isang tasa ng tsaa sa kaliwang kamay at magazine naman ng mga sikat na modelo sa kanan.

Alixsha's

Iyan lang ang nabasa ko sa cover page nito sapagkat natatakpan ng kanyang kamay ang kasunod.

Akmang aalis na ako nang magsalita siya ulit. “Ashanti.” tawag nito sa akin kaya't sa ikalawang beses ay tumingin ulit ako sa kanya. At ngayon nga'y....

...nagtama ang aming mga mata. He's staring at me blankly. Hindi ko alam kung bakit bigla nalang akong kinabahan sa pagtitig niya.

“Mag-jojogging lang sa labas.” tipid kong sagot.

“Okay. Bumalik ka agad. Sabay ka lang sa akin papuntang school.” bumalik na ulit sa magazine ang kanyang paningin.

ILANG minuto na akong nagpatakbo-takbo. Huminto rin ako nang maramdaman ang pagod. Buti nalang at nahagip ng mga mata ko ang Alice' sa unahan. Isang burger shop.

Nagmadali akong pumunta roon at nag-order na rin. Hays. Kaka-jogging ko lang tapos heto, kakain na naman. Bahala na nga! Ginutom ako bigla e. Hindi pa naman ako nag-agahan sa bahay.

“Sa 'yo sir?” nakangiting ani ng babae. Hindi ko na pinansin ang dumating dahil nakatuon lang ang paningin ko sa beef steak na kasalukuyang pinapalaman na. Shit! Nakakalaway naman 'to!

“5 ham and cheese and a large coke in can, please.” nagulat ako nang marinig kung kaninong boses 'yon. Kay Demon!

Nanlalaki ang mga matang tumingin ako sa kanya. Shit! Confirmed! Si Demon nga! Pero napansin kong blonde na ang buhok niya at maayos na tingnan.

“Miss?” nagtataka niyang tawag sa akin. Napansin niya yatang tinitingnan ko siya ng mariin. Awkward. Pero ano raw? Miss? Gusto kong matawa sa prank niyang kunwari di ako kilala. Pero bahala siya dyan! Wala akong panahong makisakay sa prank niya.

I just rolled my eyes. Naka-all black ang suot niya. Wala yatang balak pumasok.

He smiled at nag-iwas na rin ng tingin. “Here's your hamburger ma'am. P150 lahat.” I just nod. Hinigit ko sa aking bulsa ang wallet at pakiramdam ko'y bigla akong nanlamig nang wala akong makapa. Shit na malagkit!

Wala pala akong dalang pera!

Napansin yata ni Demon na hindi ako mapakali kaya't kinuha niya rin sa kanyang bulsa ang wallet niya. Bago niya pa bayaran ang order ko at magkaroon pa ako ng utang na loob sakanya, pinigilan ko na siya agad.

“Wag na, may pera ako no! Akala mo ah!”

Medyo nagtaka naman siyang nakatingin sa akin. “What?” he suddenly laughed.

“P285 sir.”

“Okay.” napahiya naman ako nang makitang ibabayad niya pala 'yon sa order niya. Gagi, kahiya! “Here.” he handed the girl a 500 peso bill.

“Count her payment in. Ako na magbabayad.” Demon gestured me kaya't tumango naman ang babae.

“P435 – ”

“Just keep the change.” nagulat naman ang babae pero nang makabawi'y ngumiti rin.

“Thank you sir!”

He, then, looked at me smiling. Tila hinintay niyang may sasabihin ako. Umiwas ako ng tingin. Hindi ko alam kung bakit nahiya ako biglang harapin siya. Nang maabot ko ang sa akin ay tumakbo na ako agad pauwi sa bahay. Not even thanking him.

Break the Bad BoyWhere stories live. Discover now