Chapter 1

95 29 21
                                    

CHLOE

IT'S ALMOST a week pero hanggang ngayon ay hindi ko pa rin naiisip kung ano ang dapat gawin. Should I give it a deal even if I know what will possibly happen? Kahit alam kung makakasakit ako?

"I'M GETTING CRAZYYYYYYY!!!" napasabunot ako sa sariling buhok. Kung sakaling papayag ako, there's a possibility na makakasakit rin ako. Knowing Chloe's charms, walang ni isa ang hindi tinablan. Hindi pa nga ako gumagawa ng aksyon hulog na sila. Tsh! Boys will be boys.

-

Maaga akong nagising kinabukasan. Sigawan ba naman ako ni Mav sa mismong tenga ko pa! Kainis talaga ang lalaking 'yon. Buti nalang at kapatid ko siya kaya tanggap ko nalang. Besides, kami nalang dalawa nandito. Si mom nangibang-bansa. Si dad, nangibang-bahay. Tsh, anyways, kakalabas ko lang sa kwarto. I'm on my school uniform, gano'n na rin si Mav. As usual, expressionless na naman. Hmp!

"Ang arte mo talaga e, no. Ang tagal mong mag-ayos." inis niyang bulyaw. Hindi ko nalang siya pinansin at chill lang akong naglakad, sumunod naman siya.

"Be ready for your admirers, parami na ng parami 'yon." he said before starting the engine. He drive swiftly hanggang makarating na kami sa parking lot ng school.

"Dami na namang nag-aabang." inis kong bulong nang makita ang lagpas sampung kalalakihan. Some are holding bouquet of flowers, ang iba naman chocolates. Parang timang lang tingnan.

Nauna ng bumaba si Mav. Umikot naman siya papunta sa direksyon na inuupuan ko. "Baba ka na. Tamad akong maging gentleman sa ngayon."

I rolled my eyes at binuksan na rin ang pinto ng shotgun seat. Hindi pa man ako nakakalakad, sinalubong na nila akong lahat.

"Ako na magdadala ng bag mo," anang isang lalaki sa akin, he handed me the bouquet of flowers but I just raised a brow on him.

"Hindi ako tamad para hayaang dalhin mo ang bag ko. I'm not even cheap para tanggapin ang bulaklak na dala mo. If you don't know, I can even afford whole flower shop if needed." napapahiyang umalis naman siya.

"Mauna na ako," bulong sa akin ni Mav saka tumalikod. Pero lumingon din siya ulit sa akin, at ang gago kumindat pa! Dukutin ko mata niya dyan e! Iniinis na naman niya ako. Porket alam niyang man-hater ako. Pasalamat nalang siya at napakalaki niyang EXCEPTION. Instead of the fact that he's my brother; half-brother rather, siya lang talaga ang nag-iisang hindi nang-iwan sa akin noon pa man.

Dad left us for the sake of his new family. Hindi namin matanggap at do'n nagsimulang masira ang dating perpekto naming buhay. That's the time when mom decided to went abroad. At first hindi ko 'yon tanggap. Sino ba namang tao ang gustong maiwan mag-isa. Not until Maverick Sebastian came, my half-brother. At doon ko nalaman ang lahat.

That time I realized how playboy my dad is. Hindi pala si mom ang una niyang asawa kundi ang mama ni Mav. But my mom suddenly came into the picture, causing Mav's parents to separate. They did divorce at hindi rin nagtagal si mom naman ang pinakasalan niya. And here am I now, their daughter.

Pero ang hindi ko aakalain, magawa pa palang ulitin ni dad ang lahat ng 'yon sa pangalawang pagkakataon. He found another girl para gawan ng pamilya. At kami naman para itapon nalang basta-basta katulad ng nauna. He forced mom to sign the divorce papers. Ayaw pa ngang pirmahan ni mom sa kadahilanang mahal pa niya si dad at willing siyang magbigay ng second chance. Pero ako na ang pumilit sa kanya at napirmahan na  nga niya. Damn that love. 'Yan ang nagbibigay sakit sa lahat e. Nagiging tanga ang mga tao dahil lang sa word na 'yan!

Paalis na sana ako nang biglang humarang sa harapan ko ang isa pang lalaki. Tinaasan ko siya ng kilay pero nagawa pa niyang kindatan ako. Kung hindi lang ako marunong mag-kontrol ng temper, kanina pa siya tumilapon. May pakindat-kindat pa, mukha namang paa.

"Hindi mo tinanggap ang bulaklak ni Micko, siguro naman tatanggapin mo 'tong chocolates ko?" At talagang hindi pa nawawala ang ngisi niyang 'yan ah! Feeling gwapo nga naman!

"Pardon me but I don't like eating chocolates. Lalo na kung galing sa 'yo. And oh, that chocolate must be cheap. Mukhang hindi mo kasi afford ang mamahalin." I winked at him bago siya tinalikuran.

I raised a brow at some guys holding the same thing. Halos magkasabay naman silang naglakad palayo sa akin. Tsh, buti naman marunong umintindi.

Break the Bad BoyWhere stories live. Discover now