Chapter 2

76 28 19
                                    

"LET'S break up. Ayoko na sa 'yo." nanliit ang dalawang mga mata ko nang marinig ang pamilyar na boses na 'yon.

May nagkukumpulang estudyante rin kaya't kaagad akong pumunta sa gawing 'yon. Hindi na ako nagulat nang makita kung sino ang taong 'yon.

It's none other than, Kayden Zachary Greyson. The bad boy.

"Feelingera kasi e. Akala niya siguro seryoso na sa kanya si Prince." napataas ang kilay ko sa sinabi ng isang babae. Prince, huh? Sa pagkakaalam ko wala namang Prince ang full name niya. Baka 'demon' pwede pa.

Tumingin ulit ako sa babae. She's crying silently pero kitang kita naming lahat 'yon. Humarap ang babae kay 'demon' at nagsalita.

"N-Naging girlfriend mo naman ako, 'diba? Mi-Minahal mo ba ako? K-Kahit konti lang.." nagtawanan ang mga eatudyanteng nanonood sa kanila. Halos lahat pa sila nag 'boo' sa babaeng 'yon. I pity her. What a jerk Kayden Greyson!

"You're funny. At talagang ang lakas pa ng loob mo para itanong sa akin 'yan. Naging girlfriend kita dahil bored ako. 'Yon lang 'yon. No love attached." he even laughed. After that incident, tumalikod na siya sa babae at naglakad palayo, grinning ear to ear like he just did something awful.

-

"Copy this on your English notebook, class. We'll be having a short quiz tomorrow. Just be ready and don't forget to study hard."

Hinanap ko sa loob ng bag ang English notebook ko. Asan na ba kasi 'yon? Habang tiningnan isa-isa ang mga notebook, may isang nakaagaw ng pansin sa akin.

A sheet of paper being folded. Kunot-noo ko 'yong tiningnan hanggang sa maalala ko kung saan galing ang papel na 'yon.

Kay Mav! Kakabigay niya lang sa akin nito kanina! Dahan dahan kong binuklat ang papel.

Break the Bad Boy.

Amputcha naman! Akala ko kung ano na, 'yon lang pala. Sayang papel do'n. One whole pa tapos four words lang sinulat? Tindi talaga ng trip. Hindi pa nga ako pumayag e. Wala naman akong pakialam sa mga buhay nila at wala rin akong balak manira. Unless nalang kung kakalabanin ako ng Demon na 'yon.

-

"WHAT THE EFFIN' HELL!" malakas kong sigaw nang bigla nalang may natapon sa aking bola. "WALANG'YANG—" natigil ako sa pagsasalita ng batuhin naman ako ng nilukot na papel. Take note, sapul sa mukha.

Whoever did this thing to me just reached my limits. Galit akong tumayo at tinanaw kong saan galing 'yong bola. And there I saw a tall, lean man leading his way to my direction. He's wearing the uniform of Greyson's Basketball Team.

And yep, Demon's family own this school.

"Give me the ball." tumaas lahat ng dugo ko sa katawan. That husky voice... kilala ko. Bahagya pa akong nasinagan ng araw kaya't hindi ko siya masyadong maaninag. But one thing's for sure, it's Demon. Lagot sa akin 'to.

"Wow! At talagang may gana ka pang utusan ako! Can't you see, you just hitted me with that ball" inis kong tinuro 'yong bola 'di kalayuan sa pwesto ko. "Hindi ka ba marunong mag-sorry?!"

Wala pa ring reaksyon ang mukha niya. Pero bahagya siyang lumapit sa akin. Limang hakbang yata ang layo niya sa pwesto ko. Medyo naiilang pa ako dahil tiningnan niya ako mula sa mukha pababa. What the effin' hell! Ano bang ginagawa niya. Iniinspeksyon kung gaano ako kaganda? Tsh!

I was about to talk pero naunahan na niya ako. "You don't even have bruises. So I guess, you're okay." he coldly said tsaka pumunta sa gawi ng bola. Pero bago pa siya makarating do'n, nauna ko ng tinakbo ang bola. Hindi ko maitatangging inis na inis ako ngayon kay Demon.

Nahinto naman siya at nakatingin lang sa direksyon ko. Nang mahawakan ko ang bola, walang pasumbaling tinapon ko 'to sa direksyon niya. He didn't expected that to happen kaya natamaan siya. Sayang nga lang at hindi pa sa mukha. Sa bandang dibdib lang!

"The fuck!" he cussed. Tiim-bagang niya akong tiningnan. He even clenched his fist. Ano 'to ah? Makikipagsuntukan siya 1v1? GvB?

I smirked. "You don't even have bruises. So I guess, you're okay." ulit ko sa sinabi niya kani-kanina lang. I even winked bago ko siya tinalikuran. Gano'n pala ang gusto niya ah. Hindi ako uurong. That demon must learn a lesson.

Break the Bad BoyWhere stories live. Discover now