Chapter 4

62 26 6
                                    

"YES mom, we're doing okay." I answered boredly.

[Hindi mo na ba tatanungin kung kelan ang uwi ko?] I rolled my eyes kahit hindi niya rin naman nakikita.

"Nauumay na akong magtanong niyan ng paulit-ulit dahil paulit-ulit lang rin naman ang sagot mo, mom. Hindi ba?"

Bahagya siyang natigilan sa kabilang linya. I checked my phone pero nando'n pa naman ang numero niya.

TOOT! TOOT! TOOT!

Tsh, she ended the call. Again.

"ASHANTI!" sigaw ni Mav sa labas ng kwarto ko. Kung hindi lang talaga ako sanay sa kanya, sinipa ko na siya papuntang Mars. Sinabi ng ayaw kong tawagin ako sa second name ko e. Mahirap ba 'yong intindihin?

"BAKIT BA?!" sigaw ko rin pabalik.

"MAY BISITA KA!" kaagad akong bumangon mula sa pagkakahiga. Bisita? I don't even expected someone at this house! Wala akong inimbita!

"Bisita?! Sinong bisita?!" sunod sunod kong tanong nang mabuksan ang pinto ng kwarto ko.

"Aba ewan ko! Bisita ko ba 'yon ah? Bisita ko?" sarkastikong sabi niya. I secretly rolled my eyes. Nang matapos niya 'yong sabihin ay antok siyang pumasok sa kwarto niya, which is katabi lang rin ng kwarto ko.

Hindi na ako nag-abala pang mag-ayos. Bakit naman? E nandito lang naman kami sa bahay. At isa pa, wala akong inaasahang bisita. So wala akong pakialam sa hitsura ko ngayon. Lagi naman akong maganda e. Walang kupas. Walang duda.

Nang makababa ay wala naman akong nakita. Amputcha! Naloko pa yata ako!

"MAVERICKKKKKKK!" inis kong sigaw dito sa baba. Two-storey ang bahay namin at nasa taas ang mga kwarto with comfort room. Sala, Dining, Kitchen, at Comfort Room din naman ang nandito sa baba. Hindi gaanong malaki ang bahay namin. Sakto lang.

"Can't you shut up?" I instantly froze. Shit! What the effin' hell is he doing here? Akmang lilingunin ko siya sa likuran pero naunahan na niya ako. Pumunta siya sa harapan ko ng naka-poker face.

"How did you...." hindi ko na natapos ang dapat ko sanang sabihin nang ilagay niya sa mismong labi ko ang isa niyang daliri.

"I told you, you'll pay." he coldly said. Akmang tatakas sana ako sa kanya pero mabilis niyang nahawakan ang palapulsuhan ko kaya't napabalik ulit ako sa pwesto ko kanina.

"Escaping, huh?" bigla nalang akong kinabahan lalo na no'ng makita ko ang kamay niyang nakahawak sa wrist ko.

Marahas kong tinanggal ang pagkakahawak niya do'n saka siya sinamaan ng tingin. "Trespasser!" I shouted at him but he just remained poker-face. "Maybe I should call the police," pananakot ko sa kanya but it's no use.

He sat on the single sofa. Nakapandekwatrong nakatingin lang sa akin. Kahit naiilang, nagawa ko pa ring titigan siya pabalik. Hindi ako papatalo no!

Nagulat nalang ako nang makitang tumayo siya at lumapit sa akin ng dahan dahan. Wala akong ibang magawa kundi ang umatras. Mas lalo pa akong nagulat ng ngumiti siya.....devilishly.

Bumilis ulit ang tibok ng puso ko. Sobrang lapit na niya sa mukha ko. I can even smell his minty-breath. Tila namanhid naman ang mga kamay at paa ko dahil hindi ko man lang siya nagawang sampalin o patirin man lang.

Mas lalo pa niyang inilapit sa akin ang mukha niya habang hindi inaalis ang kakaibang ngiti. Napalunok ako. Lalo na no'ng makita ko ang pagtaas-baba ng adam's apple niya. What the effin' hell! Hindi ako pwedeng makaramdam ng ganito! Hindi pwede!

"Ang dugyot mo." he huskily said right into my ear. Hindi ko pa naiintindihan no'ng una dahil nadi-distract ako sa boses niya. Shit! He sounded hot!

He chuckled saka ako tinalikuran. Pero hindi pa man siya nakakalayo ng hakbang, lumingon ulit siya sa akin, still with his devilish smile.

"Be my girlfriend. 'Yon ang ibabayad mo." literal na nanlaki ang mga mata ko sa narinig. I was about to talk pero naunahan naman niya ako agad. "I don't take no for an answer." he said after walking away. Leaving me speechless.

Break the Bad BoyWhere stories live. Discover now